Chapter Nine

111K 6.1K 4.9K
                                    

“Ahh! Fake news lang pala! Tangina!”

Naiinis na napapadyak ako sa sahig nang makita ko ang kinalabasan ng buhok ko kinabukasan. Simpleng pink ang nangyaring kulay ng buhok ko at hindi neon pink. Okay lang naman dahil bagay pa rin naman sa 'kin pero kainis pa rin. Naikulay ko na ang ganito dati, e. Gusto ko bago!

Agad akong sumugod sa kwarto ni Boss Ashteroh pero wala siya ro'n. Agad ko namang pinuntahan sina Andeng sa sala. Naabutan ko silang naglilinis.

“Friends, nasaan si boss?” tanong ko.

“Wow! Ang ganda ng new hair color mo, Naths!” sabi ni Cam at humawak pa sa buhok ko.

Napangiti naman ako at inikot-ikot ang buhok ko sa daliri ko. Siyempre naman, mga friends. Kahit palpak ang kulay, maganda pa rin ang kinalabasan sa hair ko. Ako na talaga!

“Hehe, thank you next, bitch... Pero nasaan si boss? Nasa trabaho na ba siya agad?” tanong ko ulit.

“Ahh, si Sir ba? Nandoon sa gym. Nag-e-exercise siya. Mukhang hindi yata siya papasok sa trabaho ngayon,” sabi ni Inday.

“Gano'n ba? Sige, thank you, friends!” sabi ko na lang saka agad na nagtungo sa gym.

Naabutan ko si boss na natakbo sa machine ginagawang takbuhan pang-exercise. Ano ngang tawag do'n? Tread milk? Basta 'yon!

Nakasuot lang siya nang maluwag na sando at short habang pawisang natakbo sa running chuchu machine. Pasimple akong pumasok sa gym at umupo sa malapit na upuan. Parang gusto ko na lang panoorin si boss. Palagi ko siyang nakikitang nakahubad pero totoo talaga ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya... yummy nga talaga siya.

Napalingon siya sa direksyon ko. Itinigil n'ya rin ang machine saka lumapit sa akin. Kumuha siya ng towel na nakasabit sa upuang malapit sa 'kin at isinabit 'yon sa leeg n'ya.

“Bakit ka nandito?” tanong n'ya saka nagtungo sa direksyon kung nasaan ang mga captain barbell.

Umupo siya at kumuha ng maliit na captain barbell na pang isang kamay lang at binuhat buhat 'yon na parang magaan na papel. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at napatingin sa matipunong braso n'ya na nagalaw sa tuwing iaangat n'ya ang captain barbell.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Napakunot naman ang noo ni boss habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko.

“Boss, mabigat ba 'yang captain barbell?” tanong ko saka itinuro iyon.

“Bakit may captain pa? Barbell lang,” natatawang sabi n'ya.

“Whatever... pero boss, mabigat ba 'yan?” tanong ko ulit.

“Depende sa tao. Para sa 'kin hindi naman. Pero siguro kung para sa 'yo, medyo mabigat 'to,” sabi n'ya saka ibinaba na ang captain barbell.

“Try ko, boss,” sabi ko saka hinawakan ang kapitan ng captain barbell.

Natawa si boss habang pinapanood ako na sinusubukang iangat 'yon. Grabe. Ang bigat pala nito. Akala ko talaga malakas na 'ko bago ko nakilala si boss. Mukhang kailangan ko pang mag-ensayo.

“Ay shet!” Isinuko ko na ang pagbuhat sa captain barbell at umupo sa upuan na nasa tapat ni boss.

Nalimutan ko tuloy ang tunay na pakay ko.

“Boss, tingnan mo naman ang nangyari sa buhok ko. Naging normal pink na lang siya!” reklamo ko saka itinuro ang buhok ko.

Napatingin siya sa buhok ko. Naningkit ang mga mata n'ya saka marahang hinawakan 'yon.

“Bagay pa rin naman sa 'yo,” matipid na sabi n'ya saka binitiwan ang buhok ko.

Nagsimula na siyang magpunas ng pawis n'ya sa mukha at sa leeg... Ako na lang sana magpunas, hehe.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon