TPOSL 42

2K 92 26
                                    

ASHIANNA'S POV

" BOO!!!"

Panggugulat ko sa kanya pero tumingin lang din naman sya sakin na parang tinubuan ako ng dalawang ulo.

" Ahhhh" walang buhay nyang sigaw habang naka-simangot.

Gulat ka na nyan?

" Di ka man lang nagulat" sabi ko sa kanya habang lumilipat sa frontseat nang hindi bumababa ng sasakyan.

Oo,kaya ko yun.

Pero dapat paa ang unahin at hindi ang ulo at katawan mo dahil kung hindi ay talagang mangungud-ngud yung driver sa pwetan mo.

Yun ay kung may pwet ka.May pwet ka ba?

Nung naka-ayos na ako sa pag-upo at tinignan ko sya pero ang loko inirapan lang ako.

" Galit ka po ba kuya?" naka-simangot na tanong ko sa kanya.

" Ano sa tingin mo?" sabi nya sakin habang binibigyan ako ng masamang tingin.

Sa tingin ko......Ang panget mo.

Pero syempre hindi natin yan sasabihin sa kanya.

" Hindi ko po alam"

" Tskk"

Nag-simula na syang mag maneho habang ako naka-tingin lang sa bintana gusto ko sana buksan ang radyo para mag mukha akong nasa music video tapos  yung kanta is yung Paubaya ni Moira para kunyari broken tayo tapos mas maganda kung uulan para mas ma feel ko yung drama o diba.

Muntanga.

Sa sobrang tahimik parang ang ingay.

I never heard silence quite this Loud~

Nilagay ko yung isa kung daliri sa tenga ko tapos pinakinggan ko yung dugo ko na dumaloy.Sabi nila dugo daw yun eh.

Nilagay ko naman sa isa pang tenga yung isa ko pang daliri at sabay silang nilabas pasok sa tenga ko ng paulit-ulit.

Nakakakiliti.Ehe.

" Baliw " ang naka-ngiti ko na mukha ay napa-litan ng pag kabusangot.Si kuya kasi eh epal.Nakita nang nag sasaya yung tao eh.

Di ko namalayan na naka-dating na pala kami sa school.Nauna nang bumaba si kuya hindi man lang ako pinag-buksan ng pinto.

Napaka-ungentleman.

Bumaba nalang din ako at ni-lock ang sasakyan nya.Saka dumiretso sa classroom namin.
Umupo na ako sa upuan ko at naki-pagdaldalan muna dito sa mga katabi ko.Palitan kami ng chismiss.

" Good Morning Class,so who will lead the prayer for today?" tanong ni Ma'am Sungit na teacher namin sa Filipino.

" Si Ash po Ma'am" sabi ni Kairo.Mukha lang tahimik yan pero madami ding kalokohan yan sa isip nya.

" Ok Perez,lead the Prayer" sabi ni Ma'am.

" Bat ako?" Turo ko pa sa sarili ko. Oo marunong ako magdasal pero sa lahat ng ayaw ko, ako yung naglelead ng prayer.

Inis akong pumunta sa unahan pero hindi ko pinahalata.

" Are you ready classmates" tanong ko sa kanila hindi din naka-takas sa paningin ko ang pasimpleng pag tawa ng lima doon sa likod.

" Yes, we are ready "

" I can't hear you"dagdag ko pa.

" Yes,we are ready!!"

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now