Chapter Nineteen

94.4K 4.2K 2.7K
                                    

Tahimik lang ako habang naglalakad patungo sa assigned hotel room para kay Ashteroh. Walang kibo na nakasunod lang naman siya sa akin. Kasama ko na ngayon si Dustin na siyang kumakausap ngayon kay Ashteroh.

"Wait."

Napatigil kami at napalingon kay Ashteroh nang magsalita siya. Ipinasok n'ya ang kamay sa bulsa ng trousers n'ya, tila may kinakapa ro'n.

"Is there something wrong, Sir?" tanong ni Dustin.

Kinuha ni Ashteroh ang wallet n'ya saka inangat 'yon. "Nothing, I just checked if I lost something. I heard there's a mischievous thief lingering around. I have to be careful," malamig na sabi n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Alam kong ako ang pinariringgan n'ya at alam ko rin na wala akong karapatang magreklamo. Dapat masaya na ako na ganito ang pakikitungo n'ya sa akin na ibang iba sa inaasahan ko.

"Sir, as you can see we prepared a presidential suite for you. You can call someone to accommodate you anytime using our--" Napatigil si Dustin nang may dumating na staff at tinawag na naman siya. "Bakit na naman ba?" bulong ni Dustin sa staff.

"Sir, hinahanap po kayo ng VIP guest sa room 508," bulong din ng isang staff.

Napatango na lang si Dustin saka muling nilingon si Ashteroh. "I'm really sorry, Mr. Alexeev. I have to go... Nathalie, ikaw na ang bahala kay Sir," sabi ni Dustin bago tuluyang umalis ng hotel room kasama ang staff.

Napalunok na lang ako nang maiwan na kaming dalawa ni Ashteroh. Pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Guest pa rin namin siya, kailangan kong umakto ng normal sa abot ng makakaya ko.

"S-Sir, just like what Sir Dustin said. You can call us using the telephone here whenever you need to be accommodated. We are now preparing another presidential suite for your business partner just like what you requested--"

Napatigil ako nang mapansing hindi siya nakikinig sa akin. Umupo siya sa couch habang nakatutok sa phone n'ya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at lumapit sa kanya saka marahang inilapag ang blazer n'ya sa tabi n'ya.

Muli akong bumalik sa pwesto ko at hinintay siyang matapos sa pagtitipa sa phone n'ya. Natigilan siya nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

"Is watching my every move still a part of your job?" malamig na tanong n'ya.

Natigilan ako sa tanong n'ya. Napalunok na lang ako saka napaiwas ng tingin sa kanya... Gusto ko pa sana siyang tingnan. Kung gaano kalaki ang pinagbago n'ya, ang pinagbago ng mukha n'ya, ang lahat ng tungkol sa kanya... Sa nakikita ko ngayon, malayong malayo na siya sa Ashteroh na nakilala ko noon.

Binago ko ba siya o talagang ganito lang ang pakikitungo n'ya sa akin?

Sabagay, hindi ko na dapat tanungin 'yon sa sarili ko. Bakit n'ya naman ako pakikitunguhan nang ayos matapos ko siyang iwan at saktan nang gano'n?

"N-No, Sir," sagot ko na lang saka napatungo.

"Then what are you waiting for? Leave."

Napatango na lang ako at agad na lumabas ng hotel room n'ya. Dapat magaan na ang pakiramdam ko ngayong hindi ko na siya nakikita pero lalo lang bumigat ang pakiramdam ko nang makaalis na 'ko sa silid n'ya.

Kinakabahan ako sa mga oras na 'to... pero nakakaramdam din ako ng pangungulila. Gusto ko pa siyang tingnan nang matagal, gusto ko siyang tanungin, gusto ko siyang yakapin... marami akong gustong gawin na nagagawa ko nang malaya sa kanya noon.

"Hey, what are you still doing here?"

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Killian. Mukhang dito agad siya dumiretso pagkagaling n'ya sa date n'ya.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon