Chapter 9

41 8 0
                                    

Chapter 9

It's the day of our defense. We were at the library doing some final arranging and reviewing of our research.

Pangatlo kami sa magpe-present kaya may oras pa kami na pag-aralan ang aming research at humanda sa babatuhing tanong ng mga panelists. Isinulat ko na rin sa index card ang mga posibleng katanungan na itatanong sa 'min. Syempre, binahagi ko rin ito sa aking mga kagrupo.

Katabi ko si Aria at busy kaming tinitignan ang ginawang powerpoint ng aming kagrupo nang may naramdaman akong malamig sa aking pisngi.

Napaatras ako sa gulat nang makita si Gabriel. Napabaling tuloy sa amin sila Aria pati ang iba naming kagrupo. Mabuti na lang at hindi kami sinaway ng librarian.

He was holding a yellow carton of milk, I think? Napahawak ako sa aking pisngi at natawa naman siya sa aking reaksyon.

"Hey," natatawa niyang sabi. I pouted at him. "I'm sorry if I scared you." Inilagay niya ang mga takas na buhok sa aking tainga. Bigla naman akong pinamulahan ng pisngi. Paniguradong titig na titig sila Aria pati na ang mga kagrupo ko sa amin.

"Uhm, Gabriel, ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Oh... uh, yeah!" parang ngayon lang niya naalala ang pakay niya rito. "I heard today's the day of your defense and, uh, I just want to give you this..." sabay abot niya ng dilaw na carton.

Kinuha ko naman iyon sa kanya. "Ano 'to?"

"Banana milk. Masarap 'yan! That's my favorite, actually," nilagay niya ang kamay sa kanyang batok tila nahihiya sa kanyang sinabi.

Ramdam ko na ang paninitig ni Aria sa akin. Mang-aasar na naman 'yun once na umalis na 'tong si Gabriel. "Salamat dito, Gabriel!"

Akala ko aalis na siya pero nagsalita siya ulit. "You didn't text me the other day..."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Inaalala ko kung ano ang nangyari no'ng isang araw. Nanlaki ang aking mata nang mapagtanto. Hala! Oo nga. Hindi ako nakapag-text sa kanya. Naalala ko rin na pinagsabihan ako ni Nanay dahil sa parehong dahilan.

"S-Sorry, Gabriel." Hindi ko rin masabi kay Gabriel na may nahanap na akong part-time job. "Ano kasi..."

He then chuckled. "No, it's okay, Nyla. I know you're busy and tired at school and at home, so no need for an explanation," he gently smiled and patted my head. "Well, I gotta go now." He was about to leave when he suddenly talked. "Is... it okay if I'll fetch you after class?" parang nagdadalawang-isip niya pang sabi.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Oo naman."

"Alright, I'll see you later," marahan niyang pinisil ang aking pisngi at namaalam na rin sa aking grupo.

Pagkaalis na pagkaalis ni Gabriel, dumagsa ang mga katanungan at asaran ng mga kagrupo ko sa akin. Syempre, pinapangunahan na 'yon ni Aria. Sinabi ko na lang na wala 'yon at mag-focus na lamang sa aming research.

It was our turn to present our research. Mabilis lang natapos ang naunang grupo. Sinabihan kami na pumunta na sa room kung nasaan ang mga panelists. Dali-dali naman kaming tumungo roon ng aking mga kagrupo. Ramdam ko na kinakabahan sila kaya sinabihan ko sila na kaya namin 'to at matatapos rin 'to.

Ilang oras din kaming nasa loob ng silid. Maraming ibinatong katanungan sa amin ang mga panelists. Napansin ko lang din na paulit-ulit lang 'yung mga tanong na binabato nila. Halos lahat din ng mga naisulat ko sa index card ay 'yun ang tinatanong nila. Mabuti na lang din at nakakasagot ang aking mga kagrupo kaya wala naman akong ikinabahala do'n.

Natapos din ang aming pagpe-present at iniintay na lang ang sasabihin ng mga panelists. Nataranta kami nang magsalita ang isa sa kanila. Bigla ko tuloy naalala si Ash sa kanya.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon