Kabanata 4

6.8K 225 17
                                    

"I'll. . .freakingly. . .punch you. . .straight in the face after this!" I mumble, catching my breath as I am trying to straighten my legs to walk properly. His right arm is clinging to my neck, trying to support his weight.

Forget him being president! Dahil kung bibitawan ko siya ngayon paniguradong hindi na siya sisikatan ng araw pa bukas! Fuck his weight! Hindi pa nakatulong ang bag ng babae na bitbit ng isa kong kamay!

"I-I was driving. N-Nakita kitang tumatakbo sa labas. Y-You were s-soaking wet. I-I got curious. L-Lumabas ako ng sasakyan at sinundan 'yong h-hinahabol mo. . .h-hindi ko alam na may kutsilyo siyang hawak. N-Nagulat na lamang ako. . ." bulong niya sa kaligitnaan ng malakas na buhos ng ulan habang tinatahak namin ang daan na itinuro niya kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan.
  
Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na kaming muntik nang matumba dahil halos pasan ko na ang bigat niya, ngunit pilit ko iyong ininda lalo na't wala akong maaninag na tao sa paligid.

"E siraulo ka pala! Bakit ka sumunod?"

"A-Are you shouting at me?"

At talagang may gana pa siyang magreklamo?

"Gusto mong iwanan kita rito? Wala tayo sa university kaya sisigawan kita hangga't kailan ko gusto!"

"Y-You were absent for d-days! Y-You still have p-punishments to do."

Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. Napamura na lamang ako. Siraulo talaga! Nasaksak na at lahat 'yon pa rin ang iniisip niya?

Marahas kong binuksan ang pintuan ng passenger's seat at isinakay siya roon bago tumakbo patungo sa may driver's seat.

"H'wag ka munang tutulog kung ayaw mong sakalin kita nang hindi ka na talaga magising!" banta ko. "Susi?"

Hirap ang kamay na kinapa niya ang bulsa ng kaniyang pantalon. Inabot niya ang susi sa akin. I notice his face getting pale. Kailangan ko siyang madala sa hospital sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay baka maabusan siya ng dugo.

"Keep your eyes open. Dadalhin kita sa hospital," bulong ko at mabilis na binuhay ang makina ng sasakyan para paandarin iyon.

I accelerate to the speed limit of his car when we reach the highway, never minding the vehicles on the street as I choose to overtake them. May pasyente ako kaya magsitabi kayo sa daan! Halos paliparin ko na iyon sa bilis ng takbo, ngunit napapreno na lamang ako matapos mapansin ang kumpol ng mga sasakyan sa unahan na hindi makatawid ng kalsada.

Sumulyap ako kay Pres na ngayon ay nakapikit ang dalawang mata habang mariing nakahawak sa kaniyang tagiliran. Napamura ako at lumabas ng sasakyan. Sinilip ko kung ano'ng nangyayari. Roon ko napagtanto ang unti-unting pagtaas ng baha, mukhang dahilan kung bakit hindi na makatawid ang mga sasakyan.

We're stranded! Fuck!

Pumasok ako sa loob ng sasakyan at dumukwang sa gawi ni Pres upang tapikin ang kaniyang pisngi.

"Zideon." He motions with his head and groans a little. I clench my teeth. Mabilis na dumapo ang tingin ko sa labas nang mahagip ng paningin ko ang isang convenience store bago bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Dito ka lang. H'wag ka munang gagalaw masyado, okay?"
   
Tumango siya sa akin. Naging senyas iyon upang muli akong lumabas sa sasakyan. Sinalubong ang malakas na buhos ng ulan nang tinawid ko ang ilang mga sasakyan patungo sa tindahan na nahagip ng mata ko. I don't have a cash in me but a card. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na hindi iyon nabasa sa kasulok-sulokan ng wallet ko dahil mas okupado ang isip ko sa mga bagay na kailangan kong bilhin.

Everyone is looking at me, perplexed because of how I look—wet clothes, doddering lips, and messed-up hair. I do not bother to pay attention and just focus on the cashier, who's throwing me weird glances while computing the stuff that I bought. Nang maibalot sa isang supot ay kaagad akong nagpasalamat at muling lumabas doon para takbuhan ang agwat ng sasakyan ni Pres sa kinaroroonan ko.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang