Chapter 55: The Ball

27 3 2
                                    

Third Person's Point of View

"GENESIS? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Milka at kinatok ang silid ni Ara.

Walang sumagot mula sa loob kaya binuksan niya ang pinto. Tumambad sa kaniya ang natutulog na binata. She woke him up.

"Kakain na raw," Milka said.

Walang buhay na tumango si Genesis bago tumayo at nagtungo sa cabinet para isara ito.

Milka attempted to talk but her mouth failed her. She took a couple of seconds weighing it out until she finally found the courage to utter a word.

"I miss her too, you know."

Dahil dito ay natigilan si Genesis.

"I don't miss her," wika nito kahit alam niya sa sarili na wala itong katotohanan.

"I think it's funny." Milka faked a smile. Umupo siya sa gilid ng higaan. "She saved me when I needed her but I couldn't even stand up for her that night."

Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata ni Milka. Gustong gusto niyang bisitahin ang kaibigan pero pinagbawal ito sa kaharian niya. Utos mismo galing sa kanilang hari.

She can feel her power getting weaker each day, na siyang nakakonekta sa buhay ni Ara. Ibig sabihin, unti-unti ring nanghihina si Ara. The thought of it broke her heart.

Lumapit si Genesis sa kaniya at mahinang tinapik ang kaniyang balikat. "She will be okay. We know her. Hindi niya hahayaang saktan siya ng mga nagbabantay roon."

But his attempt to console her didn't change a thing. Gusto niyang sabihin ang totoo. Gusto niyang sabihin na alam niyang nanghihina na si Ara, pero hindi maaari. She can't disclose what Ara did to her.

Ngumiti na lang din siya bago nila tuluyang nilisan ang silid ng kaibigan.

Sumalubong sa kanila ang nakakabinging katahimikan sa hapag kainan. Nauna nang kumain ang iba maliban sa bakanteng upuan nina Caelum, Shaye, Rhysan at Sin.

Ilang araw na ang lumipas at nasanay na siya sa ganitong set up. Palaging wala si Caelum samantalang si Rhysan ay nasubsob na sa mga gawaing inatas sa kaniya ng kanilang headmaster. Ilang araw na ring hindi makausap ng maayos si Genesis at laging nagkukulong sa kwarto ni Ara. Ngunit hindi niya masisisi ang binata dahil maging siya ay pinanghihinaan na rin ng loob. Kung wala lang ang nobyo niya, siguradong wala na rin siya sa tamang pag-iisip ngayon.

"Y'all ready for tomorrow?" excited na tanong ng kasamahan nilang si Snow na himalang sumabay sa kanila sa pagkain. "Mamaya nila ihahatid ang gown."

Milka almost forgot about the upcoming ball tomorrow. Sa makalawa na ang araw na magtatagpo ang dalawang buwan at ang araw na dapat ikakasal si Ara sa hari ng Ambergail.

Funny. Who would've thought things would take a 360 degrees turn? Parang kahapon lang na nag-aalala silang takasan ni Ara ang hari sa araw ng kasal. Hindi naman pala talaga siya makakapunta.

"Uhm, I think I wanna stay here," wika ni Milka.

Nagtatanong na nilingon siya ng kaniyang nobyong si Zale. "Who would be my date, then?"

"I mean, I think hindi ko rin naman ma-eenjoy bukas. Magpapahinga na lang ako."

Bumagsak ang balikat ni Zale. Umangat naman ang kilay ni Estelle.

"Is this about her again? We already talked about this, Milka. She's a traitor. Hindi siya nararapat dito."

"No, you don't know that," salungat ni Milka. "Ara must have her reasons. Hindi niyo nga siya pinakinggan noon. I thought you are her friends."

Curse of the Fallen Deity (Zarsothian Tales #1 | Volume 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon