TPOSL 39

2K 97 11
                                    

ASHIANNA'S POV

Nandito ako nakaupo sa likod ni kuya Ace Katabi ko naman si Alastair.

Kanina pa to'h dikit ng dikit sakin simula nung break time.Ngayon naman ay nag kaklase na ulit kami.

" Ok class,Get a ¼ sheet of Pad paper may quiz tayo" sabi ni Sir.

Ngayon pa kami may quiz kung kailan hindi ako naka-pagreview.Hayy buhay.
Kinalabit ko si kuya Ace na nasa harap ko lang naman at mukhang kahit anong oras ay makakatulog na. Tulad ko.

" Kuya nag review ka ba?" tanong ko sa kanya ng pabulong.

" Hindi" Ayos yan.Baka mamaya parehas tayong kulelat sa quiz.

" Ikaw?Nag review ka?" tanong ko naman kay Alastair na agad din naman nitong kinailing.

" Ok class,get one and pass" nag bigay si Sir nang questionnaire na mukhang mahaba-haba at back to back pa nga.

Nung nakuha ko na ang akin ay tama nga ako at back-to-back nga ito.Buti nalang may choices at tama o mali lang.Dahil kung may identification ay yari na ko.

" Ash..Psst" bigla akong napalingon nang pasimple akong tawagin ni kuya.Tinignan ko muna si Sir kung naka-tingin ba sa amin,buti nalang at nandoon ito sa labas at mukang may kausap sa telepono.

" Bakit?" pabulong ko ding sagot sa kanya.

" Ano sagot sa number 5?" number 5?eh number 1 pa nga lang ako eh.

" Di ko alam number 1 pa nga lang ako eh" Sabi ko sa kanya habang kumakamot sa ulo.Tinignan ko si Alastair mukhang wala din syang maisagot.

Akala ko porket may choices ay madali na.Hindi din pala ( -,- ;)

" Alastair,may sagot kana ba?" tanong ko kay Alastair.

" Di ko din alam ang sagot" agad din naman ako napasimangot.Tinignan ko ang mga kaklase ko at mukhang problemado din sila.Kung sa room namin ay madali kaming nakakapag-kupyahan dito ay hindi.

Ang layo kasi ng agwat naming mag kakaklase.Ewan ko lang ba at itong si Alastair ay nandito sa tabi ko eh ang dapat ay isa sa mga section Sun ang katabi nya.

" Number 1 A, Number 2 D,Number 3 C,Number 4 A,Number 5 D. Six to ten C. The rest are letter D." biglang sabi ni Ate Charis.Sabay-sabay kaming tatlo nila kuya At Alastair na tumingin kay Ate Charis habang nanlalaki ang mata.

" What?Isulat nyo na yung Answer.Wag kayong mag alala tama yan" sabi nya at inulit ulit ang sinabi nyang sagot kanina habang kami naman ay agad na isinulat ito.Sinabi nya na din saamin ang sagot sa mga tama o mali.

" Salamat Ate Charis" sabi ko kay Ate Chariss habang ngiting-ngiti.Muka pa syang nagulat ng tinawag ko syang ate pero ngumiti din sya agad.

Habang nag kaklase ay napapansin ko pang sige ang pag tingin ng kuya ko kay ate Chariss.

O Pagibig.

Kaya lang pag tingin ko kay Alastair ay naka-tingin din pala sya sakin.Agad naman na namula ang tenga nya.

Cutee

Tuwing walang Teacher ay nag dadaldalan din kami ni Alastair.
Lunch time na at inaayos ko na ang mga gamit ko.Habang nag aayos ako ay hindi ko napansin na nag silapitan sakin ang mga Section Sun.Tinignan ko si Alastair sa tabi ko kaso hinila na pala sya ng mga Section Luna palabas.
Hindi man lang ako hinintay.

Mga Peyk Prends

Tinignan ko ang kuya ko na nag pipigil nang tawa dahil siguro sa gulat na expression ko.

" Uhmm, Hi?" sabi ko sakanila habang nag small wave.Nakakahiya kasi halos lahat sila naka-tingin sakin.

Itong katabi ko naman na lalaki na naka-upo sa inuupuan ni Alastair kanina ay naka-tingin lang din sakin.Mayroon syang Asul na buhok.Cool.Kamukha nya yung sa mga Anime.

" Hi din!!" sabay nilang sabi except kila kuya at ate Charis,pati nadin kay Yanna.

" So ano nga ulit pangalan mo?" tanong nung isang babae.

" Ashianna po." sabi ko sa kanila habang awkward na naka-upo.

Sinabi din naman nila ulit sakin ang mga pangalan nila.Wendy pala ang pangalan nang nag-tanong ng pangalan ko kanina at itong katabi ko naman ay hindi pa nag papakilala ganon din ang isa pang babae na naka-upo dito sa table ko.Hindi kasi ako nakikinig kanina kung ano ang mga pangalan nila.

" Ikaw kuya?ano po name mo?" tanong ko sa lalaking kulay Asul ang buhok.

" I'm Axel"

Axel?Axsul?

" Hi Axsul!!" sabi ko sa kanya.

" Axsul?" sabi nya habang naka-ngiti.Ang cute nya ding tignan,may dimples din sya katulad namin ni kuya.Pero hindi gaano kalalim ang kanya.

" Oumm,Ax-Sul.Asul" paliwanag ko sa kanya habang tinuturo pa ang kulay asul nyang buhok.

" Awwwww"
" Ang cute nya naman"
" Oo nga"
" May jowa ka na ba Ash?"
" Pwede ba manligaw Ash?"

" Anong ligaw?Bawal pa sya mag ka boyfriend" biglang sabi ni kuya Ace.Kung kanina ay naka-ngiti sya ngayon naman ay seryoso na ang mukha nya habang nakatingin sa mga lalake nya na kaklase.

" Bakit naman?" tanong ni hindi ko pa alam ang pangalan.Babae sya medyo mukhang maldita pero hindi.

" Oo nga Ace,Girlfriend mo sya no'h" tanong ni Kester.Nakita ko pang nag pipigil nang tawa yung kaibigan ni kuya na si Kenzo.Mukhang alam nya na magkapatid kami.

Ngayon ko lang din napansin na wala dito si Avy,baka lumabas na kanina.Nahagip naman ng mata ko si Yanna na masama ang tingin sakin habang nakatayo sya sa tabi ni kuya ko.

" Idiots,She's my Sister" sabi ni kuya Sa kanila at napahilot naman sya sa sintido nya.

" SISTER!!!" sabay-sabay na sabi nila habang halata ang gulat sa kanilang mga mukha.

" Oo nga no'h,tignan nyo ng mabuti si Ash.Kahawig nya nga si Ace"
" Di nyo ba narinig kanina ang apilido nya"
" Hindi"
" Nakatingin lang kasi kami sa kanya eh."

Nag patuloy pa ang pag uusap nila tumingin ako kay kuya para sana manghingi ng tulong dahil naiilang na ako pero nahuli ko naman syang naka-tingin ng masama kay Yanna.Habang si Yanna naman ay mukhang takot na takot.

Tinignan ko yung babaeng hindi pa nagpapakilala kanina,nakatingin din pala sya sakin.Bahagya pang namula ang mukha ko.Grabe kasi sya kung maka-titig.

" Uhm,ikaw ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

" Shau " ha?ano daw?di ko sya gaanong marinig ang hina kasi ng boses nya at maingay pa dahil sa pag uusap ng iba.

" Chow?" tanong ko sa kanya.Agad namang nangunot ang noo nya dahil sa sinabi ko.

Mali ba?Sarrey ( • u • ; )

🌙- Luna

To Be Continued....
Please Vote,Comment,and Share Thank you </3

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now