Kabanata 1

122K 5.8K 7.7K
                                    

TW: Child abuse

Kabanata 1

Sariwa pa sa aking isip kung saan ko nakita ang mga ganitong klaseng bahay. Sa taas at sa lawak nito, hindi ako maaaring magkamali na isa itong palasyo. Ang mga sulok ng kanilang palasyo ay may marangyang disenyo na tila ba mga bulaklak na paikot-ikot. Hindi ito nakikita kadalasan sa mga bahay na pinupuntahan ko dahil maliliit lamang 'yon.

"Solstice," ani Mama habang pinapanood ako magpalit ng damit. Mas makapal ang tela nito sa mga tipikal kong daster. Naninibago rin ako sa suot kong ribbon sa ulo. Naliligo ako ngayon sa kulay rosas.

"Lavender po," giit ko. Bumuntonghininga naman si Mama.

"Solstice ang pangalan mo," ulit n'ya sa akin. "Your name is Solstice. No one calls you in your second name."

"Hindi naman po ako si Solstice, Mama."

Napasapo sa sintido si Mama habang nakapikit. Mukhang naiinis na siya sa akin. Pero hindi naman ganito si Mama. Hindi naiinis sa akin si Mama maliban na lang no'ng araw na iniwan n'ya ako sa ampunan. Hindi kailan man nainis sa akin si Mama.

Nagbago ba siya no'ng nawalay kami sa isa't isa?

"Si Papa po?"

"Your daddy is in our dinner table, Solstice. Dalian mo na dahil hinihintay ka na nila roon."

Minadali ko naman ang paga-ayos dahil may mga tumutulong din sa akin. Malawak na ang kabinet ko ngayon at mahigit pa sa benteng pares ng damit ang nakapaligid sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Ano ba ang ginawa ni Mama at bakit parang nananaginip ako na isa akong prinsesa?

Mahaba ang hagdanan nila at paikot ito. Ginto ang hawakan at maraming mga babasaging plorera sa paligid nang ako ay makababa na. Namilog ang aking bibig sa pagkamangha. Inalalayan ako ni Mama papunta sa isang mahabang lamesa na may mga katiwala sa gilid nito.

"Solstice," isang matangkad na lalaki ang lumapit sa akin. Mas gwapo siya kay Ernesto. Mas lamang siya ng isang daang ligo. Matino at gwapo ang isang ito, ngunit masungit ang kurba ng mga mata. Mukhang hindi marunong ngumiti.

Umupo na ako at sinabayan sila sa pagkain. Walang nagsasalita at hindi man lang sila nagpapakita ng galak na maraming pagkain sa hapagkainan. Kahit si Mama ay taimtim na kumakain katabi ko.

May namataan din ako'ng isang lalaki na mas maliit sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Subalit mukha rin siyang anghel dahil sa kan'yang kutis. Sobrang puti n'ya, mas maputi pa 'yata siya sa akin.

"Who is this?" dinuro ako no'ng gwapong bata. Nangangatal siya sa kan'yang kinatatayuan.

"Your sister, of course."

"My sister is alread dead." giit no'ng batang lalaki.

Ekseheradang Bumuntonghininga 'yong isang babae na nasa hapagkainan din. "Ayaw mo 'yon? You have a new sister with the same face, Adonis."

"Shut up, Anais!" angil no'ng lalaki.

"What?Did I say anything wrong, my dear?"

Dumapo ang tingin no'ng bata sa aming dalawa ni Mama. Hindi siya pinapansin ni Mama at patuloy lang n'ya akong pinagmamasdan. Ako naman ay walang ginawa kundi ngumuya ng pagkain at kabahan dahil sa tensyon sa harap ng pagkain.

"You are all killers then! Isusumbong ko kayo sa pulis! How dare you kill my sister!" sigaw no'ng bata.

Tumayo 'yong lalaki upang sampalin nang marahas 'yong bata. Napatili ako dahil harap-harapan n'ya 'yon ginawa. Bigla akong nanginig at naalala si Mama. Kumapit ako kay Mama at tinago ang mukha ko. Gusto kong tumakbo. Gusto kong magtago. Baka makita ako ni Papa. Baka makita kami ni Papa. Sasaktan n'ya kami kapag nagkataon!

Bits of Chemistry | ✓Where stories live. Discover now