Chapter 14

26 8 0
                                    

Chapter 14

Gabriel texted me that he is on his way to fetch me. Nakabihis na ako at hinihintay na lamang siyang dumating.

Napagdesisyunan ko na ngayon ko na rin sasabihin kay Nanay na may part-time job ako malapit sa aming eskuwelahan. Noong birthday ko pa sana sasabihin pero maraming nangyari no'ng araw na iyon kaya hindi natuloy.

Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag. Panay ang baling ko kay Nanay. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka magalit siya kapag nalaman niya ang pagtatrabaho ko.

"Nanay..."

Inangat ni Nanay ang kanyang titig sa akin. "Oh, ano 'yon, anak? May gusto ka pa bang kainin?"

Umiling ako. "May gusto po akong sabihin sa inyo," kinakabahan kong sabi.

"Ano iyon, Nyla?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. "A-Ano po kasi, 'Nay... Naalala niyo po ba noong nagkasakit kayo? Pagkatapos po kasi kayong ma-discharge, nagdesisyon po akong maghanap ng trabaho para po makatulong."

Hindi nagsalita si Nanay. Bahagyang nakaawang pa ang bibig nito.

"P-Pasensya na po kung ngayon ko lang nasabi, 'Nay..."

Yumuko ako para hindi makita ang ekspresyon sa mukha ni Nanay. Alam kong magagalit siya dahil ang tagal kong itinago sa kanya ito. Tatanggapin ko naman kung ano ang magiging reaksyon ni Nanay dahil sa katunayan ako naman ang may kasalanan.

Nanatili akong nakayuko hanggang sa may naramdaman akong presensya sa tabi ko. Marahan akong hinigit ni Nanay para yakapin ako. Hinagod niya ang likod ko at hinaplos ang buhok na para bang nagpapahiwatig na kalmado siya sa lahat ng sinabi ko.

"Ang anak ko... Napakaswerte ko at ibinigay ka ng Diyos para sa akin," bahagya siyang bumitaw sa aming yakapan at hinawakan ang pareho kong pisngi.

"Naiintindihan kita, anak. Gusto mong tumulong at nagpapasalamat ako roon. Ang sa akin lamang ay mag-iingat ka lagi at huwag mong papabayaan ang sarili mo habang ikaw ay nagtatrabaho..." ngiting sabi ni Nanay. Kahit na matanda na ay kita pa rin ang kanyang angking kagandahan.

"Opo, Nanay," sinalubong ko ulit siya ng yakap.

Pagkatapos ng aming maayos na usapan ay siya namang pagdating ni Gabriel. Humalik ako sa pisngi ni Nanay at si Gabriel naman ay pinagpaalam kaming dalawa. Gabriel opened the door of his car for me at saka ako umupo sa front seat.

"How's your sleep?" he asked.

"Hmm, okay naman. Nasabi ko na rin kay Nanay 'yung tungkol sa trabaho ko," masaya kong sabi.

He smiled. "That's great! How did it go?"

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. He listened attentively. I really liked that part of him. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin na parang gusto niya nang iparada ang kanyang kotse sa gilid at makinig na lang sa mga kuwento ko.

"Puwede mo akong puntahan doon habang nagtatrabaho ako. Sasabihin ko na lang din kay Sylvie na pupunta ka."

"Really?" Tumango ako. "Okay. I'll send to you my schedule so you can be updated on what's going on with my life. Is... that okay with you?"

I nodded. "Ikaw ba? Okay lang ba 'yon sa 'yo?"

"Of course, baby! Besides, the only update that I hate is the update on my laptop. Fuck, that thing takes hours on updating!" he whined.

Nagkatinginan kaming dalawa saka bumunghalit ng tawa.

***

Inihatid ako ni Gabriel papunta sa aming room. Habang naglalakad kami ay rinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon