Chapter 6: The Arcane Tower

221 21 2
                                    

TAHIMIK kong tinahak ang daan palabas ng dormitory building at hindi pinansin ang maiingay na nag-aaway sa likuran ko.

"I am Ara's friend! Ako na niyan!"

"Get your nose away, Shaye. Ako ang kasama ni Ara nang dumating siya dito."

"Pero ako ang room mate niya!"

Napapikit ako at napabuntong hininga bago huminto at nilingon sila.

"Can you two shut up?" asik ko na halos magkasalubong na ang kilay sa inis.

For hell's sake, they have been arguing for almost a decade! Nag-aaway para sa walang katuturang bagay. Tinaasan ko ng kilay ang dalawang maingay.

"Ako naman kasi dapat ang maghahatid sa'yo, 'diba? Room mate tayo," ani Shaye at pasimpleng inirapan ang katabi niya.

"But I was the one who brought Ara here. Therefore, she's my responsibility."

"I'm no one's responsibility, Genesis." Matalim ko siyang tinitigan bago nagpatuloy. "At pwede ba? Tumahimik kayo bago ko pa tuluyang putulin 'yang dila niyo."

Wala sa oras na napaayos ng tayo si Shaye at napatakip sa bibig, at tanging ngisi lamang ang isinukli ni Genesis sa sinabi ko. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. May mga bagay siyang nalalaman tungkol sa akin at hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa. There must be something he knew about me, at iyon ang kailangan kong alamin.

"Come on, Ara," pabulog na sambit ni Genesis at umismid nang makitang inirapan siya ni Shaye. Mga isip bata.

I did not bother to respond. Hinayaan ko na lamang na dalhin ni Genesis ang maliit na bag ko na naglalaman ng kaunti kong gamit. We're heading to the Arcane tower, the dormitory building for what they call 'Arcanes'. From the name of the tower itself, paniguradong sa Arcane talaga.

Iniyuko ko ang ulo at dumako ang paningin sa maliit na hugis pananggalang na nasa kaliwang bahagi ng dibdib ko. It's a silver badge engraved with letter F, just like Genesis' and Caelum's, only that mine is silver and theirs are violet. Ang badge na ito raw ang basehan na dumaan ako sa tamang proseso ng pagiging mage. According to Shaye, every mage should enroll to school, no matter what kind of family you're from. It's core purpose is to train mages and at the same time, prepare them for adulthood.

Psh. Adulthood, my ass.

Nilibot ko ang paningin sa mga nadadaanan naming mga nagsisilakihang portraits. Mga mukha ng mga kaedad ko lamang. Looks like they are the previous Arcane members.

The dormitory is a cylindrical tower made of bricks and marbles. Pa-ikot ang interior staircases nito na kumikintab sa sinag ng araw ang hawakan. It's very lavish. Walang-wala ang normal na dormitories ng ibang ranks. What do you expect? Special treatments are the perks of being a top student.

Ilang minuto lang ay nasa pinakamataas na palapag na kami.

"We're here, finally!" said Genesis and knocked on the door four times.

Pasipol-sipol lamang ito habang si Shaye ay nakakapit sa laylayan ng damit ko. Ano na naman bang trip ng babaeng 'to?

"Ara, I think I should go now," I heard her whisper, sounding anxious.

Bakit pa ba siya sumama dito kung aalis din naman siya kaagad? People are really stupid. Tatalikod na sana siya nang mahigpit kong hinawakan ang kanyang palapulsuhan.

"You're not going anywhere."

"P-pero, Ara..."

"No buts, Shaye." Aalma pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan. Tumambad sa amin ang isang babaeng nakataas ang kilay. Kasing tangkad ko lamang ito at abot hanggang beywang ang platinum blonde niyang buhok. Sa kaliwang dibdib niya naman ay isang violet na badge. Her eyes are in a shade of blue, baby blue. Maumbok rin ang cheek bone niyang namumula pa.

Curse of the Fallen Deity (Zarsothian Tales #1 | Volume 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon