Kabanata 32 (Unedited)

4.6K 161 19
                                    


I thought I was the one who got left, but for the second time around...I left someone again. Maybe for some reason, loving someone wasn't really for me. It's always this complicated, Morthon's right. I was unfair. I was fond being left alone to the point that it terrifies me, hence I ended up leaving first before they could even leave me.

Ngunit maalin man sa dalawa ang piliin, ang maiwan o mang-iwan, pareho rin naman na masakit. Being left was a traumatizing feeling, lalo na kung gusto mo pa namang kumapit ngunit ayaw na ng isa; but leaving someone for their own good? For me, that's the hardest part; when you wanted to stay, but for some reason you can't, because if you did, you would just end up ruining him.

How can I give the love that he deserves when in the first place I was lack of it? I didn't want to stay just because I needed his love to refill me; mauubos lang siya habang patuloy niya akong pinupuno, and I don't want that.

Suminghap ako at pilit na pinunasan ang mga luha na patuloy sa pagrasa habang tinatahak ko ang padilim na pasilyo patungo sa main gate ng university kung saan naroon nakaparada ang sasakyan namin ni Lyla.

"Miss! Sandali!" Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang may lalaki ang biglang tumawag sa apelyedo ko. Lumingon ako at nakita ang tumatakbong lalaki papalapit sa aking direksiyon. "Pinapamigay ni Pres."

May isang brown envelope siyang iniabot sa akin na kunot-noo kong tinanggap. "What's this?"

"Hindi ko rin alam, pero ibigay ko raw sa 'yo. Sige na, mauna na ako." Sinundan ko ito ng tingin nang tumakbo ito palayo. Bumalik ang tingin ko sa brown envelope at natutop ang bibig bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungong parking lot.

I found Lyla leaning on the hood of the car when her eyes darted on mine. Napaayos siya ng tayo. "What happened?" bungad na tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "I broke up with him," paliwanag ko bago ko diretsong binuksan ang pintuan ng shotgun seat at sumakay roon.

My eyes were swilling, but then Lyla chose to stay quiet and never asked me the full details when she entered the driver seat.

"Ano 'yan?" Ngumuso siya sa hawak kong envelope kaya't bumaba ang tingin ko roon.

"Hindi ko pa alam. Galing kay Zideon. Saka ko na bubuksan kapag nakarating na tayo sa penthouse."

Tumango siya sa akin at hindi na nagsalita pa kaya't naging tahimik ang buong biyahe namin pabalik. Kumpara kanina noong papunta pa lang kami rito ay medyo matao at maaliwalas pa ang paligid, ngunit ngayon ay binalot na iyon ng katahimikan at dilim.

Binuksan ko ang radyo ng sasakyan nang magkaroon man lang ng kaunting ingay. Papaliko na si Lyla sa kaliwang kalsada nang kumunot ang aking noo matapos kong mapansin ang isang pamilyar na itim na Sedan sa likuran ng sasakyan namin.

"Sandali."

Kunot-noo akong binalingan ni Lyla. "Why?"

"Parang may sumusunod sa 'tin," ani ko nang lumingon sa likuran.

I can't be wrong. That's the same car who followed me when I went to Morthon's house. Hindi ba iyon ang tauhan ni Zideon na pinasunod niya sa akin noon? But we're done already, and he already told me that he sent someone to follow me. Imposibleng isa ito sa mga tauhan niya. Ano namang dahilan para pasundan pa ako gayong sinabi ko na sa kaniya ang lahat ng kailangan niyang malaman?

"Sigurado ka?" Sumulyap siya sa akin. Hindi naman ako umimik at nagpatuloy lang sa pagmamasid.

"Iliko mo," I told her. Luniko siya sa kanang kalsada, at napaangat na lang ang kilay niya nang nagdire-diretso ang sasakyan.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now