TPOSL 46

1.9K 84 15
                                    

ASHIANNA'S POV

Pauwi na ako ngayon kasama si Tol ko, nag-sama na ako sa kanya dahil masama talaga ang kutob ko.
Hanggang ngayon ramdam ko pa din na may nasunod sa amin.

" Tol, ramdam mo ba?" Mahinang tanong ko sa kanya habang unti-unti kong inangkla ang isa kong braso sa braso nya.

Mukha kaming mag-tatay.

" Oo, akala ko ako lang ang nakakaramdam." Sabi nya habang mas binilisan pa ng kunti ang paglalakad.

" Kanina pa yan simula nang pumunta ako sa Park" hindi na sya nag salita pa pero kita ko ang pag oobserba nya sa paligid. Ginawa ko nalang din ang gina-gawa nya baka mamaya eh bigla nalang may umatake.

Nandito na kami sa bahay. Pinapasok ko na din muna si Tol para naman dito na sya kumain ng lunch. Hanggang ngayon ay naka angkla pa din ako sa kanya.

" Mommy!! Kuya!! I'm Home" sabi ko habang papasok kami sa loob.

" Oh anak bakit ngayon kala- oh Hey!!" Bati ni mommy na kakababa lang kay Tol at humalik sa pisngi nito at yumakap pa.

Sumunod na bumaba si kuya at mukhang nagulat din sya sa presensya ni Tol. Hinapit nya ako sa bewang ko saka ako hinalikan sa pisngi.

" How are you?" Tanong ko kay kuya habang naka akap pa din sa kanya. Ramdam ko ang tingin sa amin nila mommy.

" I'm Alright, don't worry" sabi nya at hinalikan naman ako sa noo.

Tumingin ako kay mommy at tinignan ko ito ng naka kunot ang noo habang naka nguso.Kunwari galit ako.

" Kuya, Mommy doesn't love me anymore. She doesn't even hugged and kissed me." Sabi ko habang na kay kuya na ng tingin. He just chuckles at my action so as Mom and Tol.

Honestly, I forgot his name.

" Aww, wawa ang baby ko. Let's go, di natin bati si mommy" sabi nya sabay buhat sa akin. Mukha akong tarsier.

Tinignan ko sila mommy gamit ang puppy eyes ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Habang si Tol naman ay naka-ngiti lang.

" Bumigat ka ata" agad akong napa-tingin kay kuya ng sabihin nya iyon. Ako bumigat? Parang hindi naman eh.

" Hindi kaya!!!"

Nasa baba sila mommy habang kami naman ni kuya ay nandito sa kwarto ko. Naka higa ako sa lap nya habang sya naman ay nag babasa ng libro at hinihimas-himas ang buhok ko. Makakatulog na sana ako nang Maalala ko na may dapat nga pala ako na itanong sa kanya.

" Kuya "

" Hmm" binaba nya ang libro nya at tumingin sa akin.

" Ano ang tingin mo kay Tol?" Tanong ko kay kuya. Agad na nangunot ang noo nya. Di nya nagets kung sino si Tol.

" Yung lalaki sa baba, yung ka date ni mommy. Anong tingin mo sa kanya" doon lang sya mukhang nalinawan.

" Sa tingin ko mukha syang tao" sabi nya habang may bored look sa mukha.

" Tskk, kuya Naman eh." Inis na ani ko sa kanya habang sya naman ay tinawanan lang ako.
" Nag kita na kami dati. Ininterview nya ako noong nakaraan. Naalala mo ba nung mag kasama-sama tayo sa iisang room tapos kumain kami sa labas? Doon nakita ko sya doon."

Mukhang nagulat pa sya sa sinabi ko. Hinalikan nya ako sa noo bago sagutin ang tanong ko.

" Gusto mo pa ba mag karoon ng papa?" Malungkot na tanong nya sa akin.

" Opo naman kuya, sino ba naman ang di gugustuhin na hindi mag karoon ng ama? Ni hindi ko nga manlang nakilala si papa. Sino nga ba ang papa natin kuya?" Tanong ko sa kanya. Bigla nalang syang nalungkot bigla.

" Don't Worry, You'll met him Soon, Soon Princess"

Soon? What does he mean??

*******

Monday na ulit ngayon. Ibig sabihin may pasok nanaman, minsan nakaka tamad din eh pero no choice ako. Kailangan ko maka pag tapos ng pag aaral.

May balak pa akong mag hanap ng Engineer.

Medyo malayo pa ako sa room pero rinig ko na agad ang boses nila, para silang mga naka-lunok ng megaphone.

" Wag nyo na yan ipakita kay Ash!!"
" Oo nga, baka mamaya matakot pa yun!!"
" Sino ba kasi ang mag papadala sa kanya ng ganto?!"
" Ibigay nalang natin sa kuya nya"

Ano ba yun? Wag ipakita sakin? May package ba ko??

" Anong ibibigay nyo kay kuya?" Mahinahon na tanong ko sa kanila habang naka cross-arms at naka-taas pa ang isang kilay.

" It's Nothing" sabi ni Alas habang naka ngiti, pero halata pading kabado sya. Agad na nilagay ni Shiro ang isang maliit na box sa bag nya. Siguro yun yung ayaw nila ipakita sa akin.

" Opo ate Ash, wala lang yun. Tara upo kana" sabi naman sa akin ng batang buwan na agad namang sinang ayunan ng iba pang mga buwan. Hinawakan nya ang kamay ko at pinapaupo na ako

" T-teka ano yung....amoy na yun?? Naamoy nyo ba??" May naamoy ako na kung ano. Pero di ko ito matukoy. Medyo malansa ang amoy nya pero alam ko na hindi ito isang isda. Dati na akong naka amoy ng ganto eh.

Naka tingin lang sila sa akin at hinihintay ang susunod ko pa na sasabihin. Sinubukan ko na mag lakad-lakad sa room para matukoy ko kung saan nanggagaling ang amoy na yun habang pinapanood pa din nila ako. Halata ang kaba sa mukha nila at mga pinag papawisan na din sila kahit na bukas ang aircon.

Mukha silang natatae.

Napa hinto ako sa harap ni Shiro na hawak ang bag nya sa likod nya.

Tinignan ko ang may paanan ko dahil parang may natapakan akong basa at doon nag tama ang hinila ko kung ano ang naamoy ko.

" Dugo"

" Bakit may dugo dito?" Tanong ko sa kanila habang naka tingin pa din sa sahig, kung tatansyahin sa tingin ko ay nasa isang baso ang dugo na ito. Pero bakit may dugo dito? Tiningnan ko sila isa-isa kung meron ba silang mga sugat pero wala naman.

Muka silang maayos lahat. Tinignan ko ulit si Shiro na ngayon ay halos di na maka-galaw sa harapan ko.

" Uulitin ko, bakit may dugo dito?" Kalmadong tanong ko ulit sa kanila. Walang ni isang sumagot.
Walang ni isang gumalaw. Tanging ingay lang ng AC ang maririnig mo.

Napa tingin ulit ako kay Shiro, namumutla na sya ngayon at tuloy-tuloy na din ang pag tulo ng pawis nya.

Kung saan man galing ang mga dugo na ito, nasisiguro ko na nakay Shiro ito.

🌙- Luna

Wag na kayo maligo, 2 o'clock na.

Please Vote, Comment and Share my Story.
Thank you
( ˘ ³˘)♥

The Princess Of Section Luna Kde žijí příběhy. Začni objevovat