Chapter 23

25 6 2
                                    

Chapter 23

"Laila, ikaw muna bahala sa restaurant mamaya at may pupuntahan lang ako sa gabi," sabi ko sa assistant manager kong si Laila. Pinatawag ko siya sa isa pang staff para sabihin ito dahil tambak ang mga papeles sa aking table.

"Makakaasa po kayo, Ma'am!" Laila said passionately. She's one of the people I trust in this restaurant. Sobrang hands-on niya sa mga ginagawa niya at ipapagawa pa lang.

"Also, please send me the reports and financial statements of the restaurants through email. Mamaya ko na lang din iche-check pag-uwi ko. Thank you!"

"Yes, Ma'am!"

Bahagya siyang yumuko bilang pamamaalam at iniwang kalahating bukas ang pinto. I silently focused on the papers in front of me.

Dahil sa sobrang pagka-focus ko sa trabaho, hindi ko na napansin ang pagpalit ng kulay ng langit. Kailangan ko nang tawagan si Nick para maihatid niya ako sa kanyang condo.

"Good thing you called me early or else we will be late," ani Nick. Pagkatawag na pagkatawag ko ay siya naman niyang pagdating. Ayaw niya talagang ma-late lagi.

Palihim ko siyang inirapan. Nakarating na agad kami sa building dahil sa sobrang bilis ng kanyang takbo.

Dali-dali akong pumunta sa aking kwarto upang maligo at mag-ayos. I still don't know why Engineer Escareal invited us to a formal event. Paniguradong puro mayayaman ang naroon. 

Natanong ko sa aking isipan kung nababagay na ba ako roon. This is my first time going to a formal event. I still feel that I'm the young Nyla. Ang kaibahan lamang ay nabibili ko na lahat ng gusto ko. I already achieved success but I can't say that I'm one-hundred percent happy and contented.

Siguro makakamit ko 'yon kapag fully healed na ako. Kakayanin ko ito. Besides, happiness is a journey not a destination.

Umupo ako sa vanity stool ko pagkatapos maligo. Humarap ako sa salamin at nagsimula ng mag-make-up. Light lang ang paglalagay ko. Just to highlight my chinky eyes and cheeks.

Habang nagme-make-up, I noticed the scar on my neck. It was the size of an index finger. Mula ito sa pagkakahigit ni Gabriel sa bigay niyang necklace sa akin noong birthday ko. 

I remember his eyes and his voice. Full of wrath. He was angry at me. He despised me. But this scar... I don't think it's a bad scar, I treated it as one of my beautiful scars. Down to every cut and bruises of my body.

Tinanggal ko ang nakapulupot na tuwalya sa aking buhok. I blow dried it first. And since I have a short hair, I styled it into a messy updo and put some pearl beads to create an elegant look. 

I wore the dress that I bought at a luxurious boutique in BGC. It was a burgundy spaghetti-strapped satin maxi dress with a slit and a surplice neckline. It perfectly hugged my curves. I slipped on my two-piece silver block heels. I don't usually use accessories but I'm only going to bring my small purse.

Lumabas ako ng kuwarto at napagtantong wala pa si Nick. I knocked at his door. Nakarinig ako ng yabag saka bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin si Nick na nakasuot ng formal two-piece black suit. His tie matches my dress. Pinasadahan ng kanyang kamay ang kanyang buhok at bumaling sa akin.

Tumaas ang kanyang kilay. "Wow... You look stunning."

Ngumisi ako sa kanya. "Thank you! You look stunning as well, my dear cousin."

Napangiwi siya sa sinabi ko. "Ugh... Don't call me that. It's so cringey."

I chuckled at him. Sumakay na kami sa elevator at pinindot ang button papunta sa basement ng building. Doon naka-park ang mga kotse ng mga nakatira dito. Sumunod na lamang ako kay Nick habang iginigiya niya ako papasok sa kanyang kotse.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon