TPOSL 40

2K 88 17
                                    

ASHIANNA'S POV

"Shau ang pangalan ko" bored nitong sabi sa akin.

"Ah ShauNga"

"Shau lang"

"ShauNga?"

"Shau"

"ShauNga?Ah Shaunga"

"Kabobo mong kausap" sabi nya sakin saka umalis sa tabi ko.Kanina pa nya pinapaliwanag sakin ang tungkol sa pangalan nga.Alam ko namang Shau lang talaga,sarap nya lang kasi inisin.

Yung mga buwan naman kanina pa bumalik,buti at binilhan nila ako ng pagkain dahil kung hindi talagang pagsasapakin ko sila.

Si Yanna inaayos yung buhok ko,nakalugay lang kasi kaya sabi nya ay itatali nya at lalagyan nya ng style.Mabait naman pala sya sadyang bad trip lang pala talaga sya noon.

Si kuya naman ay naka-dukdok doon sa lamesa nya.Mukhang iiglip muna.Buti hindi sya nagigising sa ingay namin.

" Ash ilang taon ka na nga ulit?" tanong ni Kenzo.Sya pala yung kaibigan ni kuya na palagi nya kasama.

" 10 + 5 " sabi ko sa kanya habang nakain ng donut.

"Aray kooo mashaket" bigla kong sabi ng hatakin ni Yanna yung hair ko.Yung pag titirintas nya kasi is yung parang dikit-dikit.Yung kukuha kuha ka lang nang ilang hibla ng buhok mo sa magkabilaan saka sya ititirintas.Buti sana kung parang katulad lang na ponytail yung style kaya lang ay hindi eh,hinati nya pa sa dalawa.

" Ayy sorry" sabi ni Yanna habang hinahaplos-haplos yung ulo ko.

" 15?" tumango naman ako sa kanya.

" Alam mo,akala ko nung una may gusto ka kay Ace kasi palagi kitang nakikitang naka-tingin sa kanya.Tas yun pala mag kapatid kayo." sabi nya sabay kamot sa ulo habang ako naman ay bahagya nalang na napatawa.

" Ok Class,please go back to your proper seats" sabi ni Sir pag kapasok nya palang sa pinto kaya naman agad naman silang bumalik sa mga sarili nilang upuan.

Ako naman ay medyo umabante nang kunti para gisingin ang kuya ko na tulog.

" Kuya gising na andito na si Sir" pabulong ko na sabi sa kanya habang tinatapik-tapik ko sya ng mahina sa pisngi.

Nagising din naman sya agad at Bumalik na din dito sa tabi ko si Alastair.

" Di nyo ko hinintay kanina,mga taksil" mahinang sabi ko sa kanya habang pabiro ko syang sinamaan ng tingin.

" Akala nga namin sumunod ka samin eh,pero pagbalik namin pinapalibutan kana nila." sabi nya.

" Ok"

" Hey" tawag nya sakin habang nakay Sir ang tingin.

"Hmm?"

" You always make me smile"

Hindi ko sya sinagot at tumingin lang sa kanya sabay taas ng isa kong kilay.

" I want to spend Chapter 1 Article 13 of Civil Code of the Philippines with You" sabi nya sakin sabay Wink.

" Oh" hindi ko naintindihan yung sinabi nya pero alam ko pick-up line yun.

" Hanger ka ba ni Mommy?"

" Why?"

" 'Cause you hit different "

" Oh"

Nagpatuloy lang kami sa pagbibigay ng pick-up lines sa isat-isa,di na kami nakikinig pero ang tingin namin ay nakay Sir pa din.Natigil lang kami nung mapansin ko ang masamang tingin ni kuya Ace samin-sakin pala.

The Princess Of Section Luna Onde as histórias ganham vida. Descobre agora