Kabanata 3

7K 239 12
                                    

Nakipaglabanan ako ng titig sa kaniya habang tinatapunan niya ako ng nagbabantang tingin.

"Ano'ng nangyayari rito?"

I immediately take off my wrist from his hold when Alyna comes back; throwing a confused look while turning over, she stares at me and President. Naiwan ang kamay ni President sa ere, at bago pa makapagsalita ang isa sa kanila ay mabilis na akong umalis sa kanilang harapan at nagmartsa palabas ng locker.

Narinig ko pang nagtanong si Alyna kay President kung ano ba ang nangyari, ngunit wala akong narinig na sagot mula rito. Ipinilig ko ang ulo at naisip na lumabas na lamang ng university. I lose interest in doing my punishment. Bahala na silang maglinis doon dahil wala na akong plano na bumalik pa.

Dumiretso ako sa parking lot kung nasaan ang motor ko; wala pa roon si Ferisha, malamang ay mayroon pang inaabyad. I take off my bag from my shoulder to open it, though I already know for a fact that I don't have anything that can treat my wounds, and so I end up getting a scissor. Marahas kong ginupit ang laylayan ng hood ko para kumuha roon ng kapirasong tela. Ibinalik ko sa loob ang gunting matapos iyon at kunot ang noo na tinanggal ang mga ilang mga pinong bubog na dumikit sa aking kamay.

Alam kong wala naman ako masyadong dapat na ikinainis dahil kasalanan ko kung bakit ako nagkasugat. It's just that I ain't supposed to be the one cleaning up those messes. Hindi ko nakita ang buong pangyayari, pero sigurado ako na si Marcus ang dahilan kung bakit si President nagkasugat sa kamay.

Tsk! I didn't do anything! Pagkatapos ako pa rin ang inutusan niya habang siya ro'n prenteng nakaupo at nagpapagamot ng sugat sa kaniyang bise presidente?

Like, wow! I have no idea if he's the kind of president who ignores someone's mistake and just points out someone who he thinks deserves to take the punishment.

"Nauna ka yata sa 'kin ngayon — ano'ng nangyari sa kamay mo?"

I slightly lift my eyes only to find Ferisha nearly coming in my direction. Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ka makapagma-maneho?"

Sandaling umikot ang mata ko bago ako umangkla sa motor. "Ferisha, it's just a cut. Hindi pa ako baldado."

Napabuntonghininga siya bago umangkas sa may likuran ko.

Sa kalagitnaan ng biyahe hangggang sa nakarating kami sa apartment, nagtanong siya sa kung ano ang nangyari. Wala naman ako ibang nagawa kung hindi ang ikuwento.

"That's new."

Nagsagpong ang dalawa kong kilay matapos kong buksan ang pintuan ng apartment.

"Ano'ng sinasabi mo?"

"Iyong ginawa mo. Nainis ka ba kay Marcus dahil sa ginawa niya sa 'yo, o kay President na mas pinili na ikaw ang paglinisin kahit si Marcus naman talaga ang nakabasag? As far as I know, you're not that type of person who easily gets pissed." Nanunuri ang kaniyang mga mata sa akin gamit ang nagtatakang ekspresyon.

A sudden thought crosses my mind when I think about President and Alyna sitting in the corner of the locker area, treating his cuts while he was smirking, while they were outside the locker talking about something about which I have no clue.

Biglang sumama ang timpla ng aking mukha.

"Hoy."

"Ano?!"

"Woah." Bumilog ang kaniyang bibig at inangat ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Kalma, Nis. Tinawag lang kita. Hindi mo kasi sinasagot iyong tanong ko."

Ipinilig ko ang aking ulo at pumasok na lamang sa kuwarto para makapagbihis. "Pareho. Okay na?"

Tiningnan ko siya. Binigyan niya ako ng hindi nakokonsinteng tingin na ikinaburyo ng aking mukha. Bahala siya kung hindi siya naniniwala dahil iyon naman talaga ang totoo. Sa huli ay nanahimik na lamang din siya na ikinagaan kahit papaano ng pakiramdam ko.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now