TPOSL 48

1.6K 80 21
                                    


ASHIANNA'S POV

" B-bat ka ganyan makatitig sakin?" Tanong ko kay Keiro. Kanina pa kasi sya naka titig sakin.

" May mga naging kaaway kaba dati??" Kaaway? Di ko pa ba nababanggit ang bagay na yun sa kanila?

" Dati meron. Pero hindi naman gaanong malala eh. " Pag rarason ko dito. Ang weird nila kanina pa, alam ko na may tinatago sila sa akin pero ayaw ko naman alamin pa.

" Sure ka ba ate? " Biglang tanong ni Sevi sa likod ko.

" Oo naman, bakit? " Tanong ko sa kanila. Umiling na lamang sya at inaya nya na kaming lumabas para mauna na sa cafeteria ngayon ko lang din napansin na bigla na lang nawala sila Alas at Shio.

" Oh Asan na yung dalawa?" Tanong ko ulit sa kanila. Naka palibot sila sa aking habang nag lalakad, mayroong nasa harapan ko, sa mag kabilang gilid pati nadin sa likod. Para silang mga nag ookserba. Kinakabahan tuloy ako.

Naka upo na kaming tatlo ngayon, nila Shio at Alas. Yung iba naman ay nag presinta na sila nalang daw ang mag oorder.

" San kayo galing kanina? Biglang kayong nawala eh" tanong ko sa kanilang tatlo. Pansin ko din ang kanina pa na pag lingon-lingon sakin ni kuya Ace. Nandoon lang kasi sila sa katapat na table. Di tuloy ako mapakali.

" May kinausap lang kami" sagot ni Alas sabay ngiti sa akin.

" Ahh by the way Shia, iimbitahan sana kita sa birthday ng kapatid ko. Doon lang naman sa bahay kung ok lang sayo, pinag paalam na din kita sa kuya mo. Pumayag naman sya tsaka kasama din naman sya" sabi sa akin ni Shio. Di ko man lang alam na may kapatid pala sya.

" Sige ba, kailan ba yan??"

" Sa sabado pa naman, medyo malayo pa"

" Ah sige pupunta kami."

Nag usap lang din muna kaming tatlo tungkol sa kung ano-anong bagay. Sa gantong paraan ay pakiramdam ko mas lalo ko pa silang nakikilala.

Nalaman ko na mahilig pala sa maaasim itong si Alastair. Si Shio naman ay hindi daw magaling mag sinungaling sabi ni Alas. Tuwing nag sinungaling daw kasi ito ay namumula ang pisngi nito at gindi sya makaka-tingin sa iyo ng diretso, nanginginig din daw ang mga kamay nito na pilit namang itinatanggi ni Shio pero sa huli ay wala din syang nagawa dahil talagang kilala na sya ni Alas.

Nag patuloy lang ang pag kukulitan namin hanggang sa dumating ang aming mga pagkain.

" Ok Class, mag bigay ng sampung Kilalang Pilipino at ang kanilang mga sinabi na lalong nag pa sikat sa kanila." Sabi ng teacher namin sa Filipino. Mas gusto ko ang teacher ko ngayon sa Filipino kesa yung mga naging teacher ko dati.

Parang lahat sila masusungit eh.

Agad naman kaming nag sitaasan ng kamay. As in lahat kami. Himala ito o di kaya naman at may mga katarantaduhan nanaman silang naiisip.

" Ma'am, Ma'am!!"
" Ma'am ako po Ma'am"
" Ako! Ma'am! Ako po!!"
" Ako una Ma'am!! Gold po ako!! Opo!!"
" Ma'am!!!!"

" Ok sige Shio"

" Pia Wurtzbach , I am confidently beautiful with a Heart" sagot ni Shio. Agad namang nag kantyawan ang mga buwan habang naka taas pa din ang mga kamay.

" Nanonood ka non tol? Ma'am ako po"
" Gago ang baho, Ako naman Ma'am"
" Sinong may putok sa Inyo?"
" Gago pre, gumamit ka nga ng tawas"

" Ok sige Ashianna"

" Kathryn Bernardo po Ma'am-" bago ko pa ituloy ang sasabihin ko ay pinatigil nya na ko.

" Wait, lagyan natin ng twist. Dapat gayahin nyo din kung paano nila iyong sinabi. With feelings dapat. Ok continue Ashianna"

" Kathryn Bernardo po Ma'am" umubo-ubo muna ako kunwari tumahimik naman din muna ang mga buwan at nag hihintay sa susunod ko na sasabihin.
Inayos ko ang pag tayo ko pero yumuko pinilit ko na tumulo ang luha ko saka ako muling humarap sa kanila. " I WILL NEVER BE CELINE!!" Sigaw ko na agad namang ikinagulat ng mga buwan pero bakas pa din ang pag kamangha.

Nag bow ako kunwari sa kanila at kumaway-kaway pa. " Thank You, Thank you!!"

" Talagang with Feelings ah"
" Oh galingan nyo"
" May talent naman pala si Ash sa pag-acting eh"

Sunod-sunod na din naman kaming tinawag ni Ma'am.

" Baron Geisler- Asan yung SABAW!!!" - Sevi

" Mike Enriquez- Ang sarap mo Pia" - Kenji

" Larry Gadon - Mga Bobo!!" - Kuya Xyndrix

"Jejomar Binay- Ano? Natameme kaya no?" - Seven

"Kris Aquino- Na touch ka because?" - Alastair

" Manny Pacquiao- Happy New Year Ebriwan!" -Six

" Ed Caluag- Tulad ngayon basa ang Tubig" - Kairo

" Nora Aunor- Walang Himala!" - Clyde

" Mocha Uson- Lahat kayo bobo!" - Keiro

Napuno nang tawanan ang buong silid. Sana ganito nalang palagi, palaging masaya. Yung para bang wala kang problema, Yung walang pangamba. Dati akala ko mahihirapan ako na paki-samahan sila puro ba naman kasi sila lalaki eh.

Sana lang ay hindi kailanman masira ang pag kakaibigan namin. Masyado na kasi akong nasanay na palagi silang nandyan. Tuwing malungkot ako andyan sila palagi para gawin ang lahat mapasaya lang ako. Pag masaya naman ako eh mas lalo lang nila akong papasayahin.

" Clyde inaaya ako ni Bernadette makipag-kita, usap daw kami. Walang balikan" Narinig ko na sabi ni Seven kay Clyde kaya naman ay nilingon ko sila. Sa lalim nang iniisip ko di ko na namalayan na umalis na pala ang teacher namin.

" Siguraduhin mo lang, nung umulan pa naman ng karupukan nasa gitna ka ng kalsada, pasayaw-sayaw."

Agad naman akong mahinang natawa dahil sa sinabi ni Clyde.

" Grabe ka naman sakin, di naman ako ganon karupok no" sabi nito kaya Clyde at kumamot pa sa likod ng ulo.

" Oh talaga? Ilang beses na nga ba ulit kayong nag-hiwalay at nag-kabalikan?" Tanong naman ni Clyde dito habang umakto naman si Seven na nag iisip.

" Ahhmm..... Five?" Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa sagot nya habang sya naman ay napangiwi sa sarili nyang sagot. Aba'y marupok nga.

" Oh kitams? Eh palagi ka nalang niloloko nyan mahal eh. Di ka pa ba nadadala?" Iritang sagot sa kanya ni Clyde.

" Usap lang talaga Promise, walang bakikan na magaganap hehe" alanganin syang ngumiti sa amin saka bumalik sa upuan nya ng hindi na inaantay pa ang sagot ni Clyde.

Napailing nalang kaming dalawa sa kanya.

🌙- Luna

Yoww!! Please Vote, Comment and Share my Story.
Thank you!!❤️❤️❤️

The Princess Of Section Luna Onde as histórias ganham vida. Descobre agora