TPOSL 59

1.3K 67 13
                                    

ASHIANNA'S POV

" I GOT THE EYE OF THE TIG-ARAY!!"

" Manahimik ka nga, ingay-ingay nito"

Pag sasaway sa akin ni kuya sa pag kanta ko. Di naman ako nasigaw eh, nabulong na nga lang ako habang nakanta eh.

Atsaka ok lang naman na mag ingay ako ng mag ingay, di pa naman na uwi sila mommy eh tsaka gising naman yung kasambahay.

Sa katunayan nga eh andoon ito sa sala at nanonood ng Tv. Pinag pahinga na muna namin sya ni kuya. Kanina pa kasi sya paikot ikot sa bahay, kaming dalawa ang nahihilo sa kanya eh.

" Sa tingin mo kuya, ok na kaya to?" Tanong ko kay kuya patukoy sa regalo namin para sa kapatid ni Shiro na ngayon ay amin nang binabalot.

" Hindi, lagyan nalang natin ng ampao" saad ni kuya habang may tape na naka dikit sa kanyang labi.

" Magkano? Bente?" Tanong ko dito habang pumipili ng wrapping paper.

" Wag mo naman masyadong ipahalata ang pagiging kurimot mo bunso, wala ka na bang pera dyan?"

" Meron pa, magkano ba?"
Tanong ko muli dito habang iniisip kung paano ba mag balot ng regalo. Naka limutan ko na kasi kung paano, mas sanay ako na nilalagay lang sa paper bag tapos bigay na.

" Limang libo? Ok na siguro yun"
Saad nito saka tumango-tango.

" Kuya"

" Oh?"

" Kanta ka nga, wala tayong music eh. Lowbat mga cellphone natin."

" Sige, sige. Mas maganda na ako ang kakanta kesa ikaw."

Napa simangot ako sa kanya pero sya ay nag kunwari pang tinotono ang kanyang boses.

" Possie tight, Possie clean, Possie Fre- OUCH!!"

" Puro ka kalokohan"

*********

MGA YAYAMANIN ang mga bisita nila Shio sa birthday ng kapatid nya. Mga kumikininang sa alahas ang mga ito.

Nakaka silaw.

Karamihan sa kanila ay mga naka formal dress. May nakita pa akong iilan na naka gown pa. Habang kami ni kuya ay naka pang formal lang na simple.

I'm wearing a off shoulder dress na abot hanggang sa taas ng tuhod ko. Color purple ito na ipinartner ko sa purple ko na heels. Hindi naman ito kataasan. Sakto lang para mag pantay kami ng height ni kuya. Habang si kuya naman ay naka black tuxedo.

Hindi Tayo pandak for today's vidyow.

" Bro! Shia!" Pag tawag sa amin ni Shio nang makita kami nito.

Lumapit ito sa amin at binigyan ng bro hug si kuya at ako naman ay niyakap din nito.

Sis hug.

Kung may bro hug dapat may sis hug din.

Sa isang hotel ginaganap ang birthday party ng kapatid ni Shio. Napaka engrande nito. Fairy ang theme ng kanyang party pero pasok pa din naman ang outfit namin ni kuya.

" By the way Shio, ano nga palang pangalan ng kapatid mo?" Tanong ko kay Shio habang hinahatid kami nito kung saan naka pwesto ang mga buwan.

" Akira, Akira Yakimoto. Turning 5 later" naka ngiting saad nito.

" Nga pala yung mga gifts nyo, pwede nyo yang ilagay doon sa may table, kung gusto nyo din naman ay pwede nyo din yang iabot mismo kay Akira. Ipapa kilala ko din kasi sya mamaya sa inyo" dugtong pa nito na tinanguan naman namin ni kuya.

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now