Chapter 28: Fire and Water

114 6 0
                                    

IT'S absurd to think that Genesis could be Paris. I know it is beyond impossible. After all, he's a Mortis and looks like a male version of me, while Genesis is the headmaster's nephew.

Have you gone mad, Ara?

Genesis is Genesis. And Paris is Paris, the ruthless and selfish twin brother I never asked for. Magkaiba sila kaya gumising ka, Ara.

Besides, what happens if my hunch is right? It still doesn't matter.

"Ang babaeng malalim ang iniisip, in love 'yan," rinig kong panunukso ni Estelle sa tabi ko habang bini-braid niya ang buhok ni Rhysan.

Nakasalampak kaming lahat sa sahig habang nanonood ng palabas. Hindi ko nga alam kung paano nila ako napapayag na lumabas sa kwarto ko, pero pinagbigyan ko na lang since balik sa training na kami bukas. As usual.

"Puyat kamo," singit naman ni Shaye. "Mukha ka ng panda, Ara." At sabay silang humalakhak. 

Sinamaan ko sila ng tingin isa-isa. "Baka gusto mo rin na gawin kitang panda, hmm?"

Mas lalong natawa ang tatlo, nangunguna na roon si Estelle. "As if naman kaya mo. Love love mo kaya kami." Then she confidently stuck her tongue out.

Putulin ko 'yan e.

Kung dati ay 'di niya ako iniimik, ngayon siya pa ang nangunguna.

"Ewan ko sa inyo." I rolled my eyes before leaning back against the huge pillow behind me.

They continued talking about random stuff until Rhysan blurted something I was not expecting. "What's the plan for your wedding, Ara? When is it?"

Napalingon ako. Pero agad ko ring iniwas ang tingin at kunwaring may hinahanap. I'm sure Rhysan is smart enough to know that I don't want to talk about it. Nakakasira ng araw. Saka ko na iisipin 'yan kapag ilang linggo na lang.

Ilang segundo rin nilang hinintay na magsalita ako pero 'di talaga ako umimik.

"Anyway, training na naman ulit bukas. Parang hindi pa nga ako nakapagpahinga mula no'ng nalason tayo," sambit ni Rhysan. She smiled at me as if telling me na naiintindihan niya na ayaw kong pag-usapan ang kasal.

"Same," sambit naman ni Estelle. "Parang deserve ko ng 1 year break."

Sabay na natawa sina Shaye at Rhysan sa sinabi ni Estelle. Kahit ako, 'di ko mapigilang mapangiti.

Tulog na tulog nga sila no'n tapos isang taon na break time pa gusto niya.

"Gaga ka. Kung gusto mong mag-stay didto ng another one year, bahala ka," ani Rhysan. "Basta ako, kapag naka-graduate na ako dito, maging Supreme man ako o hindi, lilipat na ako ng Lakewell ta's magtatayo ako ng sarili kong school."

"Yiee," tukso ni Estelle sabay sundot sa tagiliran ni Rhysan. "Ako, okay lang kahit hanggang Ace lang ang level ko, basta makahanap lang ako ng jowa."

At sabay silang humalakhak.

Nilingon ko si Shaye. She smiled before speaking. "Ako siguro kapag naging Ace na ako, babalik ako ng Haudesteer. Aalagaan ko 'yung bahay na iniwan ni mama."

Mas lalong kumurba ang labi ko.

Hindi ko alam pero parang hinaplos 'yung puso ko. Nakakatuwa lang na punong puno sila ng pangarap.

"Ikaw, Ara? What's your plan after school?" Rhysan asked. "Kahit nga 'di mo na tapusin ang school year kasi Supreme ka na naman na."

"I don't know. I don't have plans yet." I shrugged. "My focus right now is your training para may ambag naman ako sa pangarap niyo."

Curse of the Fallen Deity (Zarsothian Tales #1 | Volume 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon