Kabanata 9

6.7K 235 23
                                    

Bitbit ang timba sa aking kamay na tumungo ako sa may gripo kalapit ng banyo ng mga lalaki at babae. Papatapak pa lamang ako sa may tiles nang dumulas ang sapatos ko sa sahig. Tumihaya ako sa semento.

Napangiwi ako nang naramdaman ang pagtama ng ulo ko sa tiles. Isang mumunting tawa ng lalaki ang umalingawngaw sa paligid. Nagngingitngit ang ngipin kong tumayo mula sa pagkakahiga. I find Marcus leaning on the jamb of the boy's comfort room, holding a mop in his hand while smirkingly gazing at me.

"Masakit ba, Catedras? Hindi pa ba bagok 'yang ulo mo?" pang-aasar niya sa akin. 

Tumingin ako sa aking paanan at nakita ang dami ng pulbo na ibinudbod niya roon.

I shake my head in disappointment. "Talaga bang ganito ka kaisip bata?"

At talagang hindi siya nadala sa pagsuntok ko sa kaniya noong nakaraan? He was assigned to clean the boy's comfort room. Ilang gabi ko na siyang nakikita rito sa tuwing kukuha ako ng tubig panlinis sa locker area, at ngayon ang huling araw ko para linisin iyon. Noong una ay wala naman siyang ginagawang kalokokohan at puros pang-aasar lang ang ibinabato sa akin, hanggang sa nadulas ako ngayon sa pesteng mga pulbo na ibinudbod niya rito.

Nagkibit-balikat siya bago sinimulang lampasuhin ang sahig. "Aren't we fair enough? Sinuntok mo ako, gumanti lamang ako."

Pagak akong tumawa bago humalukipkip, hindi siya makapaniwalang tinapunan ng tingin. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito.

"Then I think it's time for you to make the bet." Huminto siya sa paglilinis at umangat ang kilay sa akin. "Hindi ba talo ang team mo? O baka wala ka talagang isang salita, Marcus?"

He grits his teeth and tightly grips the handle of the mop. Not being arrogant towards him, but he should keep his words. I know a guy like him really well. They hate being defeated; heck, their ego is even higher than their pride.

"Kasalanan ko bang uuto-uto ka?" puno ng kompiyansa sa sarili na tanong niya.

"Then I guess you're really not worth my time." Kumunot ang noo niya. "At alam mo ba kung ano'ng tingin ko sa mga lalaking hindi kayang panindigan lahat ng mga sinasabi nila?" Naglakad ako patungo sa puwesto niya. Nanatili ang matigas niyang ekpresyon nang inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang tainga para bumulong, "They don't have balls, have you, Marcus?"

Marahas niyang hinablot ang kuwelyo ng jacket ko at itinulak ako paatras sa kaniya. "Fuck you, Catedras."

"Go fuck yourself, Marcus. I'm not interested." Tinalikuran ko siya habang nakikitaan ko ng labis na iritasyon ang kaniyang mga mata. He's not worth my time.  Perhaps he's just one of those guys who's seeking some attention because he lacks it. Poor guy.

Bumalik ako locker para ipagpatuloy ang paglilinis. Palagi ko iyong ginagawa sa tuwing wala ng mga estudyante kaya halos nauuna na sa akin si Ferisha sa pag-uwi dahil sa inaabot na rin ako ng alas nuwebe y medya. But then, this is my last night, and next week, I'll be doing nothing but studying.

Nasa may bungad na ako ng boy's locker bitbit ang timba nang mapahinto ako matapos mapansin si Alyna na naghihintay sa may pintuan. Doon ko lamang napansin si Zideon sa loob at may kung ano'ng kinukutingting sa loob ng kaniyang locker.

I rarely see him these days. Madalas kasi ay hindi ko na siya naaabutan dito sa locker sa tuwing maglilinis ako, and it's not like I want to see him. Duh! Mas mabuti na rin na minsanan ko lamang makita ang masungit niyang pagmumukha.

"Hindi ka pa tapos? Ano ba 'yong hinahanap mo r'yan?" Pumasok si Alyna sa loob at lumapit sa puwesto ni Zideon. Dumungaw ito sa locker nito.

Wala sa sariling sumimangot ako at nagmartsa patungo roon. Napalingon sa akin ni Alyna. "Miss Catedras. Huling gabi mo na?" salubong niya sa akin.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now