Chapter One

201K 6.1K 8.1K
                                    

Nathalie Mariano

“Tanginang buhok 'yan, Naths!”

Napairap na lang ako nang marinig ang malutong na mura ni Kenan Toth, Ken for short.

“Tangina mo rin, Kenan Toth! Ano na naman bang problema mo sa buhok ko?” nakapamaywang na tanong ko saka pinakyuhan siya.

“Nakakairita 'yang buhok mo! Ginawa mo ng coloring book!” reklamo ni Ken. Napaismid na lang ako.

“Nakakairita rin naman 'yang mukha mo, e. Nagreklamo ba ako?!” asik ko at inambahan siya ng suntok.

Pinakulayan ko kasi ng rainbow 'tong buhok ko kasi trip ko lang.

“Saka hindi pa ba kayo sanay sa 'kin? Laging may kulay ang buhok ko. Kulang na nga lang pati public hair ko pakulayan ko rin, e,” sabi ko saka hinawi ang color pool hair ko.

“Pubic hair 'yon, Naths. Hindi public hair,” pagtatama ni Chinu Fah sa sinabi ko saka inayos ang salamin n'ya sa mata.

“Tangina, basta parehas lang 'yon,” sabi ko na lang saka kinuha ang iniinom na soft drinks ni Ken saka ininom 'yon.

“Bobo ka talaga, Nathalie. Masyadong agaw atensyon 'yang buhok mo. Paano kapag hinahabol tayo ng mga pulis, edi kita agad 'yang buhok mo,” panenermon ni Kuyu Coat.

Wala talagang apelyido si Kuyu Coat. Dinagdagan lang namin ng Coat 'yung pangalan n'ya kasi lagi siyang naka-coat. Kahit tirik na tirik 'yung araw naka-coat pa rin siya. Siraulong Kuyu Coat.

“Tanga, ako ang pinakamagaling magnakaw sa 'tin. Lahat nga kayo muntik na mahuli maliban sa 'kin. Saka uso 'yung sumbrero, 'no," sabi ko na lang saka itinapat sa 'kin ang electric fan.

Putang kainit talaga rito. Magnakaw kaya ako ng aircon sa mall mamaya?

“Nga pala, nasaan si Gina?” tanong ko nang mapansing wala si Gina Cool.

“Nandoon pa sa hotel diyan sa malapit, may inuuto siyang mayamang lalaki ngayon,” sabi ni Kuyu saka inagaw ang electric fan sa akin.

“Iba talaga ang alindog ni Gina. Mang-akit na lang din kaya ako ng mayayaman,” nakangising sabi ko saka pinaikot ang makulay kong buhok sa daliri ko.

“Walang tangang maaakit sa 'yo. Tingnan mo naman ang hitsura mo, mukha ka pang lakaki kaysa sa 'min, e.” pambabara sa 'kin ni Chinu.

Napatingin ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng baggy pants at malaking t-shirt. Ano namang masama sa suot ko? Tangina talaga ng mga 'to, ang sasama ng ugali.

“Ewan ko sa inyo, ang papanget n'yo. Labas muna 'ko para magpahangin. Ife-flex ko na rin 'tong buhok ko sa mga kapit-bahay,” nakangising sabi ko saka lumabas ng headquarters kuno naming mga magnanakaw rito sa looban.

Shit, headquarters daw... Gumagaling na talaga ako sa english. It's me na talaga.

Agad na bumungad sa 'kin ang maiingay na tao paglabas ko. Iba't ibang klase ang mga tao rito sa looban namin. Ang tawag ng iba rito sa lugar, tirahan ng mga napariwara sa buhay. Wala ngang nagtatangka pumunta rito maliban sa amin na dito na halos lumaki. Ang tingin ng iba sa lugar namin, tambayan ng mga adik at kriminal... pero hindi naman lahat.

Kami lang ng mga kasamahan kong magnanakaw ang kriminal dito. 'Yung mga kapit-bahay nadadamay lang sa dumi ng pangalan namin. Tambayan ang lugar na 'to ng mga inabandona, iniwan ng pamilya, pinabayaan, may mga sakit, lasenggo, may problema sa pag-iisip at kung ano-ano pa.

Para sa 'kin, pamilya ko na ang mga tao rito. Nagnanakaw ako hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga tao rito. Alam kong alam nilang magnanakaw kami ng mga kasamahan ko. Hindi sila tanga at alam nilang hindi naman kami mayayaman para magkaroon ng maraming pera at kung ano-ano. Alam nila na sa marumi galing ang itinutulong namin sa kanila pero hindi na nila pinapansin 'yon.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon