Chapter 27

29 5 4
                                    

Warning: R18

***

Chapter 27

Ash:

Baccla, punta kami sa unit mo mamaya. Inom tayo. Gorabells ka ba?

I received the text while I was cooking lunch. Marahan kong ipinunas ang kamay sa aking apron.

Ako:

Okay!

"Who's that?" Nick asked while reading a newspaper. Nakita niya siguro sa peripheral vision niya na may ka-text ako.

I smiled. "Si Ash. Pupunta sila rito mamaya. Uh... Pwede ba?" 

Inangat niya ang tingin sa akin at saglit akong tinitigan. Then, I heard him sighed.

"Of course, Nyla. Hindi mo na kailangan magpaalam sa akin dahil sa iyo rin naman ito. And I was... wrong about your friends. Especially, Valdivieso. I'm sorry about that."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. 

"Pero sa oras na saktan ka niya ulit, babangasan ko ulit 'yong mukha no'n."

I laughed at that. I get it that Nick just wanted to protect me and I'm very thankful for that. Also for my friends and Gabriel who are willing to stay by my side and protect me at all costs.

Pero hindi sa lahat ng oras ay poprotektahan nila ako. Kailangan ko rin protektahan ang aking sarili ng ako lang. Hindi ko dapat iasa lagi sa kanila ang mga kaya ko rin. 

Kung kaya nila akong protektahan, mas kaya ko rin silang protektahan.

Naka-receive ulit ako ng text mula kay Ash na sinasabing nasa labas na raw sila. I told Nick that they are already here. He just nodded and proceed on buttoning his long-sleeved polo shirt. He's getting ready for work at mamaya pa siya makakauwi.

Binuksan ko ang pintuan ng unit at sumalubong sa akin ang yakap ng mga kaibigan. Napansin kong may dala-dala silang beer in cans at nachos.

"Oh my gosh! The unit is so big and pretty!" Aria exclaimed.

"Grabe, akala ko joke-joke lang ng pinsan mo 'yong pababagsakin niya mga kompanya namin. Talagang maibabagsak niya nga!" bulalas ni Eunice habang tinatanggal ang kanyang suot na sapatos.

Nauna nang dumiretso si Ash at Zeph. Nakita kong nag-man hug pa si Zeph at Nick habang si Ash naman ay nakangangang titig na titig kay Nick.

"Oh, baka mahigop mo pinsan ni Nyla, gurl," natatawang sabi ni Eunice habang isinasara ang bibig ni Ash.

Hinawi ni Ash ang kamay ng babae. "Hayaan mo ngang i-appreciate ko ang creation ni God. Panira ka naman, e!"

Sinulyapan ko si Nick at bumalik sa kanyang kwarto. Nahihiya na siguro 'yon. Napansin ko ring namumula ang kanyang tainga, e.

Inayos na namin ang mga pagkain at inumin sa table. Nakaupo ako sa sofa at nakasandal ang ulo ni Aria sa akin. Si Ash ay naka-indian seat samantalang si Zeph naman ay nakabaliktad. Si Eunice ay nasa carpet at doon nakadapa habang nanonood.

Nick already went to the hospital. Matapos ang ilang minutong pananatili sa kwarto ay lumabas na rin siya. He kissed my forehead to say goodbye and nodded at my friends.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon