Chapter 58: The Execution

45 3 0
                                    

THE salty breeze of air penetrated my nostrils when I finally got out of the tower. Saka ko lang napansin kung gaano katayog ang palapag na ini-stayhan ko, maging kung gaano karami ang mga toreng nandito sa islang 'to. They really took time to build these towers for criminals.

"Hindi mag-aadjust para sa 'yo ang bangka, prinsesa."

Walang emosyon kong tinignan ang lalaking nasa tabi ko. He's a new guard. I haven't seen my old guard ever since they gave me food. Hindi ako nakatulog hanggang madaling araw kung kailan binulabog nila ang selda ko. I didn't even touch the food, which was a mistake dahil mas lalo akong nanghina.

Nang mapansin niyang hindi ako makagalaw, malakas niyang sinipa ang likod ko. Nasubsob ako sa bangka at tumama ang mukha ko sa sagwan.

I flinched and glared at him. Pinanlisikan ako nito ng mata at muling tinulak.

"Magdasal ka na sa diyos mo, babae," he said before rowing the boat.

Umandar na kami. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Walang katapusang karagatan ang nakita ko. Although I can see the city lights ahead of us. Mistula iyong mga bituin na nasa lupa.

Tahimik ang buong byahe. It took us about two hours before reaching the shore at saktong pagbaba namin ay ang pagsilay ng araw.

Hindi na ako nabigla nang kinaladkad na naman ako ng lalaki. Wala nang sapin ang paa ko, but good thing they didn't touch my clothes, nasa akin pa rin ang sling bag sa likod.

Dinala niya ako sa malaking karwahe. Four men were already there. Tila robot itong nakatingin sa akin. I was taken aback when someone covered my face with a white sack again. But unlike the previous one, it's unusually clean. There's a purple mist inside na pilit sumisiksik sa ilong ko.

I held my breath for hell knows how long. Unti-unti na akong nahihilo. The purple mist is a fucking poisonous fume they used to knock me down. Nang mapansin kong unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko, palihim kong ginamit ang sarili kong anino para pigilan ang pagpasok ng usok sa ilong ko.

Saglit akong napangiti. It worked. But despite that, I still need to act weak. Hindi nila pwedeng maramdaman ang kapangyarihan ko lalo na't hindi ko alam ang mga kapangyarihan nila.

A lough neigh of the horses cued the chariot's departure. I have no heck of an idea where they're taking me.

After almost an hour, several voices started emerging. Parang mga bubuyog sa paligid. I know this. This familiar sound and atmosphere.

"We're here. Forthmore Central!" the guy beside me exclaimed. Excitement filled his voice.

"Have you recited your last words?" bulong ng isa pang katabi ko.

I remained silent.

Binaba nila ako sa karwahe nang hindi tinatanggal ang sako sa ulo ko. Screams and curses suddenly filled my ears as soon as I stepped on the ground. Pinilit kong huwag itong pansinin, maging ang pambabato nila sa akin ng kung anu-ano.

"Murderer!"

"Nararapat lang sa 'yo ang mamatay!"

"Hindi ka na dapat pinanganak! Anak ka ng demonyo!"

If I can only shut down all my senses, ginawa ko na. Those words reminds me of the last words I heard before I died a decade ago. Hanggang ngayon ba naman, ganito pa rin.

Paulit-ulit akong lumunok upang pigilan ang pangingilid ng luha ko.

Mahina at bobo ka pa rin, Ara. Hindi ka na dapat umiiyak!

The guards led me to an elevated platform. May kung ano silang ginawa sa kamay at paa ko. They made me step on something and tied a rope around my neck before finally taking the sack off my head.

Curse of the Fallen Deity (Zarsothian Tales #1 | Volume 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon