Kabanata 1

9.2K 315 57
                                    

"So, I guess you know why you're here, Miss Catedras."

Humalukipkip ako at saglit na inangat ang kabilang kilay habang nakatingin sa sahig ng opisina.

"The student councils have seen you and your comrade trespassing in the faculty room and stealing some of the answer sheets last night."

I frown and glance at Mr. President, who's sitting across my seat while crossing his arms; he seems to be killing me with a deadly stare while the Dean continues to give me sermons.

"H'wag mong sabihin na ganito rin ang ginagawa n'yo sa mga nakaraang unibersidad na pinasukan n'yo?" 

Hindi ako sumagot at nanatili lamanng na tahimik. 

"I need to talk to your parents, Miss Catedras."

Hindi ako mapaniwalang tumingin sa Dean matapos iyong marinig. Seryoso siya? "Oh please. I'm already a graduating student, Dean." Ano'ng tingin niya sa akin? Elementary, at high school student na kailangan pa ng guidance? Gosh. I've been living on my own for years.

"Just so I could inform them what you're really doing. I don't like it when students throw away some of their parents' cash just to be irresponsible students. Kakausapin namin ang mga magulang mo sa ayaw at sa gusto mo."

I purse my lips and take a deep sigh before crossing my arms. I glance at Mr. President to raise my brow. Hindi kaya suggestion niya ito?

"Hindi po p'wede."

"At bakit hindi?"

Buryo ang mga mata na nilingon ko ang Dean. "Kasi ako iyong nawawalang anak ng mafia boss."

Pareho silang napamaang sa akin, tila hindi alam kung dapat ba nila iyong paniwalaan o hindi. Humagalpak ako ng tawa.

"Joke lang! Pero hindi talaga p'wede, Dean. Pero kung gusto n'yo talagang silang makausap, humiling ka lamang na sana kunin na kayo ni Lord —"

"Miss Catedras!"

Umirap ako sa saway ni Mr. President. Kasalanan ko pa? Siya ang nagdala sa akin dito kaya magtiis siya sa walang preno kong bibig.

"I'm sorry, Dean. Ako na lamang po ang kakausap sa kaniya."

Umismid ako at bumaling sa Dean na ngayon ay hinihilot ang sentido, problemado na tiningnan ako; matamis akong ngumiti.

"Mabuti pa nga, pero bago 'yon gusto kong malaman kung sino ang kasama mo kagabi sa paggawa ng bagay na 'yon, Miss Catedras."

"It was my idea, hindi n'yo na siya kailangang idamay," depensa ko dahil iyon naman talaga ang totoo.

I was the one who dragged Ferisha into such a mess; what should I do? I was born for adventure, not to do some boring shit and kill myself out of boredom. I'm still not used to not doing anything.

Plastik akong nginitian ng Dean na pinatulan ko ng hindi interesadong tingin. "You're quite a savior, but I'm sorry, Miss Catedras. Those who were planning to break the rules should be punished."

"Hindi ko pa rin sasabihin."

Hinilot niya ang sentido. "Whatever. Ako na ang bahala ro'n. For now, you may go out. Si Zideon na muna ang bahala sa 'yo."

Napa-face palm ako sa narinig nang tumayo si Mr. President at naglakad patungo sa may pintuan. Nang hindi ako kumilos sa aking puwesto ay humarap siya sa akin at salubong ang kilay akong tiningnan.

"Susunod ka o hahatakin kita palabas?" masungit na tanong niya. Umikot ang dalawa kong mata. Ako ba inuutusan niya?

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Susunod ka, kasi ako 'yong mauunang lumabas. Tabi nga."

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now