Wakas (Unedited)

9.5K 284 51
                                    

"Umamin na kasi kung sino'ng may balat sa puwet diyan. Student Council lang naman tayo, bakit kailangan tayo pa mag-abyad ng mga requirements nitong mga nagpa-enroll?"

"Wala nga kasing mag-aabyad dito sa registrar office dahil may biglaang meeting ang mga school staff! At saka huwag ka na nga magreklamo, ngayong araw lang naman tayo rito."

"Can you just focus on your work? Ang dami pang nakapila."

"Original PSA, Miss. Hindi puwede ang scan." Napakamot sa batok ang babaeng nakasuot ng salamin mula sa labas ng bubog na bintana ng opisina.

"E, kuya, baka naman puwede na iyan. Mamamasahe pa kasi ako kung uuwi ako ng bahay namin, saka ilang minuto rin."

I didn't bother to listen with her complains and brought back the documents to her. Seryoso ko itong tinapunan ng tingin. "Then don't enroll if you can't pass the needed requirements. Next."

Nakasimangot itong umalis ng pila. I shook my head in disappointment after a man handed me a cleared enveloped with all the requirements inside.

Students. Didn't they read the guidelines before coming here?

"Brown envelope, not transparent. Next."

"Pero, kuya, kompleto ito."

Hindi ko itopinansi at sinenyasan na umalis ng pila.

Tinanggap ko ang sumunod na envelope na lumasot sa may kaliitang siwang ng bintana. Binuksan ko iyon upang tingnan kung kompleto at tama ba ang mga hinihingi. My eyes then wandered on the name that's written above the form 138.

Sahara Tuazon Catedras.

I checked her two by two picture where I found her, wearing a white polo shirt underneath her black blazer. Hindi nakangiti ang litrato ngunit bakas ang kaunting pag-angat ng kaniyang labi. Itim ang kaniyang buhok at maputi ang kaniyang mukha — o baka epekto lang ng camera kaya nagkagano'n.

"May kulang pa po ba sa requirements ko?"

My head automatically lifted up when I heard a soft voice. Dumako ang mga mata ko sa babaeng nasa labas ng bintana. She's wearing a gray hood on her head the reason for me not to see her face clearly, but then I noticed some strands of her hair that painted in red. Kumunot ang noo ko at sinipat ang kaniyang hitsura bago ko muling tiningnan ang litrato.

Why does her hair colored in black on this picture but not in person?

Mariin kong itinikom ang aking bibig at muling ibinalik sa pinaglagyan ang mga dokumento bago ko iyon ipinatong sa ilan pang mga envelope na naroon.

"Next."

"Mabuti nga sa inyo may transferee. Sa amin wala. Medyo nakakaumay tuloy ang pagmumukha ni Alyna — aray!" Papunta kami ng cafeteria nang hinampas ni Alyna si Harold.

"Excuse me, Harold? Kung may mukha mang nakakaumay ikaw 'yon."

"Tsk. Palagi ka na lang kasing nakadikit kay Zideon. Try mo namang dumikit sa akin minsan."

Natawa ako sa sinabi ni Harold. "Nice one, Harold."

Hinampas ako ni Alyna. "Zideon!"

I innocently gazed at her while preventing myself not to laugh. "What?"

Umikot ang mata niya sa akin. "Urgh! Whatever! Nakakainis kayong dalawa." Nilampasan kami nito bago ito nagmartsa papaalis. Napailing na lang ako habang may ngisi sa labi.

"Sa Marketing ng 4th year, section 1, balita ko may dalawang transferee. Nakita mo na?" Umiling ako kay Harold. "Ako nakita ko na. Maganda pareho, kaso iyong isa medyo weird kasi palaging naka-hood. Ang init-init."

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz