Chapter 6

33 9 1
                                    

Chapter 6

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Gabriel. Mine? Anong mine? Hindi naman ako mukhang item para i-mine?!

Nakaalis na ang lalaki at nagsorry pagkatapos sabihin 'yon ni Gabriel. Umamba pang lalapitan ito ni Gabriel nang pinigilan ko siya.

"Gabriel, pabayaan mo na," nakita kong bumagsak ang kanyang balikat, senyales na kumalma na siya.

Bigla akong kinalabit ni Aria. "Uhm, I'll go first, BFF. I'll tell our friends that you're here pa. Labyu," tinanguan ko si Aria 'tsaka siya umalis. Hinarap naman ako ni Gabriel.

"A-Are you okay? Are you hurt?" hinawakan niya ang magkabila kong balikat. I can't help but to look at him. He looks so handsome in his blue and white jersey. Worry was evident on his blue- green eyes.

"Okay lang ako. Nagkabungguan lang kami nung lalaki kaya tinulungan niya ako," paliwanag ko. Napabuntong hininga siya at niyuko ang ulo. Nanatiling nakahawak pa rin sa mga balikat ko. Tumango naman siya sa sinabi ko.

"You should call me next time. Para masundo ko kayong dalawa ng kaibigan mo," nag-angat na siya ng tingin sa 'kin.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Wala naman akong number mo sa phone ko."

Tumuwid na siya nang tayo 'tsaka nilahad ang kamay sa akin. Alam ko na ang pinapahiwatig niya. Kinuha ko sa bag ang phone ko 'tsaka binigay sa kanya.

"I'll text you after the game. Just... keep on cheering for me, okay?" he handed my phone after typing his number. Tumango ako sa kanyang sinabi. He gently pinched my cheeks and then jogged towards his teammates.

Dumiretso na ako kung saan nakaupo sila Aria. Malalawak ang ngiti nila habang nakatingin sa akin.

"Lumelevel-up ah?" mapang-asar ang tono ni Eunice. Sinusundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.

"Baka 'di na makapuntos ang kabilang team. Ganadong-ganado ba naman ang Captain ng SVU!" sabi naman ni Ash sabay high-five kay Aria.

Natatawa akong umiling sa kanila. I looked up to where Gabriel was. He was surrounded by his teammates and beside them was their coach. Namataan ko rin sina Zeph, Kai, Blaise, at 'yong lalaking kausap nila Gabriel kahapon.

Tumunog na ang buzzer hudyat na mag-uumpisa na ang laro. Kasama sa first five sina Kai, Gabriel, at Zeph na unang maglalaro. They started first by fist bumping the rival team 'tsaka pumuwesto na sa court. They started the game with a jumpball. Si Kai at isang lalaki mula sa kabilang team ang gagawa nito. Pumito na ang referee saka inihagis ang bola paitaas. Madaling nahawakan ito ni Kai kaya sa kanila ang bola.

Nakuha agad ito ni Gabriel. Nakakabinging hiyawan ng mga estudyante ang umalingawngaw sa buong covered court. Hindi naman mapagkakaila na lahat ng manlalaro ay magagaling at ang gagwapo.

Pero iba pagdating kay Gabriel. He got all the charms and the skills that make girls fall head over heels for him.

Mabilis na ipinasa ni Gabriel kay Zeph ang bola. Pinatalbog ito ni Zeph at nalagpasan ang isa nilang kalaban. Pumuwesto naman siya sa three-point line saka shinoot ang bola. Pumasok naman ito at nakatanggap ng malakas na hiwayan mula sa mga nanonood.

"Woooo! Go Zeph!" sigaw ni Aria. Iwinagayway niya ang bandanang hawak niya na hindi ko alam kung sa'n niya nakuha.

"Ilibre mo kami 'pag nanalo kayo!" ani Eunice. Napatingin tuloy si Zeph sa banda namin at bahagyang natawa.

"Go, Go, Go Kidnappers!" sigaw naman ni Ash. Napakunot naman ako sa kanyang isinigaw. "Bakit naman kidnappers?" natatawa kong tanong.

"Kasi 'yong acronym ng school natin, malapit nang maging SUV, kaya ayon, pauso lang naming mga bakla! 'Tsaka willing naman kaming magpakidnap kung ganyang kagwapo ang mangingidnap sa 'min!" sabay kaming humalakhak sa kanyang sinabi saka niya inangkla ang kanyang kamay sa aking braso.

Shroud of Misery (Amour Series #1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon