TPOSL 47

1.6K 78 10
                                    


cliofer para sayo ito beb. Pasensya na talaga. Anyway Enjoyy!!!

At katulad nga ng aking ipinangako, ito na po.

🖤


SHIO'S POV

I badly want to go to a vacation with the Luna's kaso may pasok pa but that's not the main problem. We can always find an excuse for that.

Ang problema ay si Ace. He's over protective to Shia, di pa din sya nakaka move on but I still understand him siguro kung sa akin mangyayari yun ay malamang hindi ko din mapapatawad ang sarili ko.

I'm on my way to school. Masyado pa na maaga pero ok lang kesa naman na mainip lang ako doon sa bahay atleast sa school nandoon ang mga kaibigan ko.

Malapit na ako papasok sa gate ng may isang lalaking humarang sa sasakyan ko. Balak nya bang mag pakamatay? Kung oo, wag nya naman sana akong idamay. Masyado pa akong madaming pangarap sa buhay kesa ang makulong. Buti nalang at hindi mabilis ang patakbo ko.

May katangkaran ang lalaki. Naka black hoodie at mask, malaki din ang kanyang katawan. Bumaba ako ng sasakyan at nilapitan sya, di naman nya siguro ako haharangin kung wala syang kailangan sa akin.

" Hey, is everything ok? " I ask him but instead of answering my question, he just gave me a plastic?
Hindi ko ito tinanggap at tinignan lamang.

" What's that?" Tanong ko dito kahit na medyo kinakabahan ako. He just looked at me straight into my eyes. I don't know but I feel like I shouldn't trust this guy. He's Creepy.

" Regalo para kay Ashianna Perez" sabi nya sa akin habang naka tingin pa din sa aking mga mata. Napaka lamig ng boses nya, kung isa akong bata malamang ay matatakot na ako sa kanya.

Hindi nya na ako hinantay pa na maka sagot at sapilitan nya sa aking ibinigay ang plastic saka ito umalis. Tinignan ko ang hawak ko na plastic, kulay itim ito at sobrang higpit ng pagkakatali.

Medyo may naamoy akong masangsang pero di ko matukoy kung saan. Kung sa hawak ko ba na plastic o dito sa truck ng basura na nasa likuran ng sasakyan ko?

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pumasok na ako sa Gate ng school, baka mamaya eh sitahin pa ako doon dahil naka harang ako.

" SHIO!!! Ano yan?" Ang SSS, dahil kay Shia ay SSS na din ang natatawag namin sa kanilang tatlo tuwing mag kakasama sila. Dati naman kasi ang tawag namin sa kanila ay Crazy Trios para kasi silang mga baliw minsan buti nalang at medyo tumino na sila nung dumating si Shia.

" Para daw kay Shia, tara sa loob" aya ko sa kanilang tatlo. Pag pasok ko ay agad ko na hinanap si Shia pero mukang wala pa sya.Habang ang iba naman ay napatingin sa akin na para bang first time lang nila akong nakita. Kinunutan ko lang sila ng noo.

" Ano yan?" Tanong sakin ni Xyndrix patukoy sa plastic na dala ko.

" Plastic. Binigay sa akin ng isang lalaki, para daw kay Shia" kumunot ang kanyang noo. Protective sya pag dating sa aming lahat lalo na kay Shia. Alam naman namin kung anong meron sa kanila ni Shia eh.

Kapag kailangan namin si Xyndrix naroon sya palagi. Kahit pa 3am na ng madaling araw,tawagan mo lang sya pupuntahan ka agad nya.Gusto nga sana namin eh sya na ang mag leader kaso sabi nya na ang unfair naman daw ng dating non para kay Alastair kahit na gusto din naman ni Alas na sya na ang mag lead.

" Isara nyo nga ang pinto, lalabas ang Aircon" saway ni Kairo sa SSS. Nandoon pa din kasi silang tatlo sa pintuan at nag kukulitan.

" Lalabas daw yung aircon, Sev. "
" Ahihihihihi, may paa yung aircon."
" Ahihihihhahahahah"

Bulungan pa nung tatlo. Napailing nalang ako sa kakulitan nila.

" Teka, naamoy nyo ba??" tanong ni Kenji habang may inaamoy amoy na parang aso.

" Ang sangsang ng amoy, sinong naka apak ng tae sa inyo?" sabi naman ni Seven at agad namang nag sireact ang iba

" Uy hindi ako ah"
" Mas lalong hindi ako, ang linis-linis ng shoes ko eh"
" Baka mamaya may tumae dyan sa short ah"
" Oh umamin na, sinong tumae sa short"
" Baka si Xyndrix"
" Upakan ko kayo eh"

" Shio, buksan mo nga yan. Mukang dyan nanggagaling yung amoy eh."

Utos nya na agad ko namang sinunod. Pumunta ako doon sa gitna at agad din naman nila akong pinalibutan.

Nahirapan pa ako sa pag tanggal ng buhol ng plasic kaya naman ginunting ko na. Lahat kami ay nagulat sa aming nakita.

Sa loob ng plastic ay naka lagay ang isang putol na kamay. At dahil sa gulat ay nabitawan ko ito kaya naman nahulog ito mula sa plastic at agad na kumalat ang dugo nito sa sahig.

Wala ni isa sa amin ang gumalaw. Lahat kami ay nagulat. Halatang kakaputol palang ng kamay dahil kung titignan mo ng maiigi ay may isang ugat sa loob nito na pumipitik-pitik pa. Hindi pa din maputla ang putol na kamay na iyon kaya masasabi mo na bago palang.

Sa itsura ng kamay ay halata mo na kamay ito ng isang babae.

" What the fuck is that?" Tanong ni Kairo.

" Shio, may note na nahulog. Basahin mo." Utos ni Xyndrix.

Hinanap ko ang note na sinasabi nya at natag puan ko ito sa may paanan ni Alastair. Naka lagay sa isang maliit na ziplock bag ang note. Habang ang Ziplock bag naman ay basang basa dahil sa dugo.
Kahit na nandidiri ay kinuha ko ito at saka binasa.

Becareful our Dear Ashianna, we are just always behind you. Watching you.

- JP

Pinabasa ko sa kanila ang nabasa ko. Sino naman kaya ang mag papadala sa kanya ng ganto?

" Linisin na natin yan, baka makita pa ni ate" sabi ni Sevi. Kahit ito ay kinakabahan at namumutla, bakit ko nga ba naka limutan na bata pa nga pala sya?
Baka ma trauma itong isang ito.

Sa isang iglap ay nag kakagulo na kami. Agad naming nilinis ang lahat ng kalat. Nag spray din sila ng Air freshener para matanggal ang masangsang na amoy.

May nakita ako na isang malinis na plastic at box. Agad ko na isinuot ang plastic sa kamay ko at mabilis na dinampot ang putol na kamay sa sahig at agad itong inilagay sa box.

Iilagay ko palang sana sa bag ko ang box ng biglang pumasok si Shia. Nalintikan na.
Hindi pa nalilinisan ang dugo na kumalat sa sahig!!!

May mga itinanong sya sa amin. Mahinahon lang ang pag tatanong nya pero inoobserbahan nya ang mga kilos namin. Pilit din syang pinapaupo ni Sevi sa upuan nito para maka talikod sya at ng malinis na nila ang sahig.

Agad ko naman nang ipinasok sa bag ko ang box. Nakita iyon ni Shia at alam ko na alam nya na na iyon ang itinatago namin sa kanya.

Wag na sana nyang malaman pa.

🌙- Luna

Bukas ulit hehe.

Please Vote, Comment and Share my Story, Thank you ❤️❤️❤️

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now