Kabanata 8

6.7K 248 50
                                    

I don't know how long my lips have been pressed against him, but all I know is his will to push me away. Ramdam ko kung gaano niya kagustong lumayo sa akin, ngunit mas nagpumilit akong ilapit ang sarili sa kaniya hanggang sa unti-unting nawala ang mga yabag ng sapatos sa paligid at ang mga boses ng mga lalaking humahabol sa akin kanina.

Just then I knew; he forcefully flinched away from me with a furious expression on his face.

"What the fuck! Sahara!" sigaw niya sa akin, parehas hinahabol ang aming mga hinihinga.

Napahilamos ako sa aking mukha at sinipat ang tigkabilang pasilyo. Roon lamang ako tila nabutan ng tinik nang purong katahimikan na lamang ang bumalot sa paligid maliban sa kasama kong nagtatatalak ang bibig.

"Gosh. Thank God they're gone."

"Nababaliw ka na ba?!"

Bumaling ako kay Zideon at pinaningkitan siya ng mga mata. "Hoy, para sabihin ko sa 'yo kasalanan mo yata kung ba't ako hinahabol ng mga lalaking 'yon."

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "And now you're blaming me? For Pete's damn sake, Sahara! You kissed me without my—"

Mabilis kong tinakpan ang kaniyang bibig. "Pete na naman! H'wag mo nga akong sigawan! And may I tell you that those guys are trying to take me! Let me guess, kayo ang nagpakulong sa lalaking sumaksak sa 'yo?"

Marahas niyang tinabig ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig. "And so what if I did? Nasaksak ako, Sahara. Alangan namang hayaan ko lamang 'yon?" may riin ang mga kataga na saad niya. "And can you not avoid the topic? Ang punto ko bigla-bigla kang nagnanakaw ng halik—"

Sinapo ko ang kaniyang pisngi at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Ibinalik ko na. Happy?"

Eyes widening and lips ajar from what I did, I tap his shoulders before a smirk forms on my lips.

"What I'm trying to say is, those men are hunting me because of what you did. So technically speaking, matapos kitang tulungan noong nakaraan, ako lamang din 'yong napasama at perwisyo lamang 'yong bumalik sa akin. Might as well fix the things that you've done, hindi 'yong dinaramay mo ako." All right, I know I was the one who ran to capture that thief, but it wasn't my idea to send that thief to jail. At kung wala roon si Zideon paniguradong hindi siya nasaksak; paniguradong hindi nakulong ang lalaki na 'yon, at hindi ako hinabol ng mga walang hiya.

He doesn't speak. He stands there straight, unmoving, until seconds pass when he frustatingly runs his hands through his hair before he faces me. Ramdam ko ang inis sa kaniyang sistema, ngunit alam ko na narinig niya ang sinabi ko na dapat niyang intindihin.

"God, this woman is making me sick," bulong niya na hindi ko gaanong naintindihan. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ko. "Look, it was my mother's idea to send that thief to jail. Sino 'yong mga humabol sa 'yo?"

"Mga kasamahan n'ya," kibit-balikat kong saad. Hindi siya sumagot at mukhang nag-iisip kaya pansamantala kaming binalot ng katahimikan. "Ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko.

He gives me a sarcastic look, like he's asking me, "Am I not allowed to go out?"

Nang mukhang wala naman siyang balak na sagutin 'yon ay tumulak na lamang ako patungo sa may pasilyo. "Never mind. Salamat na lamang sa biglaang pagsulpot. Mauna na ako," saad ko bago ako nagsimulang humakbang papasok doon, ngunit ilang sandali pa ang lumipas nang naramdaman ko ang presensiya niya sa aking likuran. Lumingon ako sa kaniya. "H'wag mo nga akong sundan—"

"Stop assuming things," saad niya at bigla akong nilampasan hanggang sa nauna siya sa akin, "daan ko rin 'to."

I purse my lips as I watch him walk. Sumilip ako sa madilim na pasilyo na pinanggalingan ko. Hindi pa bumabalik 'yong mga lalaki, kaya hangga't maagap pa ay nagmadali akong bumalik sa kung saan sumadsad ang aking motor. It turns out, Zideon's way is there too.

The Unbreakable Glass (Costillano #4)Where stories live. Discover now