-102-

214 15 6
                                    

-jay pov-

"hoy bumangon ka na dyan jongseong! nako!" tinakpan ko ang tenga ko gamit 'yung unan ko dahil sa boses ni mommy.

binuksan pa n'ya ang blinds ng bintana ko kaya muli kong pinikit ang mata ko

"hoy! may trabaho ka sa shop! bumangon ka dyan o wala kang allowance?!?" napaungol ako sa banat ni mama.

pinilit ko na lang bumangon kesa mabingi ako sa baratatatatat ni mommy.

"my naman, ang ingay" reklamo ko.

"sa boses ko naingayan ka, sa alarm clock mo na nasa tapat na ng tainga mo hindi ka naiingayan?!?" sigaw na naman nya

"babangon na ma, kalma na" lumabas na s'ya sa kwarto kaya nag-ayos ako. bumaba ako para sa breakfast, i kissed my mom on her cheeks pero ang init pa din ng ulo.

"sorry na ma, hindi lang ako makatulog kagabi e" niyakap ko sya "bakit naman hindi ka makatulog?" tinutulak pa ako, pero niyakap ko sya lalo.

"may iniisip lang po, sorry na okay?" she nodded in defeat.

"maupo ka na, si irene bababa na din 'yun" naupo na ako at hinintay si mommy magtapos nung paghahain. "at jongseong, hindi mo naman kailanganin sarilihin 'yang iniisip mo okay?" tumango lang ako sa kanya bilang responde.

"eh kayo my? bakit naman ang aga-aga ang init ng ulo n'yo?"

"paano si daddy!" sabat ni irene mula sa likuran ko, "anong ginawa ni daddy?" takang tanong ko sa kanila

"sabi ko sa kanya, umuwi s'ya sa graduation mo pero busy daw s'ya dahil lilipad s'ya papuntang italy" paliwanag ni mommy, mukhang nag-aalangan pa nga s'ya na ikwento sa akin

"hindi naman na bago ma, hindi na dapat kayo nag-aaksaya ng oras para pilitin s'ya" i faked a laugh.

"alam ko kasi na gusto mo din naman s'ya makita, mas masaya na ibalita mo sa kanya na 'yung kukuhanin mong course e 'yung dream course n'ya para sa'yo ng personal... hindi ba?" nginitian ko na lang si mommy so, hindi na s'ya mabother.

"okay lang po, sanay na ako.. hindi na big deal, naiintindihan ko s'ya... mukhang okay naman ang rason n'ya" tinignan ko si irene at tumango naman s'ya.

"sigurado ba kayo?"

"opo naman ma, kapag ako nakatapos, tayo naman ang pupunta kay dad" irene tried so hard to lift up the mood.

nilipat ko sa iba ang usapan, kasi mas bumibigat ang loob ko kung iyon lang din naman ang pag-uusapan namin.

after namin mag breakfast, nagdiretso ako sa shop kasi weekend at assigned ako para mag linis.

tatlong araw ko din s'yang hindi nakakausap, hindi din naman s'ya nag reply sa last chat ko so, ibig sabihin busy s'ya or ayaw lang talaga n'ya akong makausap.

"morning!" bati ko sa kanya pagkapasok

"m-morning" i just gave her my small smile before i  entered the small door para kuhanin 'yung mga panlinis na kailangan ko.

nagsimula ako sa pagpupunas ng glass window at door dito sa shop.

"j-jay, are you mad?" kung hindi lang mabilis ang reflexes ko siguro natumba na ako.

hay, lakas talaga ng impact mo sa akin antonia choi, panagutan mo naman ako.

"galit? me? no, toni... bakit naman ako magagalit sa'yo?" i tried so hard to smile, she looked at me in confusion.

"i'm sorry, kung may nagawa man ako sayo" paano ako magagalit sa'yo n'yan kung ganan ka ka-cute mag sorry.

nakatungo lang s'ya at mukhang naka pout pa.

"wala naman toni, okay lang... busy lang ako, kaya hindi ako nakakapunta dito" i lied, just for her to not feel bad. bakit ko nga ba s'ya iniiwasan. hindi pa naman sure kung boyfriend n'ya 'yun or what.

"galit ka..." lumapit ako sa kanya, pero tumungo lang naman s'ya lalo.

"look, toni... no i am no-"

"you aren't calling me "tangi"" i stopped, it makes me feel sorry more so i reached her and hug her.

"i am sorry... i just thought you are busy because you aren't replying on my texts... i gave you space" i said and rest my chin on the top of her head and gently brushed her hair.

"i.. just have a lot of thoughts, sorry rin" we just stayed hugging each other, silent.

i can't help but to think na sana panaginip na nga lang 'yung nakita ko... na sana wala dapat akong ikabahala, na sana hindi na lang matapos 'yung pagkapit at pagyakap n'ya sa akin dahil alam ko hindi ko na s'ya kayang bitawan pa.

may dumating na customer so agad kaming nataranta at lumayo sa isa't-isa na parang walang nangyari.

umuwi ako para ipagluto s'ya nung lunch. linggo kaya madaming customer, so i tried to help her as well.

"anong plans mo after graduation, tangi?" i asked her, nagliligpit na kami ng mga gamit kasi magsasara na kami.

"work malamang, may dapat kaming bayaran ni lola kaya nag-iipon kami" saad n'ya habang nagwawalis. hindi ako nililingon.

"may maitutulong ba ako? i'll try to help" napatigil s'ya at tinignan ko saka mabilis na umiling.

"wala, tumahimik ka..." natawa ako at pinagpatuloy na namin ang pag-aayos.

"miss ko na si lola, hatid kita sa inyo ah" she suddenly stopped with my words.

"ah-eh, a-ano kasi jay---"

"i'll take her home" napalingon ako sa pinto at nakita ko doon ang pamilyar na lalaki.

"kei, bro" he arrowed his hand infront of me, para makipag shake hands.

ayos na din, lakas ng aura. mas matangkad s'ya sa akin ng kaunti. hindi naman nabawasan ang pagiging gwapo ko dahil doon.

"jay, pwedeng pogi na lang" i tried to joke but i am clenching my teeth secretly. "nice joke, sunduin ko na girlfriend ko ah" confirmed.

nanghina ako bigla, parang narindi ako.

napalingon ako kay toni na nagulat, "okay, ingat kayo" sumenyas ako kay toni na pwede na s'yang umalis.

panahon na siguro para officially lumayo ako. park jongseong sad boi era pasok!

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon