Chapter 48: Reunited

60 3 0
                                    

Nine days.

Iyon na lang ang natitirang araw bago ang pagtatagpo ng dalawang buwan. Everyday feels like a tick of a time bomb, like the uncomfortable calm right before the storm. Wala naman nang nangyayaring kakaiba sa akademya pero pabigat nang pabigat ang bawat araw. O baka ako lang?

As usual, nasa Prime Gardens na naman ako ngayon. Everyone's here except for Milka, Shaye and Rhysan. They were given a week break from training to prepare for the upcoming ball two weeks from now. Pero si Rhysan, abala pa rin sa pag-iimbestiga.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa damuhan at lumipat sa ilalim ng puno. I sat on its root at pinagmasdan ang paligid. Lahat sila ay may kani-kaniyang ginagawa. Si Estelle at Third ay nagkukulitan sa gilid. Seryoso namang nag-uusap sina Snow at Jiro na himala ay kasama namin ngayon. Tulala lang din si Zale sa gilid, katabi ni Carwell.

Dumako ang tingin ko sa lalaking medyo malayo sa amin. Ang laki na ng eyebags niya. After our conversation, hindi ko na alam kung dapat ba akong matuwa na sumasama na ulit siya sa amin o mailang.

Sinandal ko na lang sa kahoy ang ulo ko at pumikit. Nanatili ako sa gano'ng posisyon hanggang sa tumunog ang speaker ng akademya.

"Good day, everyone. This is Ms. Elleri. Please proceed to your respective dormitories right now. This is an urgent announcement from Headmaster Boris."

Napamulat ako. Nagkatinginan kaming lahat.

Muling tumunog ang speaker. This time, mas malakas na.

"I repeat. Please proceed to your respective dormitories right now. This is an urgent announcement from Headmaster Boris."

Mahihimigan ang kaba sa boses niya kaya'y hindi ko mapigilang mapakunot ng noo. Gano'n din ang mga kasama ko.

Isa-isa na kaming lumabas ng garden at nagtungo sa dormitoryo. May mga estudyanteng nagmamadaling lumabas ng main building. Ang iba ay nagtutulakan pa. Ano ba'ng nangyayari?

"What's happening?"

Sumabay sa akin si Carwell sa paglalakad.

"Pareho tayong nasa garden kanina. How would I know?"

"You don't have to be rude."

Umirap lang ako. Mukhang kinalimutan niya na ang nasabi ko kahapon. Buti naman.

We all gathered in the living room as soon as we entered the dormitory. Hindi nagtagal at dumating na sina Sin at Milka kasama si Shaye. I glared at Sin when his eyes went on me. Kaagad siyang umiwas.

Cheater.

"Where's Rhysan?" tanong ni Estelle kay Shaye na kakaupo lang sa tabi namin.

"She's not here? Hindi ko siya nakita sa labas."

"Guys!"

Sabay kaming napalingon sa babaeng kararating lang. Puno ng pangamba at pagkataranta ang mukha nito. Hinihingal siyang humarap sa amin.

"Another Jewel was killed."

Napatayo ako. I could hear everyone's heavy breathing beside me. Lalong lalo na si Milka.

"A guy named Marlo was found dead in the girl's lavatory earlier this morning. We don't have any lead other than it's the same suspect as Keith's case. Iyon ang sigurado kami," Rhysan explained na ikinatahimik namin.

"That means my sister is innocent." We all rounded on Milka. Naluluha siyang nakatingin kay Rhysan. "My sister is innocent."

She slumped back on the couch covering her mouth.

"Ano'ng dahilan ng pagkamatay? May nakita ba kayo sa katawan ng biktima?" I asked.

"There were no injuries. Mukhang hindi siya hinawakan ng killer. Pwedeng gumamit ito ng kapangyarihan dahil wala ring indikasyon ng lason." Napahilot siya sa sintindo. "This is so stressful."

Curse of the Fallen Deity (Zarsothian Tales #1 | Volume 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon