Kabanata 35 (Unedited)

4.9K 145 32
                                    


Panandalian kong tinitigan ang lalaking nagbukas ng pintuan ng sasakyan para sa akin, bago ako sumulyap sa hindi kalakihang bahay sa loob na medyo may mataas na itim na tarangkahan. I took a deep sigh, getting the courage before I went out of the vehicle. I don't exactly know what I am feeling. Halu-halo na hindi ko na lubusang maintindihan.

All I know was that my heart began to pound rapidly as I followed the man in his suit entered the gate. Lumunok ako at pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga sa aking bibig. I've already prepared my possible questions to Wendlyn before, if ever one day we'd meet. Ngunit ngayong nandito na ako sa tapat ng kaniyang lugar, biglang natuliro ang isip ko.

I was contemplating why did she send her men to fetch me when she could do that herself. Does she wants to take me just like what she did to my twin? Ano ang gagawin ko sakaling ganoon nga? At ano ang magiging reaksiyon niya sakaling malaman niya na alam ko na siya ang may pakana kung nakit namatay ang mga umampon sa akin?

"She's waiting for you in the living room," the man said. Huminto siya sa maliit na pasilyo na tinahak namin bago niya iminuwestra ang kaniyang kamay upang ituro ang eksaktong lokasyon ng sala.

Sinunod ko ang direksiyon ng kaniyang daliri hanggang sa narating ko ang mismong maliit na sala ng bahay. I was roaming my eyes around, expecting the sight of my twin; isang bagay kung bakit hindi ako nagdalawang-isip na pumarito ay dahil sa aking kakambal. I badly want to see and hug her.

"Alanis? God, it's really you!" Huminto ang mga mata ko sa paglilibot nang sumulpot sa sulok ng aking mata ang pigura ng isang babae.

I turned on my left side only for me to welcome by the crying woman. Sandali kong nahigit ang aking hininga nang may mga braso ang biglang yumakap sa akin.

"It's me, your mother. Your true mother, Alanis," she mumbled while I was standing frozen in my position with my eyes widening with her sudden move. Ni hindi ko siya mayakap pabalik, hindi sa gulat kung dahil sa biglaang iritasyon na gumapang sa aking sistema.

Kumalas siya sa akin kaya't malaya kong nakita ang kaniyang buong hitsura.

Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok. Puno ng mamahaling alahas ang kaniyang palapulsuhan pati na rin ang kaniyang leeg. Her make-up were perfectly polished on its right places. Kumayat lang nang kaunti ang kaniyang eyeliner dahil sa luha. Ang elagante niyang asul na bestida ay nagsusumigaw rin ng karangyaan base sa mga abubot na nakakabit doon.

According to her background information, she's already 45 years of age, but she looks younger than that.

"I knew that this is unbelievable to tell, but your twin is alive, Alanis. And she's here," ani pa niya, ngunit mistulang nakadikit na yata ang mga labi ko dahilan para hindi ako makapagsalita. "I'm happy to see you. Are you hungry or something? I'll prepare foods for you."

Hindi naiwasang kumunot ng aking noo habang pinagmamasdan ko ang kaniyang hitsura. I've found my father Francisco Monroe familiar because he has some features that looks like me based on the photos that I've seen before, but now that I am staring at Wendlyn...I couldn't find any features from her face that I inherited. Although there were really a lot of cases that a child only inherits from one side of her or his parents, but that wasn't the case.

I couldn't feel anything special towards her.

"I'm fine with water," I answered that made her lips to formed in circle.

"Oh. Okay. I'll ask one of my housemaid to give you then." Iminuwestra niya ang coach na nasa aking likuran. "You can sit there."

I did what she told me.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon