TPOSL 45

2K 90 32
                                    

ASHIANNA'S POV

" Ako lang dapat ang tinatawag mo na kuya Ashianna, ako lang dapat at hindi ang Xyndrix na yun" mahinang saad nya.

Possessive yarn?

Mukhang naka singhot nanaman po ng droga ang aking kapatid.

Tinulak-tulak ko sya para maka-wala ako sa yakap nya at ng mabihisan ko na sya. Kaso walang talab iyon.

" Kuya,umayos ka muna." Mahinang sabi ko sa kanya at kinikiliti pa sya sa may leeg at bewang nya pero tinawanan lang ako ng loko.

" Hoyy kuya, ano ba. Pag di ka umayos iiwanan kita dito." Nang sinabi ko iyon ay agad nyang inalis ang braso nyang naka-yakap sa akin pati na din ang paa nya na naka-tanday sa akin.

Tanggal angas mo tol.

Pinunasan ko lang sya saka isinuot sa kanya ang malinis na pares nya ng pantulog.

Yung my design na Pokemon ang kinuha ko hehe.

Pumunta din muna ako sa room ko saka nag palit din ulit ng pantulog na bago. Nahawaan kasi ako ng amoy nya na pinaghalong alak at sigarilyo.

Kung sya si Pokemon ako si Doraimon dahil parehas kaming palaging nalamon.

Bumalik ulit ako sa kwarto nya saka sya tinabihan sa pag-tulog. Naramdaman nya siguro ang pag-lubog ng kama nya kaya automatiko syang napa-yakap sa akin.

Ipinatong ko ang ulo nya sa braso ko at hinaplos-haplos ko ang buhok nya gamit ang mga daliri ko.

Ako na muna ang mas matanda saming dalawa ngayon. Tawagin nyo kung ate kundi sasapukin ko kayo. Charot.

Di pwedeng ako ang mas matanda sa aming dalawa dahil siguradong pag ako ang naging ate nito hindi na to'h makakalabas ng bahay. Homeschool to sakin, mag-kakaroon kami ng sariling basketball court dito sa bahay para marunong pa din sya mag sports. Lahat ng gusto nya maibibigay. Spoiled to sakin panigurado wag nya lang ako gagalitin dahil baka masapak ko sya ng wala sa oras.

" Wag mo syang tatawaging kuya, ako lang dapat ang kuya mo..." Mahinang saad nya habang mas sumiksik pa sa leeg ko. Bali ang leeg ko tol, malaki kasi ang ulo ng isang ito para namang napaka-haba ng leeg ko.

Ano ako giraffe??

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit sya nag tatampo sa akin. Mukhang nag-seselos sya kay kuya Xyndrix dahil tinatawag ko din iyong kuya. Hindi din namang pwedeng tawagin ko na lang syang Xyndrix dahil mas matanda sya sa akin.

Makikipag-bonding nalang ako palagi kay kuya Ace para di na sya mag selos. Hinalikan ko muna sya sa noo bago ako napunta sa lugar na may mga unicorn at mga unlimited na pag-kain.

Today is Sunday, Kakagising ko lang habang si kuya Ace naman ay ang himbing padin ng tulog dito sa tabi ko ang habang naka yakap sa akin.

Mukhang hindi man lang kami nag iba ng posisyon dahil hindi ko na maramdaman ang isa kong kamay pero ok lang yan ang mahalaga naka tulog ng maayos si kuya.

Tumayo na ako ng dahan-dahan at iniwan na muna si kuya na natutulog pa.Balak ko sanang pumunta ulit ngayon sa park.

Naligo na ako at bumaba para sana mag handa ng makakain namin pero naabutan ko doon si Mommy.

" Good Morning Mom" bati ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

" Good Morning din anak, mukhang ang sarap ng tulog nyo ng kuya mo ah" sabi nya habang nag hahain ng pag-kain. Hindi nalang ako nag-salita mamaya baka magalit pa sya kay kuya dahil umiinom sya ng alak at naninigarilyo.

Kumain nalang ako at nag paalam kay mommy na pupunta na muna ako sa Park. Nag lakad lang ako para na din exercise tutal malapit lang din naman.

Minsan ang sarap ding mag lakad lalo na kung hindi masakit sa balat ang sikat ng araw buti nalang at naka jacket ako ngayon, ayoko pang umitim.

Walang masyadong tao sa daan, napa ka tahimik ng paligid. Medyo malayo na din ako sa bahay namin. Tuloy-tuloy lang ang pag lalakad ko pero napa-hinto din ako nung may maramdaman akong sumusunod sa akin. Pag-tingin ko sa likod ay wala namang tao.

Wag nyong sabihing sinusundan ako ng multo.

Pero umagang-umaga multo agad di ba pwedeng daga lang??
Feeling ko nangyari na to eh. Hindi ko lang matandaan kung kailan. Nakikiramdam lang ako sa paligid ko at andon pa din yung parang nasunod sa akin.

May nakita akong sasakyan malapit sa pwesto ko kaya naman dahan-dahan akong nag lakad papunta doon at sinubukan ko na pasimpleng tumingin sa side mirror ng sasakyan habang naglalakad baka sakaling makita ko kung sino ang nasunod sa akin.

At meron nga, sa tingin ko ay lalaki ito base sa katawan nya. Naka tago sa likod ng puno. Naka-suot ng itim na hoodie at mask at kulay berde na mata. Masama din ang tingin nya sa akin na para bang napaka-laki ng kasalanan na nagawa ko sa kanya.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-lalakad pero mas binilisan ko pa. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa lalaking iyon.

Sana mali ang iniisip ko.

Dahil sa nangyari ay mas mabilis akong naka-rating sa park.

" Kahingal ah" mahinang saad ko habang hinahabol ang aking hininga.

" Here, drink some water" abot ng kung sino sa akin, tinignan ko kung sino ito, at ito ay walang iba kundi si-

" Tol!! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng tubig na binigay nya sa akin. Buti nalang cold water.

Hot kasi ako.

" Wala naman, nag papahangin lang. Pampatanggal stress. Ikaw ba??" Sagot nya sa akin habang naglalakad kami papunta doon sa swing.

" Wala naman, bigla ko lang naisipang pumunta. Salamat pala sa tubig. Btw kamusta? Naka usap mo na ba yung mga anak mo? Kumusta yung date nyo ni mommy ko? Ok ba??" Sunod-sunid na tanong ko sa kanya. Habang sya naman ay biglang namula.

" Ahh d-date?" Tanong nya sa akin habang nauutal pa mas lalo ding pumula ang tenga at leeg nya.

" Asus, mag dedenied ka pa. Alam ko namang hindi WORK ang ginawa nyo ni mommy ko eh" sagot ko sa kanya while emphasizing the word work.

He chuckles before he answered " Well, it went nice. Yung tungkol naman sa mga anak ko hindi ko pa sila nakakausap."

May bigla akong na realize kung nililigawan nya si mommy tapos may asawa at anak na sya, halahh!! Di kaya gawin nyang kabit si mommy ko.

Tapos bigla nalang kaming susugurin ni legal wife. Tapos mag aaway- away din kami ng mga magiging step-siblings ko. Since lalaki at babae din sila, parang kami lang din ni kuya Ace.

Tapos maiinlove sa akin si Step-bro, edi mas lalong gugulo ang lahat. Tapos yung bunso naman nya maiinlove kay kuya ko. Nakuu Hindi pwede!!!!

" Alam ko iniisip mo, wag ka mag alala hindi ko gagawing mistress ang mommy mo. " Sabi nya sa akin dahilan ng pag kalma ko. Pero pano nya nalaman ang nasa isip ko? Mind reader ba sya? Hala!!!

" At hindi din ako mind reader. Sadyang nanlalaki lang ang mata mo kaya alam ko na may narerealize kana dyan"

Owws, di nga?? Ano ba itsura ko pag nanlalaki ang mata? Pangit ba?? Nag mumuka ba akong panda?? Lalim pa naman ng eye bugs ko (• ▽ •;)

🌙- Luna

Sige, isipin nyo kung ano plano ko HAHAHAHAHHA
😆

Please Vote, Comment and Share my Story, Thank you!!!

Follow nyo na din ako sa FB: Mae Vencer

Mwahhhhhhh</3

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now