TPOSL 49

1.5K 77 7
                                    

ASHIANNA'S POV

" Kuya ano ba yung kapatid ni Shio? Babae o lalaki? Naka limutan ko itanong eh" tanong ko kay kuya.

Nandito kami ngayon sa mall at naghahanap na ng ireregalo para sa kapatid ni Shio. Sa susunod pa naman na araw ang birthday ng kapatid nya pero dahil nga nandito na kami ni kuya ngayon sa mall eh nag aya na sya na isabay na daw namin ang pagbili ng regalo dahil tinatamad daw sya.

Sinungaling

" Babae. She's turning Seven."

Babae naman pala kung ganon. Hindi na ako mahihirapan mag hanap ng ireregalo.

Pumunta ako doon sa section kung saan naka lagay ang mga dolls. Kumuha ako ng isang manika, Baby Alive.Binilhan ko nalang din iyon ng tig dadalawa pa na box ng pag kain nito tsaka diaper. Bumili na din ako ng Barbie yung complete set na, may mga damit, sapatos at iba pang mga accessories.

Si kuya naman ay bumili nang barbie house, complete set nadin yung binili nya. Sana lang magustuhan nung batang kapatid ni Shio yung mga regalo namin para sa kanya.

Tapos boyish pala kapatid nya no?

" Ano ba yan kuya, kung maka-hawak ka naman sakin eh para akong mawawala" naiinis na sabi ko kay kuya. Ang higpit kasi nang hawak nya sa braso ko para namang tatakbo ako.

" Tsk kung mag lakad ka kasi eh parang wala kang paki-alam sa paligid mo, mag masid-masid ka din kaya"

Ginawa ko ang gusto nya. Wala naman akong ibang kakaibang nakita except sa mga couples na nag lalandian, batang nag dadabog dahil hindi nabili ang gusto, mga nag-titiktok, may mga nag-pipicture, at isang nanay na nag papadede sa anak nya. Err diba dapat doon nya yan ginagawa sa breast feeding section?

I mean wala namang masama sa ginagawa nya pero kasi sa panahon ngayon eh marami nang mga manyak. Kahit sino binabastos. Siguro hindi nakita ni ate kanina yung breast feeding section kaya dyan nya na pinakain si baby .

Napa dako ang tingin ko doon sa may halaman ng may makita akong bulto ng tao.

Familiar.

Naka itim na hoodie at naka-mask na itim. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil sa natatakot ako.

Nakakita ako nang isa pang kagaya nya na emo na nakikipag-siksikan doon sa mga tao, at yung isa na naka masid mula sa malayo. Lahat sila ay naka tingin sa amin, binabantayan ang bawat kilos namin.

" Uhmm kuya, let's go home" sabi ko kay kuya ng hindi sya nililingon. Hinawakan ko ang kamay nya at medyo binilisan ang lakad namin.

" Nakita mo din ba?" Tanong nya sa akin at literal na hinila na ako papasok sa elevator pababa sa parking lot.

" Oumm, A-Actually they have been following me for quite some time now." Pag amin ko sa kanya dahil baka mas ikapahamak ko pa kapag itinago ko pa.

Hindi ko sila kilala. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa akin o sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit nila ako sinusundan-sundan. Oo, nakikipag-away ako pero hindi naman ako umabot sa punto na may na hohospital na ng dahil sa akin.

" Matagal ka na nilang sinusundan and yet hindi mo manlang naisipang mag sabi samin? Sakin? Pano nalang pag may nangyaring masama sayo? Ano nalang ang gagawin namin?"

Hindi na ako sumagot sa kanya dahil alam ko naman ang kasalanan ko. Pero bakit nga ba nila ako sinusundan?

Naka sakay na kami sa sasakyan at agad ko naman na sinuot ang seatbelt ko ganon din si kuya.

Sumilip ako sa may rearview mirror kung sinundan ba nila kami at andon sila.

Hindi lang pala sila tatlo, kundi Anim. Oo, anim na mga emo na lalaki. Naka tayo sila sa harap ng elevator habang pinagmamasdan ang pag-alis namin.

Kumaway silang lahat ng sabay-sabay sa akin na agad namang ikinataas ng mga balahibo ko. Nagulat naman ako nung bigla nalang paandarin ni kuya ng mabilis ang kotse.

Hindi nga ako mamamatay sa kamay ng mga emo na yun, mamamatay naman ako sa sobrang bilis ni kuya mag patakbo.

Parang biglang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko

"Kuya naiintindihan ko na nag mamadali tayo pero paki usap lang...AYOKO PA MAMATAY!!" sigaw ko dito habang mahigpit na naka-kapit sa may pinto ng sasakyan at sa aking inuupuan.

------------

Kanina pa kami naka-uwi ni kuya. Parehas kaming nag papahinga, sya lang pala.

Hanggang ngayon hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Sino ba sila? Ano ba ang kailangan nila?

Papatayin ba nila ako? Kung oo, bakit naman? Kukunin din kaya nila ang organs ko katulad ng mga napapanood ko sa balita na nangyayaring kidnappings. Kinikidnap nila yung mga bata o kaya eh mga teenagers saka nila kukunin ang mga organs nila ng buhay. Walang anesthesia o kahit ano pag katapos ay ibebenta nila. Ayoko nun. Tsaka sa tingin ko eh hindi ako healthy, di naman kasi ako nakain ng gulay eh.

" Ash anak, may mga bisita ka" tawag sa akin ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

" Susunod na po!" Agad akong tumayo mula sa oag kakahiga at nag tungo muna sa aking banyo.

Nagulat ako pag-harap ko sa salamin. Mukha akong bruha. Gulo-gulo ang buhok ko yung damit ko sobrang gusot. Inamoy-amoy ko pa ang kilili ko, buti at hindi maasim.

Hindi pa naman ako kanina naligo, tinatamad kasi ako. Speaking of ligo, naligo ba ako kahapon?

Naligo nalang muna ako saglit dahil baka mamaya ay may hindi lang talaga ako naamoy na hindi kanais-nais habang sila ay naamoy iyon. Nakaka-hiya.

Pag katapos ko maligo ay bumaba na din ako agad at bumungad sa akin ay sila Tol at ang mga buwan. Ni hindi na nga sila nag kasya sa sofa namin eh. Nandoon din si kuya at si Mommy.

Anong meron? Chismiss nyo sa akin mga kumare.

" Heyya" bati ko sa kanila at agad na umupo sa tabi ni kuya.

" Uhmm ano meron?" Kinakabahan ko na tanong. Pano ba naman kasi ako hindi kakabahan kung lahat sila ay naka-titig lang sa akin.

" Ok ka lang ba Ash? Wala bang masakit sayo?" Tanong ni tol.

" Ok lang naman po ako, ano po bang meron?" Tanong ko ulit sa kanila. Bakas ang pag aalala sa kanilang mga mukha.

" Ash we need to tell you Something"

🌙- Luna

May importante ako na sasabihin sa inyo na mga readers ko.

Mag kakaroon ng sariling book si Ace kung saan doon naka lagay ang past nya at ng Perez Family so technically para na din syang book 2 ng TPOSL pero sa POV ni Ace.

Hindi muna ako gaanong mag bibigay ng details sa inyo dahil maiispoil kayo.

It will be published soon pero don't worry hindi pa po mag tatapos ang TPOSL sadyang gusto ko lang kayo iinform agad. Excited aketch😆

Gusto ko din sana ipakita sa inyo yung book Cover kaso wag na pala. May spoiler kasi doon. Tittle nalang po muna ang irereveal ko.

M.C.D.P: Pain Of Yesterday

M.C.D.P. means Macedonian Clyde Devrox Perez.

Hanggang dyan nalang po muna yung irereveal ko.

Yun na po muna for now. Salamat po sa palaging pag support nyo sa akin at sa story ko!!

Love Y'all and Stay Safe Everyone.

Please Vote, Comment and Share my Story! Thank You!! </3

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now