Chapter 16

20 8 1
                                    

Happy New Year, guys! I hope 2022 will be a good year for us. Thank you for all your support! I love you!

***

Chapter 16

"Nanay, Aling Delia, kain na po tayo!"

Nagluto ako ng umagahan namin habang sila Nanay naman ay may inaayos sa bakuran. Naglagay na rin ako ng mga plato, baso, pati na ang kutsara't tinidor sa hapag.

"Ang bango-bango naman ng luto mo, 'nak!" puri ni Nanay. Natawa ako at humalik sa kanyang noo.

I already told Nanay that Gabriel and I are official. Natuwa siya dahil nakikita niya akong sobrang saya habang nagkukuwento. Sinabihan niya ako na alagaan namin ang bawat isa at kapag may problema ang isa ay huwag namin itong kimkimin at idaan sa masinsinang usapan.

We were happily talking when my phone beeped. It was Gabriel!

Gabriel:

Good morning, baby!

I immediately typed my reply.

Ako:

Good morning!

Gabriel:

Can I video call?

I want to see your face first thing in the morning :)

Pinigilan kong kumawala ang ngiti sa aking labi. Nagulat ako nang biglang mag-ring ang aking phone. It's him! I excused myself from the table to answer his call.

I answered his call at bumungad sa akin ang nakadapang si Gabriel. Napansin kong wala siyang suot na pang-itaas! His brown hair was disheveled at namumungay pa ang mga mata. He ran his fingers on his hair that made the lump of my throat hard to swallow.

Napakaganda naman talaga ng umaga!

Bumalik ako sa ulirat nang marinig siyang tumawa.

"You like the view, baby?" his voice was deep and hoarse but I can sense amusement in it.

Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi. "H-Hindi, 'no!" mabilis kong sagot. "Magbihis ka nga baka malamigan 'yang katawan mo." Mukhang bukas pa naman ang aircon niya.

"Opo, heto na po." Nakita kong siyang bumangon at namilog ang mata ko sa nakita. He was yawning but my eyes shifted on his 6-pack abs and his v-line!

I know he's an athlete but I never expect to see his body like this. He placed his phone on a table, making me see the full view of his body.

He grabbed his white shirt at una niya munang isinuot sa butas ang kanyang braso bago ang kanyang ulo. His arms flexed while he's putting on the shirt. Nadismaya lang ako ng natakpan na ang kanyang abs at dumiretso na sa akin upang kausapin ako.

"What are your plans for today, baby?" he asked.

Mabilis kong isinarado ang nakaawang kong labi. "A-Ah... Inutusan akong mamalengke ni Nanay. Mamimili akong mga kasangkapan para sa karinderya."

"Can I come with you then?" he asked, grinning.

I smiled at him. "Oo naman! Magbibihis lang ako pagkatapos kong kumain."

***

I was looking at the aisle where the condiments are. Gabriel brought me to a supermarket. Ang sabi ko sa palengke ako mamimili. He thought that it's the same since there is a market in the word 'supermarket'.

Napailing na lang ako sa iniisip.

Gabriel was behind me, pushing the cart. He let his eyes roam around the whole aisle. Minsan ay may kinukuha siya at saka titignan iyon pero muling ibabalik sa lalagyanan.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon