Chapter 4

41 11 2
                                    

Chapter 4

We were walking towards the school's parking lot just behind the fine arts building. Bawat building na madadaanan namin ay may binabati siya. Mukha siyang tatakbong mayor sa isang lungsod.

He asked me if it's okay to bring his car to make it easier for us to go to our destination. Tumango na lamang ako. Tinext ko na rin si Mang Carlo na huwag na akong sunduin sa university dahil ihahatid naman ako ni Gabriel pauwi.

We stopped at a black Lexus. First time kong makakita ng ganito. Sabagay, mayayaman nga pala ang mga tao sa eskwelahang pinasukan ko.

He took his key fob in his pockets and unlocked his car. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at umupo sa passenger seat ng kanyang kotse. Napangiti ako dahil ang gentleman niya.

Makikita ang mga damit, rubber shoes at duffel bag sa backseat ng kanyang kotse. His masculine scent lingered through my nose as I entered his car.

Umikot na siya upang pumunta na sa driver's seat. He then started the engine and drive towards our destination.

Silence filled the air. Wala man lang nagsasalita sa 'min. Tanging tunog lang ng radyo ang maririnig sa loob ng kotse. I secretly looked at him. Kita ko sa sulok ng aking mga mata, ang kanyang mga ugat sa braso habang nagmamaneho. Grabe, araw-araw ba 'tong nagbubuhat ng mga sakong bigas?!

"Are you... comfortable sitting there?" he said, breaking the silence. "Nilalamig ka ba?"

Umiling ako. "H-Hindi naman," nahihiya kong sabi.

"Am I... making you uncomfortable?"

Nagulat ako sa kanyang tanong. Mabilis naman akong umiling. He chuckled at my sudden reaction.

"Well, that's good," he then smiled. "I'm sorry for not personally inviting you for lunch. I probably looked like a stalker back there, huh?" his gaze was on the road.

I shook my head. "Hala, hindi!" napatingin ako sa kanya. Nagsalubong ang aming mga mata. Pinutol ko kaagad ang aming titigan at yumuko. "Sa totoo lang, first time kong makatanggap ng gano'n, 'yung... yayakarin akong maglunch ng isang lalaki," mahina kong sinabi yung dulo habang kinakalikot ang aking mga kamay.

"Why? Hindi ka ba nakakatanggap ng mga gano'n no'ng highschool ka pa?" mahinahon at mababa niyang wika. "I mean... you're very pretty, so I guess you have many admirers back then."

Malungkot akong ngumiti at umiling sa huli niyang sinabi. "Wala ako no'n. Wala rin akong kaibigan no'ng elementary 'tsaka highschool. Madalas din akong nabubully kasi raw... m-mahirap kami."

Natahimik siya roon. Bahagyang umigting ang kanyang panga. Napansin ko ring humigpit ang kanyang hawak sa manibela. Magkasalubong na ang kanyang kilay at kunot-noong nakatingin sa daan.

Bakit kaya? May mali ba akong nasabi?

Hindi na kami muling nagsalita pagkatapos noon. Nakarating kami sa isang café. Pinark niya muna ang kanyang kotse at unang siyang lumabas. Muli niya akong pinabuksan ng pintuan. Nakabusangot pa rin ang mukha.

Kaya ba siya nanahimik dahil nalaman niyang hindi kami mayaman? Ayaw na ba niya ako kasama? Napipilitan na lang ba siyang gawin ito?

Pinindot na niya ang kanyang key fob upang ilock ang kotse. Maglalakad na sana siya papalayo nang marahang hinila ko ang dulo ng kanyang shirt. Natigilan siya at humarap sa 'kin.

"Uhm, may nasabi b-ba akong mali k-kanina?" nanginginig kong sabi. Nag-iinit na ang sulok ng aking mga mata.

"Nagalit ka ba dahil nalaman mong hindi kami m-mayaman?" inangat ko ang tingin sa kanya.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon