Chapter 25: The Deal

158 5 1
                                    

"WHAT the fuck?" gulat kong bulalas.

Tumawa lamang ang hari sa reaksyon ko. Naglakad siya at nilampasan ako saka lumabas na sa silid pero bago iyon ay may pahabol pa siya, "Think about it, my lady. Go back with nothing but disappointment or be my queen and save what needs to be saved." 'Tsaka siya kumindat at tuluyan na akong iniwan. 

Wala sa isip akong naglakad palabas at hinanap ang anino ni Carwell. Gaya noong iniwan ko siya, ganoon pa rin ang posisyon niya. Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil bigla siyang lumingon. 

"Failed, yes?"

Mukhang inaasahan niya na talaga ang magiging sagot ng hari sa hiling namin. Sobrang misteryoso talaga ng lalaking ito. Wala silang pinagkaiba ni Genesis.

"It depends on my response," sagot ko. 

It seemed like he did not expect my answer. Masyado ba siyang kumbinsido na tatanggihan talaga ako ng tuluyan ng hari?

"That's new," usal niya. Tumayo siya at kunot-noong tumingin sa 'kin. "What was the deal? Kung hindi ka niya tinanggihan, siguradong may hinihingi siyang kapalit."

Tumalikod ako at sumakay sa karwaheng nakaabang lamang sa gilid. Umupo ako at tumingala. 

"Well?" muling tanong ni Carwell saka bahagyang umuga ang karwahe, senyales na tumabi siya sa 'kin. 

"Marriage," sambit ko. "I can have the amulet if I promise to marry him."

Kung iisipin ko pa nga lang na magpapakasal ako sa isang matandang hari at hindi ko pa kilala, nasusuka na ako. For hell's sake, he's probably thirty years older than me. At mas lalong ayaw kong matali sa matandang iyon.

Nilingon ko si Carwell nang hindi siya makasagot. Saglit siyang natulala sa sinabi ko bago ako walang emosyon na hinarap. 

"Anong pasya mo?" aniya.

Ano nga ba?

My freedom over other people? Or the other way around? 

"Do I have other choice?" tanong ko habang nakabagsak ang balikat. 

He gave me an unexplainable stare. Para bang ang lalim ng iniisip niya habang nakatitig sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. He shrugged and broke the eye contact. 

"No. King Rafael will always get what he wants. Kilala siya bilang matapang at walang inuurungan. Kahit kailan ay hindi niya babawiin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya," Carwell paused. Nahagip ng mata ko ang pag-angat at baba ng adam's apple niya na para bang pinipigilan niyang magpakita ng emosyon. 

"Are you alright?" 

Hindi ko alam kung anong pumasok sa magaling kong utak at lumabas iyon sa aking bibig.

He nodded. "May naalala lang ako," he said and faced me again. "Weigh your choices wisely, Belacour. Laging paninindigan ng hari ang mga salita niya kahit makasira pa ito ng buhay ng iba."

His cold hand tapped my shoulder before he rested his head on the other side of the chariot. I was left in confusion. Hindi ko na alam kung may ikukunot pa ba ang noo ko o mukha pa ba akong tao.

It felt so weird to talk with Carwell without him being arrogant. Ngayon ko lamang siya nakausap ng masinsinan, and if I wasn't hallucinating, I could honestly see a bit of concern in his eyes even if his voice was as cold as this place.

Tumayo ako at bumaba ng karwahe pero bago iyon ay muli akong napalingon sa kaniya na ngayon ay nakapikit na. Mabigat ang paghinga niya kaya sigurado ako na nakatulog na siya. 

Curse of the Fallen Deity (Zarsothian Tales #1 | Volume 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon