Chapter 12

27 9 0
                                    

Chapter 12

I always get excited whenever it is my birthday. I get to celebrate it with Nanay every year. Hindi man kami kumpleto ay masaya at kuntento naman ako dahil nandiyan siya lagi sa espesyal na araw ko.

For now, I wanted to brush off all of what's going on in my head. Huminga ako nang malalim at saka pinakawalan ito. I want this day to be memorable just like the other birthdays that I had.

I don't want to look sad while I'm blowing candles and they're all greeting me a happy birthday, right?

Inayos ko ang aking kama pagkabangon at saka lumabas ng silid. Napansin kong nakapatay lahat ng ilaw sa bahay. Hinanap ko ang switch ng ilaw. Pagkapitik ko ng switch ay nagulat ako sa bumungad.

"Happy birthday!"

I saw Nanay and Aling Delia wearing party hats. Nanay was holding a small cake while Aling Delia has a party pipe on her mouth.

Shocked and amazed were etched on my face. Malawak na ngiti ang ipinakita ko sa kanila.

"Maraming salamat, 'Nay, Aling Delia!"

I hugged them both. Nagluto rin sila ng napakaraming pagkain. Paniguradong mamimigay si Nanay sa mga kapitbahay.

"Anak, may pinadalang package nga pala ang mga tita mo. Para raw sa birthday mo 'yon," nakangiting sabi sa akin ni Nanay.

Masaya akong tumango sa sinabi ni Nanay. Madali kong tinapos ang pagkain saka binuksan ang package na padala ng aking mga tita.

Apat na magkakapatid sila Nanay at lahat sila ay babae. Mababait ang mga tita ko. Lahat ay nasa ibang bansa. Si Nanay lamang ang nandito sa Pinas at piniling manatili rito. Minsan ay nagpapadala rin ng pera sa amin ang aking mga tita para sa pag-aaral ko o mga gastusin sa bahay.

Punung-puno ng mga bagong damit, sapatos, bag, at iba pang kagamitan ang loob ng box. Tuwang-tuwa ako dahil may mga bago na naman akong magagamit. I like to style myself and try something new every day. Simple yet elegant.

I tried on the powder blue puff-sleeve princess dress after taking a bath. The cloth is so silky and I feel comfortable wearing it. I partnered it with white sneakers dahil may trabaho pa ako sa cafe. It still looked cute, though.

Nakarating ako sa university ng may ngiti sa labi. As much as I wanted to think of him, ipinagpaliban ko muna iyon at hinayaang i-enjoy ang araw na ito.

Naisipan kong dumiretso muna sa cafe. Nakita kong sarado pa ito. Tinignan ko ang oras at nagtaka dahil nakabukas na dapat ang cafe ngayon. I grabbed the keys to the cafe and tried to open it. Isusuksok ko na sana ang susi nang biglang bumukas ang pintuan.

Nagulat ako roon. Nalimutan ba itong isara kagabi? Mabuti na lang at wala ring nagtangkang pumasok kundi ako lamang.

Pagpasok na pagpasok ko ng cafe, nagulantang ako dahil sa tunog ng paputok.

"Happy birthday, Nyla!"

I saw my friends, Sylvie, Ben, and Iza went out of the mini kitchen. Zeph holding a big round cake, Ash with his camera, and the rest holding balloons.

They were singing a happy birthday song while I'm still processing what's happening. This is the first time a friend or friends surprised me on my birthday. The first time a friend remembered my birthday.

Akala ko hindi ko na mararanasan ang mga ganitong bagay. Well, I guess everyone deserves a surprise party on their birthdays. And I guess I am lucky for having many friends who surprised and remembered my birthday.

Lumapit sa akin si Zeph kasama ang cake. I closed my eyes to make a birthday wish. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at saka hinipan na ang kandila.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon