TPOSL 56

1.2K 68 5
                                    

ASHIANNA'S POV

" Bunso"

"Hmm,kuya?"

We're now here sa building namin ng mga buwan. Nandito kami ni kuya sa may Second floor kung saan naroon ang piano.

Muntik na silang mag rambulan kanina kung hindi lang namin sila napigilan. Dahil sa huling sinabi ni tulak boy ay nasuntok sya ni kuya, susuntok din sana sya pabalik kung hindi lang sya napigilan ng mga buwan.

Putok ang labi ni tulak boy at napa upo din sya sa sahig dahil na din sa lakas ng impact ng suntok sa kanya ni kuya.

Pumalibot ang lahat ng mga buwan noon kila tulak boy para na din mapigilan sila sa balak nila na pag sugod kay kuya ng suntukin na ni kuya si Tulak boy. Habang ako naman ang pumipigil kay kuya.

After noon ay inaya ko na muna sya dito sa building namin para maka pag palamig sya ng ulo.

" Nakakasakal na ba ang pagiging protective ko sayo?"

Napanganga ako dahil sa hindi ko inaasahang tanong nya sa akin.Hindi nya ako binigyan ng tyansang maka sagot pa dahil nag salita sya ulit.

" Ni minsan ba hindi mo ko naisip na tanongin kung bakit napaka-protective ko sayo?"

Ngumiti ako sa kanya bago sya sagutin.

" I never did questioned it kuya. Hindi din naman iyon nakakasakal.You know why I never questioned it?"

Nag salita akong muli ng hindi nito nasagot ang aking tanong.

" It's because that I know that you only want the best for me kuya. I know that you just wanted me to be safe and it's ok to me. I'm actually happy to have a you as my super duper over protective kuya. Kasi kung wala ka, baka isa na din ako sa mga kabataan ngayon na lulong na sa alak at droga. So thank you so much kuya."

Emosyonal na sabi ko dito at niyakap sya ng patagilid na agad din naman nyang ginantihan.

" I want you to meet someone." Sabi nya sa akin habang hinahaplos-haplos ang aking buhok. Tumingin ako sa kanya at ganon nalang ang gulat ko nang makita ko na lumuluha ang mga mata nito.

" Who is it kuya?" Naguguluhan ko na tanong dito.

" You will know later. After class, Mauna kana sa sasakyan and we will go to her" he said while lovingly caressing my cheek using his right hand.

"Ok kuya"

" Ano kumusta kuya mo?" Tanong sa akin ni Alastair ng pag kapasok ko palang sa room. Agad nila akong pinalibutan lahat.

" Ok naman na, medyo lumamig-lamig na ang ulo nya."

" Nga pala, anong nangyari doon sa mga lalaki?" Pag tukoy ko kila tulak boy. Naiwan kasi namin sila ni kuya doon kanina.

" Wala naman, pinag bawalan lang namin sya na wag nang lalapit pa sayo" sagot naman ni Kenji na agad nilang ikinatango Lahat.

" Ok na, naitali na namin sila sa flag pole" saad ng tatlong S na ngayon ay kakapasok palang sa room. 

" Anong tinali?" Naguguluhan ko na tanong sa kanila habang sila naman ay kinakabahan na umiling iling na lang.

" Ahh yung ano, yung aso oo. Yung mga aso ni Sir, pinapatali nya doon sa may flag pole hehe"
Sagot sa akin ni Seven.

" Uhmm. Ate" mahinang tawag sa akin ni Sevi sa likod ko. Saktong pag katalikod ko sa kanya ay naramdaman ko ang pag balot nya ng jacket sa bewang ko.

" Huh? Ano yan? Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Nag aalangan pa sya sa akin kung paano nya sasabihin sa akin.

" Halika, may ibubulong ako sayo" sabi nya kaya naman medyo lumapit pa ako sa kanya ng unti.

" May tagos ka ate. Pero di naman ganon ka halata, medyo slight lang hehe"

Sabi nito sa akin habang namumula ang tenga at leeg habang ako naman ay nanlaki ang mata at agad akong tinablan ng kahihiyan.

" Weh?! Di nga?! Wait lang" sagot ko dito at agad na pumunta sa banyo upang i check kung meron nga. Ganon nalang din ang gulat ko ng makitang may dalaw nga ako.

Saka lang din pumasok sa isip ko na wala nga pala akong dalang extra na underwear pati nadin ng napkin.

Lagot, pano na to?

Kinapakapa ko ang phone ko sa bulsa ko, nag babakasaling nadala ko ito. Di din ako makatayo na dito sa toilet dahil ramdam na ramdam ko ang sunod-sunod na pag agos ng Red River ko.

Rumaragasa

Chineck ko ang phone ko kung may load pa ba ko, sana lang ay meron pa dahil kung hindi ay talagang mag tatagal pa ako dito sa cr.

Nang makita ko na may load pa naman ako ay agad akong nag hanap ng pwede ko na i-text sa contacts ko.

Una ko na naisip si kuya kaso baka hindi sya palabasin na, nalate na nga sya sa class nya eh.

Sunod akong namili sa pangalan ng mga buwan. Kailangan isa sa kanila ang i-text ko para makuha nila ang sanitary kit ko sa loob ng bag ko.

Nahagip ng mata ko ang pangalan ni Alastair. Sya nalang siguro ang i-tetext ko. Tanggal angas to men.

To: Alastair
Hey , I think I need A little help here. Hehe.

Paninimula ng message ko dito. Hindi ko pa man nasasabi ang kailangan ko ay pinamumulahan na agad ako ng mukha.

Di ko naman na kinailangan pa na mag hintay ng matagal dahil agad din naman syang nag reply sa message ko.

From: Alastair
Why? What happened, baby?

Baby? Wrong send? Sinong baby? Binaliwala ko nalang ito at sinabi na sa kanya kung ano ang pakay ko.

To: Alastair
I know that this is a little awkward but can you please get my sanitary kit in my bag? It's actually a pouch. The one that is Color Black with a rainbow design on it, please.....Thank you.

Pigil ang hininga ko ng sinend ko ito sa kanya. Hindi na sya nag reply pa, bigla tuloy akong kinabahan. Paano kung hindi sya pumunta dito? Ano nalang ang gagawin ko? Huhuhu kuya........

" Ash?"

Dinig ko ang boses ni Alastair sa pinto sa may pinto. Pag pasok mo kasi sa pinto ay nandoon na ang mga cubicle. Tatlo ang cubicle dito at nandito ako sa gitna na cubicle.

" Alas!! I'm here, sa may gitnang Cubicle" masayang tugon ko dito. Kita ko ang paa nya na papalapit dito sa ilalim ng pinto ng cubicle.

" Here, do you still need anything?" Sagot nito sa akin sabay abot ng aking pouch sa ilalim ng pinto at agad ko din naman itong kinuha.

Ngunit ganon na lang din ang pag ka dismaya ko ng makita ko na wala pala akong napkin sa pouch ko.

" Uhmm, actually Yes." Kagat labi ko na sagot dito gamit ang mahina ko na boses.

" What is it, baby?" Malumanay ang boses nito.

" Do you need a napkin or something?" Muling tanong nito kaya naman agad akong pinamulahan ng mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Ngunit wala din naman akong choice kung hindi ang umoo dahil wala din naman akong gagamitin.

" Y-yes" sagot ko sa kanya gamit ang mahina ko na boses.

" What brand do you use? "

" Uhmm, Whisper Nights with wings please...." Sagot ko muli sa kanya.

" Ok then, Just wait me here beby. I'll get some in the clinic."

" Ok, thank you"

🌙- Luna

Sorry for the typos and wrong grammar's, thank you :)

Minamadali ko na din sya, Excited na ko kay Ace eh HAHAHA.

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now