Chapter Thirty-Two

117K 4.7K 2.8K
                                    

“Boss, ang higpit naman ng yakap mo,” reklamo ko saka tumingin sa gwapo n'yang mukha.

Napatitig din sa akin si boss saka pinupog ng halik ang buong mukha ko. Napahagikhik na lang ako at yumakap sa baywang n'ya.

“Na-miss mo ba ako nang sobra?” tanong ko saka nagtaas-baba ng kilay sa kanya.

Natawa siya saka siniil ng halik ang labi ko. Mukhang ngang na-miss n'ya ako nang sobra.

Nakahiga kami ngayon sa kama ko. Halos isang oras na yata siyang yakap nang yakap saka halik nang halik sa akin. Hindi naman ako nagrereklamo kasi gusto ko rin naman.

“Tawagin mo nga ulit akong boss,” sabi n'ya saka hinaplos ang pisngi ko. Mukha siyang inaantok pero mas lumalamang ang saya sa mga mata n'ya.

Napangiti ako saka kinagat ang panga n'ya. “K, fine. Boss.”

Tila nanggigigil na niyakap ulit ako ni Ashteroh. Natawa na lang ako at gumanti rin nang mahigpit na yakap sa kanya.

Natigilan ako nang may maalala ako.

“Teka, boss... May itatanong ako,” saad ko saka kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Napatingin siya sa akin. “Hmm?”

“Bakit isang linggo kang nawala? Akala ko sinukuan mo na 'ko nang tuluyan,” sabi ko saka napasimangot.

Napangiti siya saka kinurot ang ilong ko. “Bakit? Namiss mo 'ko?” tanong n'ya.

“Ewan ko sa 'yo.” Inismiran ko siya.

Natawa si boss saka dinampian ng halik ang pisngi ko. “May kinailangan lang ako asikasuhin. Saka nagpapa-miss din ako sa 'yo, kaso ako rin naman ang hindi nakatiis,” sabi n'ya naman.

“Sus, hindi mo talaga ako matitiis kasi wala ka ng mahahanap na kasing ganda ko,” seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Mas lalong natawa si Ashteroh pero tumango rin naman siya sa sinabi ko. “Wala na talaga akong mahahanap na kasing ganda ng Ma'am Nathalie ko. Nag-iisa ka lang,” anas n'ya saka kinuha ang kamay ko at dinampian ng halik 'yon.

“Pero teka...” Bumangon ako saka inangat ang damit ko. Pinakita ko sa kanya ang tiyan ko na may peklat na dahil sa operasyon. “Mahal mo pa rin ako kahit ganito na ang tiyan ko?” tanong ko sa kanya.

Napangiti si Ashteroh at marahan pang hinaplos ang tiyan ko. Napaigik ako dahil nakakakiliti ang hawak n'yang 'yon.

“Ikaw pa rin ang pinakamaganda at pinakasexy sa paningin ko,” sabi n'ya saka ngumiti sa akin.

Muli akong humiga saka yumakap sa kanya. “Grabe naman. Patay na patay ka masyado sa akin,” napapailing na sabi ko.

Natawa si boss saka muling dinampian ng halik ang labi ko. Hindi na yata siya magsasawang halik-halikan at yakapin ako... pero okay lang, gusto ko rin naman.

“Boss... hindi ka ba talaga nagkagusto kay Thalia?” tanong ko pa.

“Hmm... I care for her because she reminds me of you. But maybe Thalia was right, maybe I only liked her as a friend or a sister. I didn't like her romantically like I thought,” paliwanag n'ya.

Napatango ako. “Ano ba 'yan? Umiyak-iyak pa ako sa selos dahil sa inyo tapos as a friend mo lang pala siya gusto.” Napaismid ako.

Napabuntonghininga si boss sa sinabi ko saka muli akong kinulong sa mga bisig n'ya. “I'm sorry for making you cry and suffer like that. From now on, I'll do my best to make you happy... I love you so much, Ma'am Nathalie mapagmahal sakalam,” natatawang sabi n'ya sa huling sinabi.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon