Chapter 11

33 10 1
                                    

Chapter 11

"Magkano po isang kilo ng baboy?"

"320 isang kilo, neng."

"Sige po, kukuha po ako ng tatlo."

Nasa palengke ako ngayon at kasalukuyang namimili ng mga kasangkapan para sa karinderiya. Palagay ko ay tanghali na magigising sila Aling Delia at nakalimutan na ang pamimili. Kaya ako na lang ang kusang gumawa nito.

Nagpahatid ako kay Mang Carlo dahil natatakot pa rin ako sa nangyari dati. Kahit alam kong ginawan na ito ng aksyon ni Gabriel ay hindi pa rin mapanatag ang sarili ko sa nangyari.

Pagkarating sa bahay ay agad kong ginising sila Nanay. Nakakapagtrabaho na ulit si Nanay sa karinderiya. Ang sabi naman ng doktor ay huwag siyang masyadong magpakapagod at kumain at matulog sa tamang oras.

Tinulungan ko si Nanay sa pagluto ng almusal. Sinabi niyang umupo na lang ako doon at maghintay pero hindi ko siya sinunod.

"Maupo ka na lang doon, Nyla at baka ma-late ka pa sa pasok mo."

Mamaya pa naman ang pasok ko dahil hapon pa gaganapin ang mga laro at cheerdance competition nila Aria. Pero tama si Nanay baka ma-late nga ako sa pasok ko at doon muna ako sa cafe mamamalagi at uubusin ang oras sa pagtatrabaho.

Nang matapos kumain, tinulungan ko sila Nanay magligpit ng pinagkainan at dumiretso na sa banyo upang maligo.

Inihatid ako ni Mang Carlo malapit sa cafe. Nakita kong sarado pa ito. Napatingin ako sa oras ng aking phone at napagtantong masyado yata akong napaaga. Kinuha ko saglit ang susi na ibinigay ni Sylvie sa amin kung sakali mang mauna kami sa kanya.

Binuksan ko ang mga ilaw pati na ang aircon. Nagpalit muna ako ng damit at saka ipinagpatuloy ang pagbubukas ng cafe.

I was arranging the seats and table when Ben arrived.

"Good morning, Nyla!"

"Good morning, Ben!"

"You're early," sabi niya.

"Ah, oo. Mamaya pa naman ang mga laro kaya dito muna ako magpapaubos ng oras."

Tumango siya sa sinabi ko. Dumiretso siya sa C.R. upang magpalit ng kanyang damit. Pagkatapos ay tinulungan na rin niya ako sa pag-aayos ng mga upuan at lamesa. Dumating na rin sina Sylvie at Iza na nagulat pa dahil sobrang aga raw namin pumasok.

Habang wala pang customer ay dinala kami ni Sylvie sa mini kitchen. She taught us how to make and bake pastries, brew coffee, and blend some frappe. She also let us taste some of her new flavors that she was experimenting over the past few days.

I learned a lot from Sylvie. Mas nadagdagan ang kaalaman ko sa baking at pagluluto nang tinuruan niya kami. Her new flavors taste good, too.

It was a busy day in the cafe. Lalong dumadami ang mga customers. Karamihan dito ay mga estudyante mula sa iba't ibang universities na manonood ng ICSD.

I received a text from Aria. Nakalagay sa kanyang text na dumiretso na ako sa court after daw ng shift ko. I replied okay to her and then went back to work.

Nagpalit na ako ng damit matapos ang nakakapagod ngunit masayang pagtatrabaho sa cafe. Nagpaalam na rin ako kay Sylvie. She's been the most caring and understanding manager I have ever met. Kaya rin siguro nagtagal dito sina Ben at Iza dahil sa pamamalakad ni Sylvie.

Hindi pa ako nakakalayo sa cafe ay may tumawag ng pangalan ko.

"Nyla!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. I saw Ben running towards me.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon