-138-

201 19 13
                                    

-toni pov-

sabi ni jay kila tita amor daw kami magdi dinner, sinundo nya ako sa bahay tapos nag suggest s'ya na lakarin na lang namin 'yung bahay nila tita amor matapos n'ya iwan ang sasakyan n'ya sa shop nila.

we saw a stray cat on the street while we are walking, sa tuwing naglalakad kami palagi din kaming nakakakita ng mga stray cats, hindi na bago sa amin.

"ang cute n'ya no? what if, iuwi ko kaya sya jay?" i asked him while rubbing the cat.

"hmmm... we can, but- madami tayong gagawin para maging safe s'ya tapos kayo na din ni lola, saka baka may owner 'yan." i know he wasn't refusing to my suggestions, isa pa may point naman s'ya.

"right, pwede naman natin s'yang balikan next time right?" tumango s'ya at ngumiti sa akin.

"yes, tangi" nag promise ako sa cat na magkikita ulit kami bago kami nagpatuloy ni jay sa paglalakad.

after 10 minutes siguro nakarating na din kami sa isang malaking gate. luma na 'yung bahay pero malaki s'ya.

pumasok lang si jay kaya sumunod lang ako sa kanya.

"titaaaaa!!!!" sigaw n'ya habang nakasunod lang ako.

"jongseong~" napangiti si jay dahil sa babaeng bumaba ng mahabang hagdan. i also smiled on her. she looks so young.

i wonder kung ilang taon nangyari sa kanya 'yung car accident na nakwento sa akin ni jay.

"tita, si toni po, toni si tita" she hugged me kaya nagulat ako, but i hugged her back.

"good evening po" bati ko sa kanya.

"it's nice to meet you toni. madalas ka sa akin nakwe kwento ni jongseong" napatingin ako kay jay na kumindat lang sa akin. siguro naman maayos ang sinasabi nito kay tita amor 'no?

"tita, ako ang magluluto nang dinner ha" itinaas ni jay 'yung kanina pa n'yang bitbit na plastic bags.

"why? kayo ang bisita eh"

"panget kabonding naman tita amor, minsan lang matikman ang luto ko eh" natawa kami ni tita amor dahil sa pinagsasabi nitong si jay.

"okay fine! fine! tawagin mo lang ako kapag may problema ka sa kusina" niyaya ako ni tita amor maupo sa may living room area para magkwentuhan

"may gusto ka bang kainin, toni?" umiling ako ka agad. "okay lang po ako. okay lang naman po siguro na tawagin ko din po kayong tita di'ba po?"

"ano ka ba! oo naman, okay lang!" i smiled on her. "sinagot mo na ba si jay?" bulong pa n'ya, parang natatakot na marinig ni jay.

"sure ka na ba d'yan kay jongseong?" dugtong pa n'ya.

"nako, tita.. hindi ko pa sinasagot si jay, three weeks pa lang po s'ya nanliligaw" nahihiyang sagot ko sa kanya

"sasagutin mo ba s'ya? may balak ka ba?" tumango agad ako sa kanya.

"oo naman po, naghihintay lang po ako na maayos muna ang lahat at tamang oras"

winter nightmare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon