Kabanata 36 (Unedited)

4.9K 146 23
                                    

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay. Sino'ng naghatid sa 'yo? Nasa'n 'yong motor mo?" magkakasunod na tanong sa 'kin ni Lyla nang nakapasok ako sa loob ng apartment.

Sinubukan pa niyang lumabas ng apartment at tingnan ang sasakyan ni Zideon na kaaalis lang nang madali kong hinigit ang kuwelyo ng kaniyang damit at hinila siya papasok.

"I went to Wendlyn's place."

Namilog ang kaniyang mga mata. "W-What? How? I mean, nagkita kayo? Does that mean nakita mo rin si Sahara?"

Iniabot ko sa kaniya ang dalawang eco bags kong dala at ibinagsak ang sarili sofa. Napahilot ako sa aking sentido. "Yeah."

Mabilis niyang inilapag ang dala ko sa lamesa bago siya tumabi sa akin. Her eyes were full of curiosity. "What happened there? Magagalit sa 'yo si Sir Morthon kapag nalaman niya ito. Pumunta ka roon nang hindi niya nalalaman? Did you confront her or something? Ano'ng reaksiyon niya noong nakita ka niya?"

I sighed and leaned on the headboard of the sofa as I stared at the ceiling. "I don't know, Lyla. Naguguluhan ako. She was crying when she saw me, and then she hugged me and introduce herself as my mother. But...."

"But what?"

Inaalala ko ang bawat detalye ng reaksiyon ni Wendlyn kanina. "She's kind of...strange." Kumunot ang noo niya. "Sahara told me a lot of things about her. How she treats her well and give everything that she needs and wants."

"And so?" Bumaling ako kay Lyla. "That doesn't change the fact what she did to my aunt and your foster parents, Nis. Huwag mong sabihin na hindi mo na itutuloy ang plano natin na maipakulong siya?" tanong niya na ikinalunok ko.

Hindi sa nagdadalawang-isip ako, ngunit inaalala ko lang ang sitwasyon ni Sahara. What would she react if ever she found out the truth? Wendlyn seems treating her well because that's what she told me. Kung sakaling gumawa ako ng taliwas sa kagustuhan niya, posibleng kamuhian niya ako dahil doon.

"Lyla-" Napahilamos ako sa aking mukha.

"What? Alanis, you just met her. I understand that she's your real mother, but Alanis she's a prodigal. Itinapon niya kayo sa ampunan ni Sahara sanggol pa lang kayo-"

"They didn't," I cut her off, "it was an accident." Ikinuwento ko sa kaniya ang mga sinabi sa akin ni Wendlyn, ngunit isang pagak na tawa lang ang natanggap ko mula sa kaniya.

"And how will you explain the ambush that she did? Huh, Alanis?"

I went quiet upon hearing her question and decided to avoid her gaze. "I haven't confronted her about it."

Napailing-iling siya sa akin. "Kahit ano pang rason niya hinding-hindi ko siya mapatatawad sa ginawa niya. What she did is a crime, your foster parents and my aunt were innocent. Hindi ko puwedeng palagpasin ang ginawa niya. And now that we've found that she's really here, we'd stick to our plan."

Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at hinablot ang dalawang eco bags na nasa lamesa bago siya nagmartsa patungo sa kusina. Napabuntonghininga na lang ako at napakagat sa aking labi habang malalim na nag-iisip.

Morthon didn't visit us for days, however he's been sending me text messages and calls asking me about how I am. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na nagkita na kami ni Wendlyn dahil paniguradong magagalit siya sa akin. Plano ko pa naman na bumalik doon dahil iyon ang pangako ko kay Sahara, at kung sakaling ipaalam ko iyon sa kaniya paniguradong pagbabawalan niya ako.

Knowing him being concerned about my human being, he's paranoid as fuck.

Lyla on the one the other hand, she barely talk to me after our conversation in the living room, nonetheless she didn't tell Morthon that I've already met Wendlyn. At least even after our small arguments, she still cares.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang