Kabanata 29 (Unedited)

4.5K 172 52
                                    

 
    Ilang beses kong sinipat ang sarili ko sa salamin kung saan nabakasan ko ang ilang mga sugat sa aking mukha na unti-unti nang gumagaling. The bandage on my head have gotten removed already since yesterday and was left with a small bandaid on my forehead. Kita ang ilang mga bakas ng sugat sa aking braso mula sa gray na t-shirt na aking suot, bagaman may pagkakataon na sumasakit ang ulo sa tuwing nakapag-iisip ako nang malalim, hindi naman ganoon kalala kaya’t naiinda ko iyon kahit papaano.

    Nang nakampamte ako na titigan ang sarili ko sa salamin, saka ko pa lang naisipan na lumabas ng kuwarto. As expected, the whole penthouse was quiet after I went down on the staircase. Hinanap ko si Ferisha nang nakarating ako sa living room ngunit hindi siya natagpuan ng aking mga mata. Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa nagawi ako sa kusina para sana kumuha ng maiinom, nang mapahinto ako matapos kong mapansin ang pigura ni Morthon katapat ng gas stove.

    His back was facing my direction, yet I could freely see the black apron that he’s wearing that’s covering his white shirt.

     May kung ano siyang pinagkakaabalahan na sa tingin ko ay niluluto nang bigla siyang mapaatras matapos kong marinig ang pagtilamsik ng mantika.

“What the fuck is wrong with this oil!?”

     Napahalukipkip ako at pinanood siya sa ginagawa ng isang mura na naman ang kumawala sa kaniyang bibig. Napailing-iling ako at lumapit sa kaniyang direksiyon.

“Ako na.” Mabilis siyang napagilid sa direksiyon ko na may halong pagkagulat at nahihiyang ekspresyon nang kinuha ko sa kamay niya ang siyanse.

    Napalingon ako sa kaniya na sandali niyang ikinahinto. His lips went into a gape when his eyes locked on mine. Ilang segundo pa ang nakalipas nang napatiim siya ng bagang bago niya ako madaling tinalikuran at nagmartsa palabas ng kusina.

    I was left sighing as I continued frying the chicken that he left.

    After our encounter yesterday morning, he began to act like that. He always has that guilty, pained, and embarrassing look whenever our eyes met. However I couldn’t blame him if he chose to treat me coldly; alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko kahapon lalo pa’t nalaman kong ganoon pa rin pala ang nararamdaman niya sa akin. That somehow made me not to at least bother him for a while, kahit pa gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko nang umalis sa lugar na ito at bisitahin si tita Lorena.

    Ni hindi ako nakatulog kagabi sa pag-iisip sa kung ano na kaya ang balita sa labas dahil wala naman sa aking sinasabi si Morthon. How’s tita Lorena? Nagising na ba siya? Si Zideon kaya? Hinahanap kaya niya ako? Ano kaya ang naging reaksiyon niya matapos ang nangyari? Nagalit kaya siya sa akin? Sinisisi kaya niya ako sa nangyari?

    Ano kaya ang magiging reaksiyon niya sakaling makita niya ako? If tita Lorena woke up already, there’s a big chance that she might confess what happened to Zideon; she’s thinking that what happened was my plan, and if that happens, Zideon would perhaps...despise me. Lalo pa’t bigla akong nawala, mas lalaki lang ang espekulasyon niya. Kahit pa sinabi sa akin ni Morthon na nalinis niya ang pangalan ko sa mga pulis, malaki ang posibilidad na hindi sa pamilya ng mga Costillano.

    But then what am I fighting here? May kasalanan din naman talaga ako sa nangyari. If I didn’t came to tita Lorena, Morthon’s stupid personnel probably wouldn’t chase us; baka hindi kami naaksidente ni tita Lorena. I wanted to throw the blame on Morthon—ngunit naibato ko na pala, ang problema lang, kahit sisihin ko man siya o ang sarili ko, wala nang magbabago sa sitwasyon.

    Because here I am, over-thinking things again even though I haven’t confirmed what could might really happen if I go back to Zideon.

    Matapos makapagluto ay hinugasan ko ang ilang mga plato na nasa lababo bago ko naisip na lumabas ng kusina. Plano ko sanang hanapin kung saan nagpunta si Morthon nang nahagip ng paningin ko si Ferisha. Kaagad ko siyang nilapitan at hinila siya papasok ng kusina na ikinakunot ng kaniyang noo.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now