Kabanata 7

6.7K 253 35
                                    

"Ano na naman ba ito, Miss Catedras? Hindi ka pa nga tapos sa parusa na ibinigay sa 'yo noong nakaraan, pagkatapos may panibagong kalokohan ka na namang ginawa?"

I frown at the dean.

"Ano'ng plano mong gawin? Maglinis na lamang sa buong semester?"

"Dean, siya ang nagsimula—"

"Siya o ikaw ang nagsimula, maalin sa inyong dalawa hindi pa rin tama na sinuntok mo siya. For Pete's sake, Miss Catedras! He's at the infirmary, unconscious! Putok pa ang gilid ng labi!"

I roll my eyes. I'm starting to get sick of her words.

Sino ba kasi 'yang Pete na 'yan at puro kapakanan na lamang niya ang iniisip?!

"He deserves it, and I won't say sorry if that's what you're expecting me to do once he wakes up."

"So I guess I need to give you another punishment—"

"Siya nga ang nagsimula!"

"Don't raise your voice on me, Miss Catedras!"

Ngumiwi ako nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa si Zideon.

"Zideon, maigi naman at nandito ka na."

"Pres, tell her!" I yell, looking desperate. Dumapo sa akin ang mga mata niya. "Nakita mo 'yong nangyari, 'di ba? Nakita mong sinadya akong batuhin ng bola ni Marcus!"

I won't back off my rights here! Marcus is an ass! At hindi ko pinagsisisihan na sinuntok ko siya kanina, pero hindi naman tama na bigyan niya ako ng parusa dahil hindi lamang naman ako ang naagrabyado. I am here throwing some sermons by the dean, but that damn Marcus is in the infirmary sleeping like a shit? That's unfair!

"Miss Catedras, sinabi ko na sa 'yo na maalin man sa inyong dalawa ang nagsimula ng gulo, mali pa rin na sinuntok mo siya."

I groan in frustration, habang si Zideon naman ay umiwas sa akin ng tingin  na tila wala siyang balak na magpaliwanag sa nangyari kanina.

Screw him! Ano'ng klaseng presidente siya?

Tumikhim siya at direstong tumingin sa Dean. "Marcus started it, Dean." Muntik nang magliwanag ang mga mata ko sa narinig. "Hindi lamang dapat si Miss Catedras ang bigyan n'yo ng parusa."

What the fugde?

"Hoy! Bakit kasama ako?" Hindi ako nilingon ni Zideon at nanatili ang tingin kay Dean. Nagngitngit ang aking ngipin.

"I know, Zideon. Kapag nagising na si Mr. Alcareza, 'tsaka mo siya papuntahin dito."

"Oh my God," I murmur after realizing that they don't want to hear every single one of my complaints and rights.

"And for you, Miss Catedras. Continue doing your punishment. Another week for you." Great. Just great. "Sa susunod na linggo mo na simulan pagkatapos ng holidays. For now, you can go, and please go to the infirmary to treat that dripping blood on your nose."

Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at kaagad na lumabas ng opisina. I check my nostrils and feel the dried blood in them. Medyo masakit pa rin ang ulo ko sa nangyari kanina, but then punching Marcus satisfied the hell out of my system till the Dean appeared and saw what I did.

Ayaw pang umuwi ni Ferisha kanina dala ng pag-aalala nang binitbit ako ni Dean patungo sa kaniyang opisina, ngunit napilit ko rin matapos kong siguraduhin na maayos lang ako. She doesn't need to worry too much, from what we've experienced, this thing is considered just a bit of an ant.

"Sahara."

Naramdaman ko ang mga yabag ni Zideon sa aking likuran nang lumiko ako ng pasilyo kasalungat sa kung nasaan ang daan papuntang infirmary. I don't bother to look back, especially now that I am pissed.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now