Chapter Eight

105K 5.3K 4.8K
                                    

"Gago! Takbo!"

Nanggigigil na napakapit ako sa unan habang nanonood ng nakakatakot na palabas. Parang tanga talaga ang mga tao sa palabas. Kailangan muna nila matulala bago tumakbo. Walang gagawa ng gano'n sa totoong buhay 'no. Gigil ako.

"Tangina talaga. Mamatay na nga lang kayo lahat," naiinis na sabi at kumain na lang ng chocolate.

Natigilan ako nang bumukas ang pinto. Napangiti ako nang matamis nang iluwa no'n si Boss Ashteroh. Natigilan siya nang mapatingin sa 'kin na prenteng nakaupo sa kama n'ya.

Sa sala naman talaga dapat ako manonood, kaso mas malaki ang TV sa kwarto ni boss. Mas trip ko rito manood.

Napatitig sa akin si boss. Mukhang kakagaling n'ya lang sa trabaho. Natigilan si boss nang makita ang hawak kong chocolate. Dali dali naman siyang lumapit sa akin at hinablot ang chocolate.

"I told you, don't eat on my bed! Naiirita ako kapag may kalat sa kama!" panenermon n'ya saka pinitik ang noo ko.

Agad akong napadaing at napahawak sa noo ko. Tiningnan ko siya nang masama saka hinablot mula sa kanya ang chocolate.

"Boss, papagpagin ko rin naman, e!" sabi ko na lang saka muling kumagat sa chocolate.

Napaismid na lang siya at wala ng nagawa. Naghubad na lang siya ng blazer n'ya. Muli na lang akong nanood ng TV at hindi na siya pinansin.

"Aahhhh! Magtago ka, tanga! Tangina!" hiyaw ko at napapalundag pa sa kama. Bwisit talaga ang mga tao sa palabas.

Lumabas na mula sa banyo si boss. Siyempre, basta na lang siya naghubad at nagbihis ng pantulog. Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy sa pinapanood ko.

"Nako, bakit lagi kayong ganyan?! Nakakairita! Ang pangit ng palabas na 'to! Sobrang pangit!" naiiritang sabi ko dahil ang ending, namatay silang lahat.

Natigilan si Ashteroh nang akmang babatuhin ko ng remote ang TV. Dali dali siyang lumapit at inagaw ang remote mula sa 'kin. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko nang tingnan n'ya 'ko nang masama.

"Balak mo bang sirain ang TV ko?!" asik n'ya saka tinakpan ang mukha ko gamit ng kamay n'ya saka tinulak 'yon palayo.

Naiinis na napapadyak na lang ako sa hangin nang bumagsak ako sa kama n'ya. Ito talaga ang dahilan kung bakit hindi na namin sinubukan mag-TV ulit nina Chinu. Binato ko rin dati ang TV namin dahil sa pinapanood ko.

Bumangon din ako agad at napakamot sa batok ko.

"Okay na, naka-move on na 'ko sa pinanood ko," sabi ko na lang.

Napailing si boss at inilapag sa bedside table ang remote. Pinunasan n'ya ang buhok n'ya gamit ang towel saka umupo sa tabi ko.

"Boss, may tanong ako," sabi ko saka humarap sa kanya.

Napatigil naman siya sa ginagawa saka tumingin sa akin. "Hmm?"

"Bakit hindi mo 'ko inuutusan magnakaw? Saka kumusta na 'yung friends mo sa feroci? Wapakels ba sila sa 'kin?" tanong ko at napaismid.

"Namimiss mo na ba magnakaw?" natatawang tanong n'ya.

"Hindi naman, boss. Eh kaso nagtataka lang ako," saad ko na lang.

"Marami na 'kong tauhan kaya hindi na kita inuutusang magnakaw. Uutusan na lang kita kapag kinailangan," paliwanag n'ya.

"Kung marami ka naman palang tauhan, bakit mo pa ako sinali?" tanong ko.

Hinawi n'ya ang basa pa n'yang buhok. "Nagnakaw ka sa mansyon ko. Isa sa dalawang 'to ang ang kalalagyan mo... mamamatay ka o magiging tauhan ko. Pinalaya ko lang ang mga kasama mo dahil nakiusap ka."

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon