Chapter 19

67 5 0
                                    

Trigger Warning: Sexual Assault

Please read at your own risk.

***

Chapter 19

Inabala ko ang sarili sa pag-aaral. Bukas na ang aming final exams kaya todo ang aking pagsusunog ng kilay. Pilit ko munang isinantabi ang mga nakakasagabal sa akin.

"Anak, dinalhan kita ng tanghalian." I saw Nanay peeking through the door before she opened it widely.

Bumaling ako sa aking ina at pansamantalang itinigil ang gawain at mamahinga muna. I closed my eyes and stretched my arms first. Niyakap ko ang Nanay at kinuha ang tanghalian sa kanya.

It was tinolang manok! My favorite!

"Maraming salamat po rito, 'Nay! Alam na alam niyo po talaga ang paborito ko," I said. Excited nang lantakan ang hinanda ni Nanay.

"Syempre naman, anak," umupo siya sa may armrest ng upuan at tinignan ang mga reviewer at libro ko. "Mukhang andami niyan, ah. Siguradong kayang-kaya mo naman 'yan, anak. Mana kaya ikaw sa akin!"

Natawa ako sa kanyang sinabi. "Oo naman po, 'Nay! Magkamukha at magkaugali rin po kaya tayo."

It's really true. Minsan napagkakamalan kami na magkapatid ni Nanay. I'm like her carbon copy. From her chinky black eyes, pointed nose, small red pouty lips, and silky black hair na katulad na katulad sa akin. Tanging ang kulay ko lang ay nakuha sa aking ama.

Mahinhin din ang Nanay. Parang hindi makabasag ng pinggan. Pero alam ko kapag nagagalit siya ay nakakatakot. Kaya hindi ako sumusuway sa utos ng Nanay dahil alam kong may nakahanda na siyang pamalo kapag hindi ako sumunod sa kanya.

Niyakap ako nang mahigpit ni Nanay. "Ang anak ko talaga..."

Saglit kaming binalot ng katahimikan saka ako muling nagsalita.

"Nanay, pangako po... Tutuparin ko lahat ng pangarap natin. Pati na po 'yung pangarap niyong restaurant," bulong ko habang nakayakap sa kanya.

I felt her sighed. A relieved one. "Hmm... Basta lagi mong tandaan na proud na proud ako sa'yo, Nyla. Napakasuwerte ng Nanay sa'yo..."

Napangiti ako at mas sumiksik kay Nanay. She's caressing my hair and I couldn't help but feel to be a young Nyla again.

Truly, a mother's love is unconditional. I really admire Nanay for raising me even just by herself. She's the kindest, bravest, toughest mother that I know and love.

"Nga pala, 'nak. Kanina pa may naghihintay sa'yo sa labas. Hindi ko lang masabi dahil alam kong busy ka sa pag-aaral mo."

Kumunot ako sa sinabi ng Nanay. Sino naman kaya iyon? Wala naman akong iniimbitang mga kaibigan sa ngayon?

Sabay kaming lumabas ng kwarto ni Nanay. Namilog ang mata ko kung sino ang nasa sala namin. Wearing a while long-sleeved polo shirt, gray slacks and leather shoes, Gabriel looked so dashing in his formal attire. He's like an intimidating and ruthless businessman.

Nang magtama ang paningin namin, tumayo siya bigla. May nakasabit pang gray na coat sa kanyang braso. He smiled at me, reaching his ears. Para bang ang tagal naming hindi nagkita.

But I couldn't equal the intense of his smile, so I gave him a small one.

"Hi, baby..." he reached for my elbow to give me a hug.

"Maiwan ko muna kayo at pupunta na ako sa karinderya," Nanay looked at me and smile. I watched her as she went out of our house.

Gabriel's still hugging me. Hinahaplos ang aking buhok at binibigyan ng halik ito.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon