Kabanata 4

1K 57 27
                                    

Kabanata 4: Night

"Ky! Sige na, kwento mo na sa amin." Pagpupumilit ni Cassie sa akin na magkwento tungkol sa nangyari sa amin ni Ms. Carson sa labas ng bar dahil sinabi ni Shaina na nakita niya raw kami. "Is it too private? Anong nakita ni Shai? I'm dying in curiosity!" Asik nito sa akin.

"If that's the easiest way for you to die, then let your curiosity—"

"Ms. Carson kissed Kyrie." Napatigil ako sa paglalakad nang sagutin ni Shaina ang kanina pang kinukulit sa akin ni Cassie. "Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako, Cass!" Tili ni Shaina bago niya pinaghahampas si Cassie.

"Saglit lang, Shai!" Awat niya kay Shai. "Did you just say kissed? As in halik? Hindi laplap— aray naman, Kyrie!" Asik nito nang batukan ko siya. "So, how was it? Masarap ba? Matamis ba? What did you feel? May naramdaman ka bang paruparo sa tiyan mo? Come on! Tell us, Ky!" Dire-diretsong sambit nito kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Buti na lang talaga at pumunta pa ako ng convenience store na malapit sa bar." Sabi ni Shaina habang pinipigilan pa rin ang pagtili. "Cassie, hanap din tayo ng Prof na hahalikan tayo sa ilalim ng—"

"Akerson," sabay-sabay kaming napatigil nang marinig namin ang boses ni Ms. Carson. Napalingon naman kaming tatlo at bumungad sa amin ang matamis na ngiti ni Ms. Carson. "Coffee or me?"

"Ma'am, alam po naming nakakaistorbo kami. Aalis na po muna kami." Nakangiting wika ni Shaina.

"Ma'am, please lang po, inosente pa po ang Kyrie namin. Hanggang halik-halik lang po siya. Bawal pa po siya makipag-se—"

"Cassie!" Suway ko sa kaibigan ko. Napaiwas na lang ako ng tingin nang marinig ko ang tawanan nilang tatlo.

"Aalis na kami, baby Kyrie. Ma'am, ingat po kayo sa kaniya, medyo wild po—"

"Shaina!" I let out a heavy sighed, trying to calm myself and not to slap their faces. Nang makaalis ang dalawa ay agad kong inagaw ang kape kay Ms. Carson. "So, are you having fun associating yourself with me?"

She nodded her head. "Is it okay?" She asked, innocently. "About the kiss—"

"I already forgot that. Please, don't make me remember it again. That was a mistake, I know. You were drunk that time and I took that advantage to respond. I'm—"

"You responded. It means you liked it too!" Parang batang asik nito. She smiled widely afterwards. "Your lips are actually sweet. You gently move your lips that made me crave for your kiss more. That time was magical. I don't even know, why I am feeling foreign things. And, you called that, a mistake?" 'Di makapaniwalang sambit niya.

"Let's not talk about it, Ms. Carson. I am your student and you are my Professor. We're not on the same line." Sagot ko sa kaniya. "And, don't make me choose between you and coffee because I'll definitely choose coffee..." I smirked. "While thinking of you. See you around, Ms. Carson!" Paalam ko sa kaniya bago patakbong nagtungo sa classroom namin.

Sapo-sapo ko ang dibdib ko nang makapasok ako sa classroom namin. Kulang na lang din ay langhapin ko lahat ng hangin para lang makahinga ako nang maluwag. Ms. Carson is probably the cause of my sudden heart attack. She already gave me indescribable feelings while kissing her and now, she's giving me this abnormal feeling, when she's around.

"Ky!" Halos mapatalon ako sa gulat nang akbayan ako ni Rich. "Bakit parang namumutla ka yata? Meron bang masakit sa 'yo? Did you eat your breakfast?"

"Kyrie! Pinapatawag ka ni Ms. Carson sa office niya!" Sigaw ng kaklase namin kaya napatingin ako kay Rich na nakangunot na ngayon ang noo.

"Ihahatid na kita." Wika niya bago pa ako makapagsalita.

"At alam mo bang ikaw ang nagpapasaya. Ngumiti ka lang sa akin at nahulog na." Napapikit na lang ako nang marinig ko si Shaina na kumakanta habang paloob ng classroom. "Ano'ng magagawa, laging natutulala. T'wing lumalapit ka, t'wing lumalapit ka. Ako ay natutuwa kahit 'di sinasadya. Pinupuno ng saya t'wing kasama ka." Dugtong pa nito habang nakatingin sa akin.

Kiss of SunsetWhere stories live. Discover now