Chapter 26

22 6 0
                                    

Chapter 26

Nagpupumiglas ako habang nakapulupot ang braso ni Sir Gilbert sa aking leeg. Hindi ako makahinga. Masyadong mahigpit ang kapit niya sa akin.

Nanginginig na ang buong katawan ko. Walang tigil sa pagbuhos ang aking luha. Hindi ko na maitago ang takot na nararamdaman ko. Pilit ko siyang sinisiko ngunit mas lalong humihigpit ang pananakal niya sa akin.

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" sigaw ko, umaasang may dadating.

But Sir Gilbert's hand flew over my mouth. I am now creating muffled sounds. Napaigik ako sa sakit dahil nararamdaman kong bumabaon ang kanyang kuko sa aking pisngi.

"Tangina! Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko 'yang ulo mo!" 

Naramdaman ko ang malamig na nguso ng baril sa aking sentido. Mas lalo akong natakot at napahagulgol na sa iyak.

"T-Tama na po! Tama na..." pagmamakaawa kong sabi pero mukhang hindi niya ito naririnig dahil sa pagtakip ng kanyang kamay sa aking bibig.

Isang malakas na tunog ng busina ang narinig ko. Isang kotse ang pumarada sa hindi kalayuan na kanto. Namilog ang mata ko nang lumabas si Gabriel mula rito. Madilim ang kanyang mga mata at umiigting ang panga habang papalapit sa amin.

No... No! Don't come near us, Gabriel. Please...

"Huwag kang lalapit kundi ikaw ang una kong papatayin!" banta ni Sir Gilbert.

Tumigil si Gabriel. Nakakuyom na ang kanyang kamao. When his gaze met mine, it began to calm down and soften. I shook my head to tell him that he shouldn't go any further or else I might lose him, too!

But he smiled sadly at me. It's as if he's telling me that he'll be alright. I'll be alright. Everything will be alright. 

"Let her go..." aniya sa malalim na boses habang unti-unting lumalapit sa amin.

No... Don't you dare, Anwyll Gabriel!

Isang putok mula sa baril ang ipinakawala ni Sir Gilbert. Impit akong napasigaw at napapikit dahil sa lakas nito. When I opened my eyes, I saw that he was pointing the gun upward. I sighed in relief. 

Muli kong binalingan si Gabriel. I can see that his hands are trembling, too. But he immediately advanced to us at mabilis na inagaw ang baril kay Sir Gilbert.

Malakas akong itinulak ni Sir Gilbert at napasubsob sa sementadong sahig. Pilit kong itinayo ang sarili at hindi na inalintana ang sakit kahit puro galos ang aking kamay at braso.

I saw Gabriel and Sir Gilbert trying to get hold of the gun. Hindi maipagkakaila na mas malakas si Sir Gilbert pero hindi naman nagpapatalo si Gabriel.

And then, I heard the loud boom of the gun. Parehas nakatalikod sa akin ang dalawang lalaki. Ngunit nanghina ako nang bumagsak ang katawan ni Gabriel sa sementadong sahig.

My lips parted and started to quiver at the sight. This can't be happening... This can't be happening!

No...

"No! Gabriel!" sigaw ko. "Hindi 'to maaari! Hindi 'to maaari..."

Napabalikwas ako nang gising dahil sa katakot-takot na bangungot. I was breathing heavily, sweat cascading on my forehead, and tears running down my cheeks.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking palad. Tahimik akong humagulgol. That was a nightmare, right? It can't be real. I can't lose him. I really can't...

Pero mukhang makatotohanan ang bangungot kong iyon. Nakita ko na ba si Sir Gilbert? Sa pagkakaalam ko siya ang nakabungguan ko noong pauwi na ako.

Dali-dali akong bumaba sa kama. I need to see him! I need to see if he's okay and safe!

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon