Chapter 20

59 7 0
                                    

Chapter 20

I woke up with the sound of machines murmuring. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa pagkakamanhid. Dahan-dahan din ang paggalaw ng aking ulo upang pagmasdan ang hindi pamilyar na puting silid.

I don't even know how I got here. My gaze went to my arms. It is now covered with bruises and cuts. Naramdaman ko ring masakit ang pagitan ng hita ko. A lone tear escaped from my eye as I remembered how I was treated.

It was horrible. How can he seriously do that? Ang kinikilalang mabait, palakaibigan, at matulungin na guro ang siyang gumawa nito sa akin.

Tahimik akong humihikbi habang pilit na kinakalimutan ang nangyari. I flinched when suddenly the door began to open. Hindi ko mapigilang hindi manginig dahil sa tunog ng pagbukas nito. Kumalma lamang ang loob ko ng makita ang isang tao na naka-scrubs.

"Gising na ho pala kayo, Ma'am," wika niya.

Kahit nanghihina ay pinilit ko pa ring magsalita. "N-Nasaang ospital p-po ako?"

May binanggit ang nurse na lugar na hindi pamilyar sa akin. I was stunned when she said that I was unconscious for three days. May nagdala raw sa akin dito. Ang sabi ay natagpuan daw ako sa daanan. Puno ng sugat at galos ang katawan.

After that, she told me that I should rest first and maybe a couple of hours, they will perform some examinations on me.

Nang umalis ang nurse, nakatulala lamang ako sa kisame. Naalala ko ang Nanay. I was gone for three days. For sure, she will be worried. Naalala ko rin ang aking mga kaibigan pati si Gabriel at 'yong imbita sa akin ng mga magulang niya. I hope they'll understand my situation when I see them.

I decided to sleep after minutes of staring at the ceiling. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa isang bangungot. Napaigik ako sa sakit dahil sa biglaang pagbangon. Hingal na hingal at pawis na pawis ako paggising. Parang may humahabol sa akin.

Ganoon ang nangyari sa akin makalipas ang ilang araw na pagpapahinga. I always woke up because of the nightmares that haunt me in my sleep.

I let my eyes roamed around the room again. Nakita ko ang mga gamit ko sa isang side table. I didn't know how it got there. I carefully reached for my stuff to find my phone. Luckily, it was there. I decided to call Nanay first. After a few rings, she finally answered.

"N-Nanay?"

"Nyla? Hello, Nyla? Ikaw ba 'yan hija?" instead of Nanay's voice, it was Aling Delia who answered.

"Aling Delia? N-Nasaan ho ang Nanay?" kinakabahan ako sa boses niyang may pagkataranta.

"Naku! Nandito kami ngayon sa ospital. Inatake ang Nanay mo!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Tears rolled down my face because of the news. I asked Aling Delia which hospital they were in. She said the same hospital where Nanay got admitted when she fainted.

Nang ibinaba ko ang tawag, napatalon ako sa pagpasok ng nurse. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Kailangan ako ni Nanay. Laking pasasalamat ko na pwede na raw akong ma-discharge sa araw na iyon. Just a few examinations and I'm good to go.

Nagtanong-tanong ako sa mga nakakasalubong kung nasaang lugar ako. At kung malapit lang ba ang ospital ni Nanay rito. I badly wanted to call my friends but I don't want to be a burden. Marahil ay may iba rin silang problema at ayoko ng dumagdag pa.

Mabilis akong nakasakay sa isang traysikel papunta sa ospital ni Nanay. Mabuti na lang ay may natitira pa akong perang hawak. Kahit na may takot at pangamba dahil sa nangyari sa akin noon ay ipinagsawalang-bahala ko muna. Ang importante ay makapunta ako kay Nanay.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon