Chapter 3

48 12 1
                                    

Chapter 3

Sinundo na ako ni Manong Carlo sa gate ng university. Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos ang nangyari. Nalaman ko kina Ash na kilalang-kilala ang lalaking nag-abot sa akin ng papel. Kai was the name of Gabriel's friend. Ngunit 'di ko pa rin kilala ang initials na nakasulat sa papel. Sino naman kaya yung G.V. na 'yon?

Paano kaya kung si Gabriel ang nagsulat? Napailing na lang ako sa aking iniisip. Masyado naman yata akong assuming. Ni hindi ko nga alam ang apelyido ni Gabriel kaya paniguradong hindi siya ang nagsulat no'n.

Nakarating na ako ng bahay at napagtantong wala pa si Nanay. Siguro marami na naman ang nakain sa karinderya at mamaya pa siya makakauwi. Naisipan kong magluto ng aming magiging hapunan. Nagpalit muna ako ng damit at saka nagsimula ng gawin ang mga gawain sa bahay.

Nagluto ako ng tinolang manok dahil pareho naming paborito ito ni Nanay. Pagkatapos magluto, nilagay ko muna ito sa isang malaking mangkok at tinakpan. Mamaya na rin ako kakain at sasabayan ko na si Nanay.

Nanonood ako ng tv sa sala nang may narinig akong katok mula sa pintuan. Tinignan ko muna sa bintana kung sino 'yon. Nang nakita kong si Nanay, agad kong binuksan ang pintuan.

"Nanay!"

"Anak!" sabay yakap sa 'kin. "Kamusta naman ang school mo?"

Nginitian ko siya. "Maayos naman 'Nay, may mga kaibigan na po pala ako sa unibersidad."

"Mabuti naman kung ganoon, anak."

"Nga po pala, papaalam ho sana ako kung pwede kami maglunch dito minsan. Sinabi ko ho kasi na may karinderya tayo at kayo ang nagluluto roon," paalam ko.

Napangiti roon si Nanay. "Oo naman! Welcome na welcome ang mga kaibigan mo dito sa ating pamamahay."

Napatalon ako sa tuwa. Tinulungan ko na rin si Nanay sa kanyang mga dala. Napabaling ako sa kanyang likuran at nakita ang isang babae. Palagay ko mas bata ng ilang taon kay Nanay. Nagkatinginan kami. Magiliw ko naman siyang nginitian.

"Magandang gabi po!" bati ko.

"Magandang gabi rin, hija."

Lumapit sa 'min si Nanay. "Anak, si Delia nga pala. Siya yung katulong ko sa karinderya."

Tumango-tango ako. "Maraming salamat po sa pagtulong kay Nanay! Halika ho kain po muna tayo," anyaya ko.

Napuno ng kwentuhan ang hapag. Ipinaalam din ni Nanay na dito muna makikituloy si Aling Delia. Nalaman ko rin na mag-isa na lang sa buhay si Aling Delia. Mabuti na lamang at nakahanap siya ng trabaho. Masaya ako dahil may katulong na si Nanay sa karinderya at may makakasama na siya sa bahay kung sakaling aalis ako.

Ako na ang nagboluntaryong maghugas ng pinggan. Itinuro ko muna kay Aling Delia kung saang kwarto siya tutuloy. Pagkatapos maghugas, 'tsaka naman ako dumiretso sa aking kwarto.

Nag-aayos ako ng gamit nang malaglag ang nakatuping papel na natanggap ko kanina. Iniisip ko pa rin kung kanino ang initials na nakasulat do'n. Baka mamaya hindi naman pala totoo yo'n at pinagtitripan lang ako.

Late na ako nagising kinabukasan. Hindi na ako nagising sa aking alarm. Alas-singko dapat ang gising ko ngunit nagising ako ng alas-sais. Napasabunot ako sa aking buhok. Kasalanan 'to nung nakatuping papel e! Kaunti na lang tuloy ang oras na aking gugugulin. I hurriedly went to the bathroom to take a shower.

I just wore a burgundy plaid button short-sleeved loose dress. I let my hair down because I don't have time to fix it. I sprayed some cologne and went out of my room.

Naabutan ko na sila Nanay at Aling Delia na kumakain sa hapag. Humalik ako sa pisngi ni Nanay at saka kumuha na lamang ng tinapay upang baunin papuntang eskwelahan.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon