TPOSL 37

2.1K 98 31
                                    

ASHIANNA'S POV

" Anong ginagawa mo dyan?"

" AY KABAYONG BUTIKI!!"

" K-kuya Ace,hehehe" kunwaring masayang ani ko sa kanya kahit na sa totoo lang ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot at kaba.

Sino ba naman ang hindi matatakot lalo na kung madilim ang buong paligid mo tapos wala pang bukas ni isang ilaw manlang.

Tapos sa nangyari pa kanina na pag sara ng pinto,tapos manggugulat pa itong si kuya Ace.

Magkaharap kami ngayon ni kuya Ace habang andirito padin ako sa kinakatayuan ko simula kanina.

Pilit na ngiti ang ibinibigay ko sa kanya para lang maitago ang aking kaba,habang sya naman ay hindi maipinta ang muka.

Naistorbo ata ang pagtulog.

" Tinatanong kita kung ano ginagawa mo dyan,atsaka ano yung parang may kalabog ako na narinig?Buti nalang hindi nagising si Mom" sabi nya sakin habang halata ang pag kairita sa kanyang boses.

"Kasi....."

" Kasi?.....ano?...." sabi nya sa akin habang unti-unti nang nauubos ang kanyang pasensya.

Sasabihin ko ba sa kanya?Baka kasi di sya maniwala eh.Pero sa itsura nya na mukang handa na namang magbuga ng apoy malamang mapipilitan akong sabihin iyon sa kanya.

Kaya naman hinila ko sya paupo sa sofa at tumabi sa kanya saka ko sa kanya sinabi ang buong pangyayari mula nang bumaba ako.

Nakita ko ang pagalaki ng mata nya at ramdam ko din ang pag taas ng balahibo nya.Nakahawak din kasi ako sa may braso nya upang mas marinig nya ang mga sasabihin ko.

Mukang matatakutin din itong aking pina kamamahal na kapatid,Hehehhe.

Unti-unti syang lumingon sa akin habang nanlalaki pa din ang mga mata.

" Baka naman niloloko mo ko" sabi nya habang masama ang tingin sa akin pero mahahalata mo padin ang takot.

Magsasalita palang sana ulit ako nang biglang may kumalabog na naman sa kwarto ni kuya Dark but this time mas malakas na compared kanina.

Sabay kami napalingon ni kuya Ace doon sa hallway papunta sa kwarto ni kuya Dark.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni kuya Ace.Nanlalamig na ang mga kamay namin ni kuya Ace.

Napatingin kami sa isat-isa at nakita ko din syang lumunok dahil sa takot katulad ko.

" Sure ka ba na wala talaga sa garahe ang sasakyan ni Kuya Dark?" pabulong na tanong nya saakin pero dahil sa kaba at takot ay tanging pag tango na lamang ng paulit-ulit ang nagawa ko.

Tumayo sya at hinubad din ang tsinelas nya at iniwan sa sahig kung saan nakalagay ang sa akin.
Mas hinigpitan nya pa ang pagkapit sa kamay ko sabay takbo kaya naman napatakbo din ako.

Binuksan nya ang pinto at lumabas kami tinignan nya ang garahe at wala doon ang sasakyan.

Pwede naman sa kusina nalang eh,pero mukhang natakot ang Ace nyo.

Pagkatapos nya makita ang garahe ay hinila nya nanaman ako papunta sa may gate at doon sinilip-silip nya pa ang daanan baka sakaling naka parada lang doon ang kotse ni kuya Dark.

Pero wala,walang kahit isang sasakyan na nakaparada.

Tumingin sya sakin sabay kaming lumingon doon sa pinto ng bahay.Sa totoo lang kapag andito ka sa labas napakadilim sa loob.Wala nga kaming maaninag ni kuya eh.

The Princess Of Section Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon